SANA NASABI KO KAAGAD NA MAHAL NA MAHAL KITA….



Maaga ako pumasok ng araw na iyon sa dahilang iyon ang unang araw nang klaseng nagising akong nasa bahay si Papa. Tulog pa sila Mama at Papa ng umagang iyon kaya di ko muna sila inistorbo marahil ay namis nila ang isa’t isa. Kakarating lang kasi ni Papa galing Brunei.

Pumasok na ako sa tinutuluyang pribadong paaralan. Nakipagkulitan at ipinamalita ko na dumating na nga si Papa. Sumagot sa mga tanong ng aming guro. Tawa dito… tawa doon…parang wala ng bukas.

Nang biglang nakareceive ako ng tawag kay Mama.

Ako: Oh ma napatawag ka… May klase pa ako bakit ka po tumawag?

Mama: May klase ka pa ba ngayon?

Ako: Opo Ma. Bakit po? (Bigla akong kinabahan noon parang may malamig na hangin ang dumampi sa aking mukha.First taym kasi ni mama tumawag sa akin na nasa skul pa ako.)

Ma: Ah ganoon ba sige mamaya nalang.

Ako: Bakit ka nga tumawag Ma?

Ma: Si Papa mo dadalhin namin sa hospital masakit daw ang ulo.

Iba ang naramdaman ko ng marinig ko ang balita galing kay Mama.

Ako: Bakit po Ma. Anong nangyari? (Sobrang kabado ako nito)

Ma: Basta umuwi ka nalang mamaya…

Sabay baba ng telepono…

Naiwan akong parang lutang ng mga sandaling iyon. Kinakabahan. Balisa. At di alam ang gagawin. Pinili kong lumiban sa huling klase ko at umuwi kaagad pero wala na sila Papa at Mama sa bahay. Dinala talaga si Papa sa hospital.

Wala akong kibo ng araw na iyon.Tapos sabi nila Ate ok na daw si Papa at nakaconfine lang sa UERM. Naging kampante ako. Nakahinga ng malalim at di muna ako pumunta doon tinapos ko muna ang huling araw ng klase. Sayang kasi ang isang araw di ako sanay na lumiban.

Gabi na ng dumating ako sa UERM upang dalawin si Papa. Takot akong pumasok kasi baka kung ano pa ang makita ko. Adik kasi ako sa mga telenovela, eh halos lahat ng napapanood kong eksena sa ospital ay di maganda.

Heto na ngat pumasok na ako at laking gulat ko ng makita ko ang sitwasyon ni Papa. Kagaya ng eksena sa mga palabas na napanood ko. Ganun na ganun ang lahat. May malaking tubo sa bibig. Naka-demakinang oxygen. Parang lantang gulay. Ni di ko makausap kasi nga wala pang malay. Lumabas muna ako ng kwarto ng araw na iyon at nagsabing magpapahangin muna…

Ilang saglit lang ay pumatak na ang mga luha sa mata ko habang palabas sa pintuan ng kwarto ni Papa. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit makita ang kalagayan ni Papa. Kinurot kurot ko ang pisngi ko baka kasi bangungot lang ang mga ito at magising ako bigla sa tunay na mundo pero hindi ito isang bangungot bagkos totoo ang lahat at kailangan ko itong harapin ng buong tapang.

Parang ilang araw lang ay masaya pa kaming nagiikot sa Grand Central. Parang ilang araw lang ay masaya naming binili ang lahat ng mga bagay na kailangan namin. Parang ilang araw lang simula ng umuwi si Papa pero heto ngayon nakaratay dahil sa comatose. At ito kaming lahat balisa at naghihintay ng pag-asang gigising at makakausap naming lahat si Papa.

Sa sobrang pagluha ay di ko namalayang katabi ko na pala si Tito Ensu. Tinapat ako ni Tito sa tunay na estado ng kalagayan ni Papa. 50/50 daw siya. Kahapon pa daw siya walang malay at hanggang ngayon “UNDER OBSERVATION” pa daw siya. Lumukas ang patak ng luha ko parang kasing lakas ng ulan at bumaha sa mukha ko.

Wala akong magawa kundi magdasal at humingi ng awa sa AMA. Wala na akong masabi. Wala na akong maramdaman kundi hinagpis at lungkot ng mga sandaling iyon.

Lumipas ang mga araw. Wala paring nangyayari. Humihinga nga si Papa pero di pa din naming nakakausap at wala pa ding malay. Isa-isang nagsidatingan na din ang mga kapatid at pinsan ni Papa. Lahat may kanya kanyang kuro kuro. Lahat nag-aalala. Lahat nagulat at nagtataka.

