NAAALALA MO PA BA?

Sa bawat letra nabubuo ang salita.
Sa bawat salita nabubuo ang kataga.
Sa bawat kataga nabubuo ang isang pangungusap.
Sa bawat pangungusap, kwento’y nagagawa.
 
Pero paano kung umikot ang mundo
Ibalik ka sa panahon nang kabataan mo
Sa araw na di ka pa buo magsalita
Sa araw na pilipit pa ang iyong dila
 
Matatandaan mo pa kaya ang nakaraan?
Maaalala mo pa kaya ang iyong napagdaanan?
Ang unang araw na ika’y tumungtong sa eskwela?
Ang unang araw na iniwan ka doon ng iyong ina.
 
Naaalala mo pa ba ang iyong unang guro?
Mabait ba siya o sobrang sungit nito?
Naalala mo pa ba ang iyong mga kaklase?
Tulo laway ba silang pumapasok sa klase?
 
Anong klase ba ang unang nagustuhan mo?
Reses at uwian din ba ang naging paborito mo?
Ano bang pagkain ang inihahanda sayo ng iyong inay?
Kanin ba o isang pinalamanang tinapay?
 
Magkanong pera ang pinapabaon sayo ng iyong Ama?
Piso, dalawang piso o sampung piso ba?
Iniipon mo din ba ito sa alkansiyang kawayan?
O pinabibili ng mga laruan sa tindahan?
 
Anong laro ba ang sa eskwela ay nagagawa mo?
Sipa, dampa, taguan o baka naman piko?
Pasimuno ka din ba ng asaran sa grupo?
Na kadalasan nauuwi sa isang malaking gulo.
 
Ilang beses ka ba nadapa sa iyong dinadaanan?
O di kaya nahulog sa hagdanan ng iyong paaralan?
Ilang beses ka na din hinabol ng iyong ina?
Ilang beses ka na din bang tumakas sa eskwela?
 
Marahil kung lalakbayin mo ang nakaraan mo
Siguro matatawa ka nalang sa makikita mo
Marahil babalik ang lahat ng ala-ala
At masasabi mo nalang sa iyong sariling matanda ka na
 
Pero ayos lang na magbaliktanaw
Masarap kasi isipin ang dating ikaw.
Isang batang musmos na walang alam sa mundo.
Isang batang maraming pangarap na gusto binubuo.
 
Kaya sa pagbabaliktanaw mo…
Alam kong napangiti ka din tulad ko
Alam kong kahit papaano may luhang tumulo
Pero ang pinakamahalaga ay naaalala mo pa ang magagandang alaala mo..

Pagtakas sa Magulong Kahapon

Paano ka nga ba lalayo?
Paano ka nga ba magtatago?
Paano mo nga ba matatakasan?
Ang isang magulong kahapon.

Maniniwala ka kaya?
Kung sabihin kong makakakaya mo pa.
Makawala sa lugar na kung nasan ka ngayon
Isang lugar ng isang magulong kahapon.

Tandang tanda ko pa.
Kung paano tayo pinagtagpo at nagkakilala.
Sa magulong lugar na iyon.
Na kung saan nandun ka hanggang ngayon.

Pinilit kitang akayin papalayo.
Pero sa takot ikaw ay nagtago.
Di ko maintindihan ang dahilan
Bakit ayaw mong iwan ang lugar na iyong pinaglalagyan.

Sabi ko sayo tutulungan kita.
Tutulungan kitang makalaya.
Ngunit nabigo ako.
Sa mga panahong iyon tinaguan mo ako.

Lumipas ang mga araw.
Di kita nakita at natanaw.
Siguro malaya ka na.
Tuluyan ka ng tumakas at kumawala.

Nagdaan ang ilang buwan
Nag baka sakali akong ikaw ay muling matanaw
Di nga ako nabigo
Ikaw ay muling nakita ko.

Akala ko tumakas ka na,
Akala ko pinili mo ng lumaya.
Lumayo sa magulong lugar kung nasan ka ngayon.
Isang lugar ng magulo mong kahapon.

Hindi ko alam kung pano kita tutulungan
Kung sarili mo’y ayaw mong tulungan.
Alam kong magagawa mo pa.
Makatakas sa magulong lugar na kung saan ngayon naroon ka.

Alam kong may paraan pa
Alam kong may pag-asa ka pa.
Naniniwala ako na balang araw mapapagtanto mo.
Lumayo dyan sa magulong lugar na pinaglalagyan mo.

