HUGOT NI CUTEBERL

  1. Gaano man kainit ang pag-ibig minsan para din itong sabaw, nanlalamig din.
  2. Minsan ang pag-ibig parang isang token, kahit anung pilit mong ipaglaban at ingatan, di mo ito namamalayang nauubos na ito, tuluyan ng nawawala at minsan ay pagmamay-ari na ng iba.
  3. Sabi nila ang taong single ay malungkot. Bakit ganun? Nung iniwan niya ako at single na siya, feeling ko ang saya-saya niya pa.
  4. May nabasa akong Caution sa Mineski, sabi doon bantayang mabuti ang mga mahahalagang gamit, naalala kita bigla, binantayan naman kitang mabuti pero bakit ganoon nakuha ka pa din ng iba.
  5. Yung puso niya parang punuang jeep, wala ng space kahit ipagsiksikan mo pa ang sarili mo. Gusto mo sumabit ka pero lalabas kang parang kabit.
  6. Gaano man ako kaitim sa iyong paningin, tandaan mo, ako yung tipo ng taong mahirap limutin.
  7. Kung nakakatakot ang multo, mas natatakot ako mawala ka sa buhay ko.
  8. Sana ikaw nalang ang loan ng buhay ko, para lagi kang may interest sa akin.
  9. Sana yung pag-ibig natin ay PC to PC, para laging may connection sa isat isa.
  10. Parang kang Metrobank sa buhay ko, kasi your always in good hands.

2016. SIMPLENG INHINYERO: ANG PAGBABALIK

Ngayong 2016.. Muli kong bubuksan ang aking tahanan sa isa na namang masayang biyahe. Samahan niyo muli ako sa pagbuo ng mga tula, kwento at sari-saring mga bagay na parte ng buhay ko.

Tara samahan niyo akong buhayin ang lungga na ito.

TADHANA NGA BA?

Tirik na tirik na ang araw at ang sikat nito ang tumama sa mukha ni Earl galing sa bintana ng kanyang inuupahang kwarto kaya nagising ito bigla. Tinignan niya ang orasan at nagulat siyang alas-Siyete na pala ng umaga at huli na siya sa trabaho. Nagtratrabaho si Earl bilang isang inhinyero sa isang kilalang kumpanya sa Pilipinas. Halos limang taon na siya dito at dito na umiikot ang pang-araw araw niyang buhay. Kumbaga bahay-opisina lang siya pero nagbago ang mga iyon sa isang di inaasahang pangyayari.

Naaalala pa niya ang pangyayaring iyon. Isang umaga iyon ng Hunyo. Nagmamadali siyang pumila sa sakayan ng “air-conditioned” na dyip papunta sa kanyang trabaho. Sa kakamadali di niya namalayan ang kasalubong na babaeng nagmamadali rin para mauna sa pila. Nagkabungguan sila. Galit na galit sa kanya yung babae sapagkat nalaglag sa lupa ang mga dala nitong gamit at ang munting tinapay na pinakaiingatan niyang huwag masira na ibibigay sana nito sa kaarawan nang kaopisina niya. Naaalala pa niya na halos isumpa siya nito at di na kinibo kahit anu mang paumanhin ang gawin niya at kahit nagpumilit pa siyang papalitan nalang ito. Sabi nalang sa kanya noong babae ay huwag na huwag na sanang magkrus ang landas nila.

Lumipas ang mga isang buwan na di niya ito nakakasabay sa pila at sa dyip kung saan sila unang nagkita. “Marahil di na siya dito sumasakay” ang tanging sumagi sa isip niya. At dahil maaga siya sa pila ay tiyak na makakaupo siya ngayon. Di nga siya nagkamali. Pang labing apat siya sa pila at pang bente singko katao ang dyip na kanilang sasakyan. Umaandar na ang dyip. Dahil sa inip ay tumingin siya sa labas ng salamin at sa di sinasadyang pagkakataon ay nakita niya ang babaeng nakabanggaan niya. Umiiwas nga talaga ito sapagkat sa kabilang kanto na pala ito naghihintay ng dyip na masasakyan. “Maganda pala siya. Sayang di ko siya nakilala” bulong nito sa sarili. Dumating siya sa opisina at di niya maiwasang di mawala sa isip niya ang babaeng nakabungguan niya. Nagsisisi siya dahil sa nangyari at nanghihinayang siya kasi mali ang pagkakataon nang sila’y pinagtagpo ng tadhana. Lutang si Earl sa buong araw at halos di makatutok sa kanyang ginagawa sa trabaho. Di talaga kasi mawala sa isip niya ang itsura noong babae at di siya papayag na di siya dito makakabawi. “Bukas aabangan ko siya doon sa pila” wika niya.