Noong araw na iyon ko lang din nakitang umiyak ng husto si Mama. Nakikita kong pinipilit niyang maging okey pero noong araw na iyon bumigay na din siya. Di na niya siguro kinaya ang makita ang kabiyak ng puso niya na nakaratay sa kama at walay malay. Yun din ang huling araw ng lahat.

Ika-16 ng Nobyembre taong dalawang libo at dalawa ang huling araw namin sa hospital. Napagdesisyonan ng lahat na tapusin na ang paghihirap ni Papa. Inamin na din daw kasi ng doktor na makina nalang daw ang nagpapabuhay kay Papa. Ganito din ang huling salita ni Mama sa akin.

Ma: Lim, kausapin mo na si Papa mo. Magpaalam ka na sa kanya. Sabihin mo na gabayan ka niya sa pag-aaral mo.

Ako: Bakit ma? Anong nangyayari?

Ma: Wala na si Papa mo…

Ako: Bakit po… Ma nasan ang doktor. Mabubuhay pa si Papa di ba?

Ma: Lim, tama na… Pagpahingahin na natin ang Papa mo…

Yun ang huling salita kong narinig kay Mama sa hospital. Konti lang ang salitang namutawi sa bibig ko ng araw na iyon habang yakap ko si Papa…

Ako: Pa bakit mo naman kami iniwan? Paano na kami niyan ngayon? Paano na si Mama? Pa paano na ang pangarap ko sa kolehiyo. Pa… Ngayon ko lang sasabihin sa iyo ito sana marinig mo.Pa, I love you. Pasensya ka na ha ngayon ko lang nasabi sayo. Nahihiya kasi akong sabihin. Lagi ka kasing wala Pa eh. Lagi kang nasa abroad. Tapos ngayon di mo lang kami iniwan ng saglit kundi habambuhay mo na kaming iniwan Pa. Daya mo… Ang daya mo.. Pero sa kabila ng lahat Pa. Salamat Pa ha. Salamat sa lahat. Hayaan mo lahat ng pangako ko sayo tutuparin ko. Magiging magaling akong inhinyero at tatapusin ko yung di mo natapos Pa. Di ko papabayaan sila Mama, Pangako. Pa sobrang mamimis kita…

Nakita ko ang parang butil ng mga luha sa mga mata ni Papa ng mga sandaling iyon. Di ko alam kung dahil sa narinig niya yung mga sinabi namin at napaluha siya at buhay pa siya o sadyang parang ganoon talaga ang mata niya dahil sa gamot at tubo na nakasalpak sa kanya. Aminado ako ng makita ko iyon gusto kong pigilin ang naging desisyon nila pero wala akong nagawa. Alam ko kasing tama din ang doctor. Wala na nga talaga si Papa..

At yun na nga. Tuluyan na ngang inalis lahat ng makinang nakasalpak kay Papa. Ilang minuto lang ang tumagal at nag kulay talong na si Papa. Totoong patay na nga si Papa ng araw na iyon sa dahilan ng tinanggal ang makina ay parang walang nangyari. Tulog na tulog siya pero di na humihinga. Wala man lang paramdam na nahihirapan siyang huminga. Doon tuluyan ng bumaha ng luha sa aking mukha.

Binalot ng katahimikan at iyakan ang kwarto ng ospital ng araw na iyon. Lahat nagpaalam. Lahat nangulila. Lahat nalulungkot at nasasaktan. Lalo na ako…

Nawalan ako ng taong magtuturo sa akin ng lahat. Walang magtuturo kung paano manligaw sa mga gusto kong ligawan. Paano pumorma pag may mga lakad akong pupuntahan. Magpapayo pag ako’y masasaktan dahil sa pag-ibig. Wala na… Iniwan na niya kami.

Sa ngayon naaala-ala ko pa ang lahat. Bawat segundo.. Bawat minuto… Bawat oras… Bawat pangyayari pero wala na akong magagawa pa kasi di ko na maibabalik ang lahat.

Hanggang ngayon bitbit ko parin ang mga ala-ala ng mga pangyayari at ang huling mga salita at pag-uusap namin ni Papa noong nasa Grand Central kami.

Papa: Oh bilhin niyo na yung mga bagay na gusto niyo minsan nalang mangyayari sa inyo yan. Bilhin niyo na habang may pera pa tayo at habang malakas pa ako at pwedeng bumalik upang magtrabaho sa abroad.