Lagi mo lang tatandaan.
Nandito lang ang iyon kaibigan.
Kung handa ka ng tuluyang lumayo
Tandaan mo isang tawag mo lang nandyan na ako.

 

—————————————————————————-

Nakuha ko sa luma kong blog. Nirepost ko lang po. hehehe

Aside

We all WITNESS God’s love and mercy last year. In the same year we all proclaimed that God’s grace will be given to us. Also like what Pope Francis said to us, that last year is a “YEAR OF FAITH”. Our faith was tested with those problems, trials and calamities that we have experienced.

As we end the whole year of witnessing Christ in our lives. Let’s leave behind all the negative experiences. Treasure the good memories and carry it to a brand new year.  Are your backpacks ready for an adventure of a lifetime? Did you make your itineraries? Are you already registered to the SFC ICON 2014? If you’re not registered yet, what are you waiting for? Register now. Also what airlines you choose in your flight to CDO? Airphil? CebuPac? Or PalExpress? It doesn’t matter what airlines you choose but don’t let the price go up high. Remember the days are nearing to the next SFC ICON 2014. Lastly, are your accommodations ready? There are lots of cheap hotels in CDO that you can choose from.

Let’s ready our hearts to JOURNEY BEYOND the path that God has prepared for us this New Year. Let’s ready ourselves to experience again God’s love and mercy during the conference. Lastly let’s open our mind and soul to the bountiful blessings that God will pour out this coming year.

What are you waiting for…? LET’S JOURNEY BEYOND!!!!

Image

SARANGGOLA BLOG AWARDS

SARANGGOLA BLOG AWARDS

Tatlong taon na din pala
Simula noong ako’y sumali sa patimpalak ng SBA
Hindi man mananalo ay ayos lang
Pagkat ang makasama ang mga kaibagang blogero ay isa nang karangalan

Sa tatlong taon kong sumasama
Di ko namamalayang marami na palang nag-iba
Sapagkat sa bawat litratong kuha iba-iba na ang kasama
Madaming nawala at nabawas
Pero taon taon marami pa din ang nagpapakitang gilas

Salamat kay Kuya Blue na may pakana ng lahat
Dahil taon taon merong ganitong pagtitipon para sa lahat
Sana patuloy paring mamayagpag ang SBA
Sana wag kang mapagod kuya

Simple lang ang masasabi ko
Sa tatlong taong pagsama ko dito
Mas dumami ang kakilala ko
At higit sa lahat dumami ang kaibigan ko

Eksayted na ako sa patimpalak ngayong taon
Ano kayang tema ang sa amin ay hahamon?
Magiging mapusok kaya ang kategorya?
O baka mala-scifi ang eksena?

Kahit gaano kahirap pa yan, sasali pa din ako
Yan ang aking iiwang pangako
Kahit sobrang madaming gagawin sa opisina
Di ko kakalimutan ang sumali at gumawa ng likha.

Muli salamat sayo kuya Bernand
Dahil sayo taon taon kami ang nagiging masaya
Dahil sayo mas natuto kaming gumawa ng mga akda
At dahil sayo ay laging may SBA

Salamat din sa mga hurado
Sapagkat pinagtitiyagaang niyong basahin ang mga akda ko
Sana sa susunod ako naman ang piliin niyo
Pangako ngayong taon mas gagalingan ko

Masyado nang mahaba itong aking tula
Basta ngayong taon kayo’y humanda
Ibubuhos ko ang isang daang porsyento
Upang makamit ang isa sa mga papremyo.

===========================================

thanks to ANTON of http://www.pusangkalye.net/ for the pics. Ginamit ko ha. hehehe

PAGSIPA NG KABAYO SA TAONG 2014

Year of the Horse 2014
 
Paalam taon ng ahas.
Tila ang bilis ng taong lumipas.
Parang ang bilis lang nitong dumaan.
Di ko man lang ito namalayan.
 
Magpapalit na naman ang taon.
Ano nga bang naghihintay sa atin ngayon?
Marahil tayo’y nananabik na ito’y malaman.
Kaya lahat ng pampaswerte ay ating susubukan.
 
Sisipa na ang taon nang kabayo.
Paano kaya ang buhay natin ay magbabago?
Magiging matulin at mabilis kaya ang pag-asenso?
O baka naman parang kabayo sa karera na madalas ay talo.
 
Eksyated ka na ba sa papasok na taon?
Umaasa ka bang sa bagong taon, ikaw na’y aahon.
Umaasa ka din bang magiging maganda na ang iyong karera?
At sa opisina ika’y mapropromote na?
 