Kinabukasan. Bigo pa din si Earl. Wala sa pila ang babae at wala din doon sa kabilang kanto kung saan niya ito nakita. Malungkot siyang dumating sa opisina at sinimulan na ang kanyang trabaho. Para may kulang sa kanya nang mga oras na iyon at di niya maintindihan ang kanyang sarili. Maya maya pa ay may bigla siyang narinig na boses.

Boss: Hoy Earl. Lutang ka na naman. Ano bang iniiisip mo?

Earl: (Nagbigla at di alam ang isasagot at gagawin) Ah eh Sorry Sir. Napuyat lang po.

Boss: O siya. Tapusin mo na yang ginagawa mo. May kliyente pa tayong kakausapin mamaya. Naayos mo na ba yung ipapakita nating plano sa kanila?

Earl: Oo boss kaya nga ako napuyat eh. (Palusot nito)

Boss: Sige. Alas nueve ang miting. Hintayin kita sa kabilang kwarto.

Pumatak ang alas nueve at pumunta nga si Earl sa kabilang kwarto kung saan gaganapin ang meeting. Pumasok siya sa kwarto at nandoon na pala ang kanilang kausap.

Boss: Earl. Si Dianne nga pala. Ang Sales Manager ng BLGC (Berlim Limbauan’s Group of Companies), isang kilalang kumpanya na gumagawa ng mga bahay.

Earl: (Nabigla sa babaeng nakita) Hello Dianne. (Inabot ang kamay) Kinagagalak kong makita kang muli.

Diane: (Ngumiti lang pero medyo nagulat din pero nakipagkamay din)

Boss: Buti magkakilala na kayo? Paano mo siya nakilala Earl?

Earl: (Medyo di alam ang sasabihin) Oo Sir. Malaki ang atraso ko dito kay Binibining Dianne. Paano kami nagkakilala boss. Pwede po bang di ko nalang sasabihin baka magalit uli sakin si Binibining Dianne.

Dianne: Oo nga po Sir Jess. Di magandang pangyayari iyon na ayaw ko nang balikan. Balik po tayo sa dapat nating pag-usapan.

Boss Jess: Sige kayo bahala. Basta Dianne pag inagrabiyado at di ka sinunod nitong si Earl sabihin mo sakin at ako na bahala. Siya kasi ang makakasama mo sa anim na buwang proyektong gagawin natin.

Earl: Ano po Sir? (Gulat na gulat)

Dianne: Wala na bang iba? (May halong inis at pagkadismaya)

Boss Jess: Oo Earl. Tama ang iyong narinig. Dahil ikaw ang pinakamagaling sa larangan ng proyektong gagawin. Ikaw ang aking itatalaga na tutulong kay Dianne upang tapusin ang proyekto sa anim na buwan. At Dianne, si Earl ay bihasa na diyan sa trabahong iyan at tiyak na matatapos ang proyekto sa tamang oras.

Dianne: Sige po Sir Jess. Wala naman akong magagawa eh.

Natapos ang kanilang pag-uusap at bumalik na sa kanyang puwesto si Earl. Magkahalong tuwa at hiya ang nararamdaman niya ngayon. Tuwa, sapagkat makakasama niya si Dianne sa anim na buwan at pwede siyang makabawi dito. Pero siyempre nahihiya siya dahil panget ang una nilang tagpo.

Isang linggo ang lumipas at nagsimula na ang proyektong gagawin nila Dianne at Earl. Sa unang araw nang trabaho. Wala silang kibuan. Mag-uusap lang sila pag kailangan ni Dianne ang tulong ni Earl at ganun din si Earl kay Diane. Tila may ilangan sila. Marahil di pa din sila sanay sa isat-isa. Tumagal ang ganoon pangyayari ng mahigit dalawang buwan. Trabaho lang walang personalan. Nabasag lang iyon nang naglakas loob si Earl na yayain si Dianne na kumain sa labas ng tanghalian.