Ako: Si Papa naman parang sira. Magaabroad ka uli kala ko ba di mo na kami iiwan at magnenegosyo nalang tayo. (Paglalambing ko…)

Papa: Lim, Magkokolehiyo ka pa kaya kailangan kong umalis uli…

Ako: Bahala ka na nga… Matanda ka na Pa. Pa nga pala yung CP na promise niyo. Bibilhin na ba natin ngayon?

Papa: Di ba pangako ko sayo yun Nak. Sige bibilhan kita mamaya. Kain muna tayo gutom na ako…

Ako: Jollibee nalang tayo kumain Pa…

Ate: Sige sa Jollibee nalang Pa para mas mura…

Ma: Itong mga batang ito.. Tara na gutom na Papa niyo…

Halos bago lahat ng mga gamit namin ng dumating si Papa. Bagong TV. Bagong Refrigerator. Bagong Washing Machine. Bagong damit. Bagong cellphone. Bago lahat at pagkatapos noon nabago ng husto ang buhay namin. Yung bonding at lakad namin kasama si Papa yun na pala ang huling magsasama kami ng buo at masaya.

Sabi nga ni Mama isang araw bago daw dalhin si Papa sa hospital ay nagbilin daw si Papa ng mga bagay bagay. Naglalaba daw sila noon sa bago naming washing machine ng sabihin ni Papa na alagaan daw ni Mama yung mga gamit at lalong lalo na daw kami. Dapat daw makapagtapos ako sa hayskul at makatungtong ng kolehiyo. Si Ate naman daw dapat matapos na sa kinukuhang kurso sa UE. Tapos niloko pa daw ni Papa si Mama na dapat mag-asawa uli pag siya ang nawala. Noong sinabi daw ni Papa kay Mama yun parang balewala lang pero naalala ni Mama lahat ng wala na si Papa sa tabi niya.

Napagtanto ko. Iyon marahil ang huling habilin ni Papa. Iyon marahil ang mga pangarap niya sa amin. Siguro naramdaman niyang malapit na siyang lumisan kaya ginawa niya lahat iyon.

Magwawalong taon nang wala si Papa sa tabi namin. Sobrang madaming nagbago. Sobrang bumaliktad ang mundo namin. Pero marami akong natutunan.

Sa ngayon..

Si Ate nakapagtapos na ng kolehiyo at may asawa at dalawang anak na. May mga pamangkin na akong makukulit. Isang babae at isang lalaki.

Si Mama naman may BF ngayon. Aminado akong walang makakapalit sa puwesto ni Papa sa puso ko pero bukas naman akong tanggapin ang mga desisyon ni Mama. Kasi sa mata ng Diyos at ng tao legal naman iyon kasi biyuda na siya. Di ko man maibigay ng buo ang puso ko sa bagong sinisinta ni Mama. Handa naman akong irespeto at tanggapin siya bilang parte ng aming pamilya. Si Papa pa din kasi ang tinuturing kong Ama at wala ng iba.

Ako naman. Nagtapos na ako ng hayskul at natupad ko ang pangako ko sa libing ni Papa na magtatapos ako ng may medalyang isasabit si Mama sa ulo ko. Nagtapos na din ako sa kolehiyo sa kursong ipinangako ko kay Papa. Kasi sa kanilang magkakapatid siya lang ang walang titulo. Sobrang iginapang ni Mama lahat pero ngayon isa na akong Inhinyero at nagtratrabaho sa isang pribadong bangko sa Makati. Propesyonal na kumbaga… Isa na rin akong bloggerong nagbibigay ng kasiyahan at inspirasyon sa mundo ng bloggosperyo.

Malapit na din pala ang ikawalong taon ni Papa. Sa darating na Nobyembre sa taong kasalukuyan. Sa ngayon okey na din ang lahat. Di ganoon tulad ng dati pero naiiraos na lahat. Sobrang dami kong natutunan ng mawala si Papa. Ako nalang kasi ang natitirang lalaki sa bahay kasi wala na nga si Papa at Kuya. Mahirap din pala ang maging Ama. Sobrang saludo ako sayo Pa at sa lahat ng mga tatay pati na din sa mga ina ng tahanan.

Ngayon, alam ko namang masaya ka na ngayon Pa kung nasan ka ngayon. Alam ko din naman na lagi mo kaming tinitignan at binabantayan mula sa langit. Sana nga lang bago ka nawala Pa nasabi ko kaagad sayo ng harap harapan na “MAHAL NA MAHAL KITA PA at walang ibang tatay, ama, daddy, papa at erpats ang makakapalit sa pwesto mo dito sa puso ko… Kaw lang at wala nang iba.”

