KALIKASAN: SA IBA’T IBA NITONG ANYO AT DEPINISYON (UNCUT)

INANG KALIKASAN ATING ALAGAAN

Kulang kulang isang taon na din ang nakakaraan
Simula noong bagyong Ondoy dumating sa ating bayan
Lahat ay nagulat at napakunot noo
Lahat ay nabigla at naguho ang mundo

Di ko makakalimutan ang araw at pangyayaring ito
Ikaw ba nama’y umuwi ng baha ang kasagupa mo
Sa lugar ng Quiapo pa ako nakatira
Maiisip mo ba kung gaano kalinis ang aking sinagupa

Mukhang ilog ng basura ang aking nakita
Maitim, mabaho at puno ng basura
Walang akong nagawa kundi lusungin ito
Kesa maghapon ako sa kalsada at nakadilat ang mata ko

Tandang tanda ko pa lahat ng nangyari
Di na yata mawawala ito kasi bahagi na ito ng aking sarili
Isang malagim na bangungot na kailanman di ko hinangad
Ngunit sa kasamaang palad itoy sa harap ko noo’y tumambad.

Nakakatakot ito at sobrang nakakabahala
Nakakaalarma at sobrang kailangan maaksiyunan na.
Pero ang tanong ano ba ang magagawa mo at magagawa ko?
Ano ba ang pwede natin gawin tungkol dito.

Sabi ko nga noong mga panahong iyon
Kung kaya ko lang pahintuin ang mundo at pigilan ang panahon
Ibabalik sa araw bago mangyari ang masaklap na bagyo
Upang lahat ng pwedeng magawang paghahanda ay magawa ko.

Ngunit di naman ako ang Diyos upang magawang pahintuin ang mundo
Pero may magagawa naman akong mga simpleng bagay para dito
May mga iba’t ibang  paraan din upang masolusyonan ito
Ang mahalaga, ang lahat ay aaksiyon at magtratrabaho para dito

Di ko na kailangan ibigay ang lahat ng pwedeng gawin
Di ko na din dapat sabihin ang lahat ng dapat sabihin
Ikaw at ako’y nakatira dito sa mundo.
Kaya ituring nating sarili nating mundo ito.

Laging sinasabing Kalikasan ating pangalagaan
Upang sa huli ay di natin ito pagsisihan
May punto talaga sila doon
Kaya gawin natin lahat ng pwedeng maging solusyon.

Tara, Sama sama nating alagaan ang inang kalikasan
Sama sama tayong magtanim ng puno sa kapaligiran
Linisin ang dapat linisin
Simutin ang lahat ng dumi sa paligid natin

Kaya ano pang hinihintay mo.
Inang Kalikasan ay alagaan mo
Upang kahit anong Ondoy ang dumating sa buhay natin
Kaya natin itong buong pusong harapin.

==========================================

Parte sana ito ng entry ko pero tatlo lang kasi ang kailangan kay eto ipinost ko bilang uncut. hehehe. Sana magustuhan niyo.

25 responses to “KALIKASAN: SA IBA’T IBA NITONG ANYO AT DEPINISYON (UNCUT)

  1. katakot nga talaga yang ondoy na ‘yan. sana’y huwag ng maulit pa.
    siyempre mangayayari yun sa pamamagitan ng sinabi mo. alagaan ang inang kalikasan.

    teka nabasa mo ba na yung tula ko rin?
    http://hoshilandia.com/?p=905

    good luck pala sa atin. mabuhay!

  2. Alam mo kung ano ginawa ko Berlim? Syempre hindi. Ni-RAP ko siya kesa sa tinula. Break it down. Yo!

    Ay,malapit na ang anniv ni Ondoy. Sa Sep 26. May repeat daw. Ngork. Joke lang. Nagtext na ako. Di raw totoo ‘yon. Naka long vacation si Ondoy.

  3. tama makakatulong to pang wake up call sa mga taong mapanira ng kalikasan.. kaya lalong bumabagsik ang natural disasters dahil sa kapabayaan ng mga tao diba

    nice post!

  4. talaga naman nabigla ang buong mundo ng ma-Ondoy ang bansa natin
    isa itong paalala na Nature knows best, kaya habang may oras pa kumilos din tayo, gaya ng paanyaya mo!

    salamat sa reminder na ito sir berl. be blessed po!

    salaamat sa suporta sa PEBA! Mabuhay po ikaw!

  5. ang galing din nito berl.

    saklap,karamihan sa atin,direkta man o hindi direktang naapektuhan ng ondoy,ay naging biktima rin nito.tuwiran man kasi o hindi,hindi maikakailang maaaring magpaulit ulit yon kung hindi tayo gagawa ng makabuluhang aksiyon sa ngayon.

    huwag na sanag maulit pero malaking aral yun para sa lahat.ang kakayahan ng kalikasang bawiin ang mga buhay at sirain ang mga pinagpagurang ari-arian ng tao. nasa kanya ang awa pero kailangan talaga nating gawan ito ng paraan.

    ang ganitong tula ay isa nang hakbang.

  6. Tama. Iba na kasi kapag si inang kalikasan na ang naniningil. Lately sa TV may nakita akong design ng bahay na safe pag may baha. Ibig sabihin aware na ang karamihan kung sakali mang may “repeat” nga man. (wala na sana)

    Ang sipag mo gumawa ng tula ah.😉

  7. kita kita non sa quiapo, naliligo dun sa lacson underpass, ingit nga ako e..

  8. Sana nga Berl huli na si Ondoy sa buhay ng mga Pinoy. Sana lang talagang isapuso na ng mga Pinoy ang pagmamahal sa kapaligiran. Maaaring pangmatagalan ito para maging ehemplo tayo ng kalinisan pero sana lang maging priority rin ito ng mga tao sa kanilang buhay….maging mayaman at mahirap. Wag sanang maghintay na muling pagpapaalala ng kalikasan.

    God Bless Berl.

  9. kumusta na berl? God bless

  10. hello po… pde po bng mki pag link exhange?.. kung ok lng… slmat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s