Naisulat mo na ba ang mga gusto mong baguhin?
Anong ugali ba iyong itatapon at aalisin?
Sinulat mo din ba ang mga lakad sa mga susunod na galaan?
Nailista mo na din ba ang mga lugar na iyong pupuntahan?
 
Masarap lang talagang damhin ang bagong taon.
Puro magagandang bagay kasi ang sa utak mo’y nakatuon.
Lahat tayo’y bitbit-bitbit ang hiling, dasal at umaasa.
Na pagsumipa ang kabayo buhay natin ay giginhawa.
 
Basta ngayong darating na kabayo.
Sana maging maganda ang sipa nito.
Sana maging matulin ang takbo ng pag-asenso .
Sana lahat ng pangit na ugali ay magbago.
 
At lagi mong tatandaan.
Na sa bagong taon ito lagi kang magdasal.
Sapagkat makakamtan mo lang ang tunay na pagbabago.
Kung ang Diyos ang sa puso mo.
 
=======================================================
disclaimer: Photo is only copied to this link: http://www.chinesenewyearin.com/2014-year-of-the-horse/year-of-the-horse-2014/attachment/yearofthehorse2/
 

IKAW PA RIN…

Sa bawat araw na ako’y mag-isa
Sa bawat araw na ako sayo’y nangungulila
Naaalala ko ang lahat ng mga nangyari
Naalala ko pa ang araw ng paglisan mo nang walang pasabi
 
Kitang kita ko noon ang lungkot sa mata ni Mama
Kitang kita ko ang sakit at hapdi ng iyong pagkawala
Tila isang malaking dagok iyon sa pamilya
Tila isang malaking delubyo at sakuna.
 
Nakatatak na sa isip ko ang lahat ng ala-ala
Ala-ala ng araw ng linggo na buo pa tayong pamilya.
Masaya tayong namimili at gumagala.
Hinahanap ang mga bagay na gustong makuha.
 
Pero hanggang doon nalang ang lahat ng saya
Sapagkat tatlong araw matapos noon ikaw ay lumisan na.
Iniwan mo kaming lumuluha
Matapos mong magpaalam bigla.
 
Aaminin ko hanggang ngayon dala-dala ko pa
Sakit na nadarama noong lumisan ka
Kahit na labing tatlong taon na ang nakakaraan
Tila kahapon mo lang kami nilisan.
 
Ang hirap kasi nang ginawa mo, Oh aking Ama
Iniwan mo sakin ang responsibilidad na pilit kong kinakaya
Aaminin kong hanggang ngayon hirap ako
Hirap akong maging isang katulad mo.
 
Hindi ko maipapangako sayo ang lahat
Basta hanggang ngayon ginagawa ko ang nararapat.
Hindi ko naman kasi kayang tumbasan
Ang naiwan mong espasyo sa ating tahanan.
 
Kamusta ka na diyan sa langit?
Totoo bang may mga anghel na umaawit?
Totoo bang puro saya lang ang iyong madarama?
Totoo bang wala diyang problema?
 
Bakit sa tuwing sasapit ang araw nang paglisan mo?
Di ko maiwasang pumatak ang luha sa mata ko
Marahil kahit labing tatlong taon na ang nakakaraan
Kitang kita parin ang espasyong iyong iniwan
 
Sana sa darating na anibersaryo ng iyong paglisan
Sana madalaw ka namin kahit ngayong taon lang.
Pipilitin namin ni Mamang makaipon ng pamasahe
Para sa araw na iyon lahat kami ay makauwe.
 
Basta laging mong tatandaan, Oh aking Ama
Kahit ika’y nasa kabilang buhay na
Wala paring makakapalit sa iyo sa puso ko.
Ikaw parin ang nag-iisang Amang mahal na mahal ko.
 
——————————————————————————
Ito ay lahok at suporta para sa SARANGGOLA BLOGAWARDS 5
 
 
maraming salamat sa ating mga sponsors
 
 
 
 

SFC MMC 2013: BELOVED Day 1part 1

“Minsan ang Diyos mas ginugusto Niyang gulatin tayo sa mga surpresa at plano Niya sa ating buhay.”

Di naman siguro lingid sa lahat na di maayos ang pinansyal na aspeto ng buhay ko ngayon. Marami akong problema sa pera pero hindi yun naging hadlang para di ako makasama sa MMC ngayong taon. Marahil masasabi kong sobrang mahal na mahal ako ng Diyos at hinayaan Niya akong makasama at malaman ang mga salitang gusto Niyang sabihin sa akin.