===============================================================

Ito ang aking lahok sa kategoryang MAIKLING KWENTO ng Saranggola Blog Awards ni Sir Bernard at pasasalamat sa sponsor nito na DMCI HOMES. at ALTA VISTA DE BORACAY

Gaya ng aking nagawang tula sana suportahan niyo itong lahok ko na isa sa pinakaimportanteng kwento ng buhay ko…. Ito din kasi ang parte ng buhay ko na nagpatatag at nagbago ng buhay ko kung sino man ako ngayon.

“Maaring makalimutan mo lahat ng mga bagay na ginagawa mo pero ang sakit na maiwanan ng isa sa taong mahal mo ay tila isang pakong nakabaon na sa puso mo na kailangan may di mo matatanggal at makakalimutan.” – cuteberl

dance with my father

61 responses to “SANA NASABI KO KAAGAD NA MAHAL NA MAHAL KITA….

  1. base, may God kuya. kasakit naman sa dibdib ng kwento mo.

  2. [14:30] beeftapa: hmmmm
    [14:30] beeftapa: wala ko masabi berl
    [14:30] beeftapa: ang hirap ng lumakeng kulang ng isa ang magulang
    [14:30] beeftapa: mahirap para sa mga anak
    [14:30] beeftapa: pero mas mahirap sa naiwang kabiyak

  3. nabubuhay ang ama mo sa iyo, taglay mo ang mga katangiang galing sa kanya (at sa iyong ina). kung kaya, mananatiling buhay ang alaala ng iyong ama sa pamamagitan mo at sa mga taong minahal niya at nagmamahal sa kanya. Alam niyang mahal na mahal mo siya… at patuloy ang pagmamahal na iyon. Ganoon din naman siya… hanggang ngayon! 😀

  4. hehehe. sana nga taribong.. salamat sa pagdalaw. to GOD be the glory.

  5. paniguradong proud sau ung Papa mo sir sa lahat ng mga nakamit at natupad mo sa iyong buhay. nawala man ang kanyang physical na presensya nanatili nman ang mga aral at alaala nya sa inyo. Naging mabilis ang kanyang pagkawala mananatili naman sya sa inyong puso ag magsisilbing gabay at haligi sa oras ng iyong kalungkutan at problema.

  6. ok lng yun kung hnd m mn nsabi sa papa mo ng harapan. im sure nmn na nung buhay xa naramdaman nya nag pagmamahal mo. and im sure proud n proud xa nayun sau ….

  7. siguro after ng madaming taon na wala ang nanay mo naging malakas ka na ngayon at masasabi mong ikakarangal ka pa din nya kasi…. kasi… kasi magaling kang magsulat ng blog… pasok…

    goodluck lim

    • nahilo ka ata sa haba ng poste ko kuya. hehehe si Papa po ang patay na. hehehe. anyways. salamat sa komento… ang magiwan ng komento ang isang bloggerong katulad mo ay ikinalulugod ko na. Salamat. To God be the glory..

  8. salamat sa pagbabahagi ng kwento berl,at pakikibahagi na rin sa patimpalak ng saranggola.

    maging matatag ka sa lahat ng pagsubok.yung katatagan na yun ang genes na mag uugnay sayo sa ala-ala ng papa mo.

    magandang araw!

    • hehehe. ikinalulugod ko ang sumali sa mga patimpalak na ganito. sa ganitong paraan nahahasa ko ang aking talento sa pagsulat at paggawa ng mga akda hinggil sa buhay ko at mga karanasan sa lipunan.

      Salamat at napadalaw ang isang tulad mo sa lungga ko. ikinagagalak ko ang makita ang komento sa magaling na manunulat na nanalo sa mga patimpalak ni kuya jkul.

      Duking kita kits… To God be the glory…

  9. grabe.. kakaiyak..

    berl naman eh

    T_T

  10. ah pareho na pala tayong wlang daddy. ako naman walong taon pa lang nung nangyari.

    wala akong masabi kundi ka-proud na proud kang anak sa kanya. hindi nasayang ang bawat sandali ng kanyang buhay and i tthink ikaw rin sa kanya kasi naiparamdam ninyo sa isa’t isa ang pagiging mag-ama.

    • salamat sa pagdalaw hoshi… kamusta? mukhang mahihirapan akong makilala kayo lahat sa blog awards. puro nakatago kasi kayo sa animated na pics. hehehe.

      salamat sa komento. sana nga proud si Papa kung anung meron man ako ngayon. hehehe… ang hirap mabuhay ng walang tatay no. hehehe..