Earl: Dianne, may baon ka ba? Tagal na din natin magkasama sa proyekto pero halos wala tayong pansinan. Galit ka pa ba sa akin?

Dianne: Ha? Bakit naman ako magagalit? Di talaga ako pala kibo at sobrang nakatutok ako sa proyekto kasi gusto ko bago mag Disyembre ay bukas na ito sa publiko.

Earl: Kala ko kasi di mo pa din nalilimutan yung nangyaring panget sa atin dati.

Dianne: Ah yun ba? Binaon ko na sa limot yun kasi matagal na iyon at may kasalanan din ako sa pangyayaring iyon. Sobrang mainit lang talaga ang ulo ko ng mga araw na iyon kasi nagkakalabuan kami ng ex ko.

Earl: Ex mo? Bakit wala na kayo? Sorry nga pala sa pagtatanong at pati na doon sa dating nangyari. Gusto ko talagang bumawi sayo noon kaso di ko alam paano. Tiyaka alam kong malabo na mangyari iyon pero ang galing lang ng Diyos kasi nagkita uli tayo. Ngayon pwede na akong bumawi. So kain tayo sa labas. Ako ang taya.

Dianne: (Medyo nakangiti) Oo. Ex ko na siya. Isang linggo pagkatapos tayo magkabanggaan noon. Nakipaghiwalay ako. Nalaman kong may iba siya. So ano dito ba tayo magkwekwentuhan o sa labas?

Earl: Sige tara na. Gutom na din ako.

Doon nagsimula ang kanilang pagkilala sa isa’t isa. Kung dati ay di sila nagkikibuan. Ngayon halos di na sila makausap lagi pag sila na ang magkasama. Lagi na rin silang sabay kumain sa labas at minsan pa ay hinahatid ni Earl si Dianne sa kanyang tinutuluyang bahay. Makalipas ang dalawang buwan nilang pakilanlan sa sarili. Umamin si Earl na gusto na niya si Dianne simula pa noong makita niya ito at balak niya itong ligawan. Pumayag si Dianne at di lingid kay Earl na nagkakagusto na rin ang dalaga sa kanya.

Lumipas ang isang buwang panliligaw at sinagot na ni Dianne si Earl. Kasabay nito ay ang pagtatapos nang proyektong kanilang ginagawa. Masaya silang makita ang isang malaking gusali na kanilang nagawa at isang buwan nalang ay bukas na ito sa publiko. Masayang masaya sila kasi produkto din kasi ito nang matamis nilang pagsasama at kasama na ang gusaling ito sa parte ng kanilang buhay pag-ibig.

Ika-19 ng Disyembre, Alas nuwebe ng umaga. Maagang dumating si Earl sa lugar para ayusin ang iba pang dapat ayusin sa pagbubukas ng gusaling kanilang ginawa. Wala pa si Dianne marahil ay nag-aayos pa ito. Masaya si Earl sapagkat natuon sa kanilang unang buwan nang pagsasama bilang magkabiyak ang pagbubukas ng gusaling kanilang ginawa. May mga plano siya sa araw na iyon at sana matuloy ang lahat ng mga ito. Nakapangpormal si Earl ngayon at lumabas ang kagwapuhan nito sa suot.

Maya-maya pa’y dumagsa na ang mga tao. At dumating na din si Dianne kasabay ang mga iba’t ibang naimbitahang tagapagbalita sa nasabing pagbubukas ng gusali. Sobrang ganda nito. Nakasuot ito na isang asul na gown at lutang na lutang ang balingkinitan nitong katawan sa suot niya. Nilapitan ni Earl si Dianne at sinabing “Maligayang Unang Buwan mahal ko” sabay halik nito sa pisngi ng kabiyak. Ganoon din ang naging tugon ni Dianne kay Earl. Lumapit na silang dalawa sa pintuan para simulan ang seremonya ng pagbubukas. Kasama nila ang mga may-ari at mga bumili ng kwarto ng gusali.

Naging maayos naman ang naturang aktibidad at natapos ito sa tamang oras. Masaya sina Earl at Dianne sa tagumpay na kanilang nakamtam. At kitang kita sa kanilang dalawa ang kasiyahan na di lang iyon ang kanilang nakuha bagkos mas masaya silang makilala at makasama ang isa’t isa.