Aaminin ko nawalan na ako ng pag-asang makasama paano isang araw bago ang conference ay may mga nangyari sa bahay. Nandiyan yung pinacheck up ang lola ko kasi di na makakita tapos yung nakareceive ako ng text sa mama ko na  yung asawa ng ate ko naaksidente daw pero iba talaga pag si God ang nagplano ng mga mangyayari sa buhay mo. Gumawa talaga Siya ng mga paraan para makasama ako. Nandiyan yung may dumating na blessing sa akin noong Friday na di ko iniexpect. Tapos may gustong magpledge sa amin nang alaga kong si Robin pero sabi ko wag nalang kasi di din ako sanay na nililibre eh. Sabi ko dun sa taong yun na pag wala nang ibang option papayag ako pero ayun may isang anghel na sinugo nang Diyos na sumagot muna ng aming registration at accomodation. Gusto ko sanang sabihin kung sino kayo pero naisip wag nalang pero sobrang SALAMAT kasi dahil sa inyo naranasan ko at naramdaman kong BELOVED ako ni GOD. Sana wag kayong magsasawa. Ayun na nga at sa blessing ni GOD di lang ako ang nakasama pati na ang alaga kong si Robin.

Biyernes nang alas nuwebe ang usapan naming magkikita sa Victory Liner sa Sampaloc. Late ako dumating. Nandun na ang Household Head kong si Kimm at ang GG niyang si Pretty P(Precious) pati si ate edna at ang excited kong alaga na si Robin. Kala ko kami nalang pero ayun humabol pa si Kuya Ace Rafols. Libre kami ng fair ng tatay tatayan ko. Sabi niya kasi super blessed daw siya kaya sabi ko sige. Wala pa din kasi akong pera nang mga panahon na iyon. Ayun na nga sumakay na kami sa bus. Swerte at libre ang WIFI sa bus ng Victory kaya ayun todo ang pagconnect namin.

76311_10151802691446613_1157614605_n

1006291_10151802691496613_1589308845_nNagpapiktyur pala ang HH head namin habang kami ay nagWIWIFI. Makangiti si Tatay KIMM wagas di ba?

995099_10151802691131613_956107930_nAko, Si Robin at Si Kuya Ace

22005_10151802691141613_904420303_nSis Pretty P(Precious) at Ate Edna

533614_10151802691091613_50812629_nMoment ni Ate Edna

1334_10151802691651613_42808629_nPati alaga ko nagmoment din pala. Sino iniisip mo Nak?

Mga tatlong oras din ang naging biyahe namin at sa wakas dumating din kami sa RK hotel.

60724_10151802691786613_1451798917_n

74734_10151802691746613_1216935403_nAntok pa si Pretty P oh.

13240_10151802691851613_498739801_nPang profile pic daw sabi ni Nak.

Pagdating namin sa venue nandun na pala si Nanay Sha, Jun Sollestre at GG niyang si Sis Arstel at si Sis Sheryl Sollestre kasama din ang GG niyang si bro Arman. Iniwan muna namin ang mga gamit namin sa kwarto namin para kumain.

1004899_10151802691876613_2050094428_n (1)L-R(Ace, Nay Sha, Sis Arstel, Bro Jun, Bro Arman, Sis Sheryl, Nak Robin at AKO)1073725_10151802691936613_1481246082_oL-R(Ace, Nay Sha, Sis Arstel, Bro Jun, Bro Arman, Sis Sheryl, Nak Robin at Tatay Kimm

1074261_10151802692091613_23490461_oL-R(Ate Edna, Nay Sha, Sis Arstel, Bro Jun, Bro Arman, Sis Sheryl, Nak Robin Pretty P, Ace at Ako)

Dahil gusto naming kumain ng madami ay napagdesisyonan namin sa JOLLIBEE nalang kumain at iniwan muna ang iba sa Hotel. Ang galing lang kasi FREE WIFI sa JOLLIBEE sa Subic.

457393_10151802692496613_1351521133_o(Pretty P, Tatay Kimm at Ate Edna)
1075375_10151802692546613_2071483082_o(Bro Ace, ako at Tatay Kimm)

Pagkatapos kumain ay napagdesisyonan muna naming magpahinga para ihanda ang sarili para sa mass at iba pang kaganapan sa gabi.

—————————————————————————————————-

Hanggang dito muna ang First Day ng MMC. Part 1 palang po ito ng DAY 1. #SFCMMC2013