  11. Lagi akong nahuhuli sa blog mo Berlim,promise. Ang galing mo talaga.

    Salamat sayong pagsusumikap, kung nasaan man ang Papa mo, sigurado akong proud na proud sayo. Naging mabait at masunurin kang anak.

  12. masakit sa puso parang parang diko maipaliwanag kakalungkot ganuun ba tlga plaungkutan ng kwento sa Saranggola 😦

    Oist, wag mong kalimutan birthday ko…:-)

  13. tama.. dapat lagi nating alalahanin na baka ito na ang huling sandali natin 🙂
    saludo ako sa mama mo

  14. Daniel P. Yuson Jr

    @ Cuteberl..!
    naiyak ako..! 😥

    BABALIK AKO MAMAYA

  15. Daniel P. Yuson Jr.

    @ Cuteberl..!
    i’m sure narinig mo na…
    ang knata ni…
    luther vandross..!
    DANCE WITH MY FATHER..!
    binasa ko ulit ito…
    with that song as my background..!
    naluha ulit ako..!

    BTW..,
    ako po si..:
    DANIEL P. YUSON JR..!

    BUMALIK AKO..! 😉

    10-15-2010
    4:52 PM

    • hehehe. yan talaga ang background music ng posteng ito. pero di ko mailink yung kanta tapos nagdodownload naman ako di naman kasiya. hehehe.. pansinin mo sa ilalim may dance with my father na nakalagay na link..

  16. Pingback: Ako naman ang magsusulat… « HIBANG {tagni-tagning ideya}

  17. Naiyak nman ako dito, cute berl. Kung san man si papa mo ngayon, im sure proud na proud sya sayo. Kung di mo man nasabi nun kung gano mo sya kamahal sigurado ko nman ramdam nya yun dahil naging mbuti kayong mga anak.

    God bless po…

  18. yung tali na nag-uugnay sa mga puso nyo kahit nasaan man siya hindi-hindi yun mapapatid dahil mahal na mahal niyo ang isa’t isa… hindi mo man nasabi yun kay papa mo, alam naman niya na yun…

  19. khit nyo po nsabi alm kog naramdaman din ng tatay mo na mhal mo xa…
    nagugustuhan ko na ang blog…
    dalaw lng po.. bgo lng ksi ako…

  20. Naiyak naman ako dito sa post mo. Nagblo-blog hopping ako, kita ko link mo sa site ni Timangkey (na ngayon ko lang din nakita), tapos binasa ko ‘to. Naiyak naman ako kasi ang daddy ko, kakalabas lang sa hospital nung Wednesday. Stroke, pero ok naman siya, normal na ulit. Hindi kami close, never kaming naging close, pero pagkatapos niyang maospital (at lalo na ngayong nabasa ko tong kuwento mo), nagbabalak ako gumawa ng paraan para maging close kami. Di ko nga lang alam paano. Anyways, gawin ko raw bang advice column ‘tong blog mo?! 😉

    Parang na-inspire akong magsulat din tungkol sa daddy ko. Anyways, good luck sa Blog Awards! 🙂

    • ok lang yan.. atleast napadaan ka po sa blog ko… wag po kayong magsawang bumalik.

      napaiyak ba kita? sori po ha. gusto ko lang ihayag yung mga naramdaman ko tungkol sa nangyari sa dad ko. salamat ha.

      Do your best na mapalapit din sa dad mo bago mahuli pa ang lahat. Gawin mo na din ang paraan na naiisip mo. I will pray for your plan na maging maayos, kaya mo yan. God bless. dalaw lang uli ha…

  21. Sobrang may kurot sa puso ko ang poste na ito Berl.

    Sa isang hospital din nagtapos ang buhay ng aking kabiyak. Tinibayan ko ang aking loob para sa aking mga anak. Almost 6 years na ay naging maayos namang lahat sa gabay ng Panginoong Diyos. Na katulad ng inyong pamilya na kahit dumaan sa pagsubok ay nagpatuloy tahakin ang mga pangarap ng inyong ama.

    Tunay na pang blog awards ang iyong pagkakasulat dito. Good luck & God Bless!

    • hehehe ganoon po ba? pangblog awards ba? inihayag ko lang po ang nararamdaman ko superlolo.

      Narealize ko din ang narealize mo na kailangan ko din maging matatag hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mama ko at kapatid ko.

      Salamat sa pagdalaw kuya. balik ka lagi ha..GOD BLESS.

  22. Puno ng emosyon ang bawat tagpo, hindi pa huli ang lahat iparamdam ang pagmamahal sa bawat isa… 😀

  23. .naka2 iyak…wala aqoe masabi ganyan rin kasi ang nangyari sa papa q at lola ko.:(

Leave a comment