Limang taon ang lumipas, kinasal na silang dalawa at binayayaan nang isang magandang anak na babae. Di nila lubos maisip na tadhana ang naging susi upang magkabunggo sila noon araw na iyon at tadhana din ang nagplano na muli silang magkita at ngayon ay habang buhay na silang magkasama bilang isang masayang pamilya.

–=========================================–
 
Ito ay lahok at suporta para sa SARANGGOLA BLOGAWARDS
 
 
maraming salamat sa ating mga sponsors
 
 
tgeek2dp2imove2kw2peba

WIKANG PAMBANSA: USO PA BA?

Ang hindi magmahal sa sariling wika,
daig pa ang hayop at malansang isda.”
Katagang iniwan nang ating pambasang bayani
Uso pa ba ito sa bagong salinlahi?
 
Sa panahon ngayon tila wala nang halaga
Ang ating Wikang Filipino sa ibang mga bata?
Pansinin mo sila magsalita?
Di ba iba-ibang salita ang kanilang nawiwika?
 
Merong pinaghalong tagalog at banyagang salita.
Meron din namang salitang pambeki o pambakla.
Wala akong panghuhusga sa mga salitang ito.
Pero sana importansiya ‘y ibigay din natin sa Wikang Filipino.
 
Kung natuto tayong mahalin ang ibang salita
Sana sariling wika ating din bigyang halaga.
Huwag tayong maging dayuhan sa ating sarili wika
Wikang Filipino ating mahalin at isalita.
 
Kung kaya nating ipauso ang iba’t ibang salita.
Bakit salita na sariling ati’y di natin magawa?
Ito ang hamon ko sa inyo at sa aking sarili.
Wikang Filipino ay huwag ikaya bagkos ipagmalaki.
 
Isabuhay nating muli ang paggamit nito.
Simulan natin sa simpleng pagsasalita gamit ito.
Pwede ding sa pagsulat mo ng mga kwento’t tula.
Bakit di kaya ito ang subukan mo imbes banyagang salita.
 
Simple kung iyong titignan ang ating ginagawa
Pero malaking ambag ito sa pagsasabuhay ng ating wikang pambansa.
Maliit man kung tutuusin ang mga hakbang na ito
Pero malaking ambag ito sa hinahangad na pagbabago.
 
Naniniwala akong darating ang panahon
Wikang Filipino’y mabubuhay pa sa susunod na henerasyon
Di rin ako nawawalan nang pag-asa
Babalik din tayo sa pagsasalita ng ating Wikang Pambansa.
 
–=========================================–
 
Ito ay lahok at suporta para sa SARANGGOLA BLOGAWARDS
 
 
maraming salamat sa ating mga sponsors
 
 
tgeek2dp2imove2kw2peba

IT WILL BE A MONTH OF SURPRISES…

berr

BER months na. Eksayted ako sa mga surpresa at plano ni GOD sakin ngayon buwan. Ito ang buwan kung kelan ako pinanganak kaya naman naniniwala ako ngayong buwan magiging maayos ang lahat.

HAPPY NA …. BDAY PA…

BULAG, PIPI AT BINGI

Minsan ba naging bulag ka?
Bulag sa pag-ibig na iyong nadarama.
Nandyan na kasi pinakawalan mo pa.
Ngayon hahabol habol ka pero meron na siyang iba.
 
Bakit kasi naging isang pipi ka?
Di mo ipinagsigawang mahal mo siya.
Di mo din ipinaglaban ang iyong nadarama.
Ayan tuloy ngayon ika’y nag-iisa.
 
Ngayon bakit tila bingi na ang puso mo?
Di na ba ito nakakarinig ng tibok ng puso ng ibang tao?
Bakit tila naging isa itong bato?
Walang nararamdaman pag-ibig kahit kanino.
 
Hiling ko lang kaibigan
Wag hayaang maging bulag sa katotohanan
Sana wag ka din bingi sa tinitibok ng iyong puso
Sana di ka na piping sabihin ang nararamdaman mo.
 
Ngayon hayaan mong muling tumibok ang puso mo.
Hayaan mong muling magkagusto at magmahal sa ibang tao.
Kaibigan ko masaya ang buhay pag-ibig.
Huwag na huwag maging bulag, pipi at bingi.
 
 
 
 
 
 
 

HAPPY 4TH BLOG ANNIVERSARY

This will be my 4TH year in wordpress… I will continue to blog using this medium.