WALANG ITITIRA PART IV: Nagmamahal lang naman ako!

Bawat tao ay kailangan ng haplos, lambing at pisil. Bawat isa sa atin ay may karapatang kumuha ng kapareha. Magmahal ng mga taong mahal natin. Maging masaya kasama ang taong mahal natin. Lumigaya sa piling nila.

Ilang buwan na din simula ng huli akong magkaGF. Ilang buwan na din pala akong mag-isa o “single” sa ingles. Walong buwan na kung bibilangin. Sa ngayon mas gusto ko munang mag-isa. Mas masarap kasi yung buhay na ganito. Walang responsibilidad. Malaya. Pwedeng makipagkilala kahit kanino?

Oo aminado ako na natatakot akong tumandang binata pero malay ko ba kung yung ang tadhana ko eh. Sabi ko nga, di naman ako panget eh. Di din naman guwapo. Sakto lang ika nga nila. Niloloko nga ako ng mga tropa ko eh bakit daw pag dating sa mga bading parang ang gwapo ko. Ewan ko ba?. Sabi ko nga sa kanila na sana babae nalang yung nagkakagusto sa akin. Yung tipong parang ako si PIOLO o kaya si GERALD(Sabay tawa ko ng malakas). Yung parang leading man ang kaguwapuhan. Pero ok lang masaya na din ako na kahit papaano kahit sa bading lang ako gwapo atleast kahit papaano guwapo pa din sa mata ng tao.

Naalala ko tuloy yung tanong sa akin ng kaibigan kong bisexual noong college ako. Hindi naman kasi siya halatang bi pag nakita at nakausap mo at meron kasi siyang GF pero pag nilasing mo at nasobrahan sa inom siya doon mo malalaman na ganoon siya. Eto yung mga litanya niya.

Ikaw ba anung gagawin mo pag umibig ka sa di tamang panahon? Anong gagawin mo pag bawal ang pag-iibigan niyo? Pag di legal ang relasyon niyo sa mata ng DIYOS at mata ng tao? Paano kung inlab ako sayo?

Siguro lasing lang talaga siya noong araw na iyon. Tapos sinabi ko sa kanya na siraulo siya kasi parehas kaming lalake tapos sabay banat niya ng ganito:

“Nagmamahal lang naman ako!… Masama bang mahalin kita”

Di ba kagulat gulat. Sino bang hindi magugulantang sa sinabi niya. Inamin niya din sa akin na may gusto siya sa akin at umiibig din siya sa babae. Aminado ako di ko alam ang sasabihin kasi naging kaclose ko siya noon. At ngayon kami na….

Kami na bilang matalik na kaibigan. Tagal na din mula ng nangyari yung mga sinabi niyang yun. Lasing lang ata at malakas ang trip niya noong mga araw na iyon. Alam din kasi niyang maraming nagkakagusto sa aking bading at bisexual kaya pinagtripan ako. Sa ngayon may bagong GF na si bhez. Oh di ba? Lagi ko nga niloloko yun eh. Ako naman ang nagsasabi ng linyang:

 ” Paano kung nainlab na ako sayo? Nagmamahal lang naman ako di ba?… Masama bang mahal na kita ngayon kasi ikaw eh…”

Sa ngayon ieenjoy ko muna ang pagiging single. Trabaho muna, si GOD at ang blog ang GF  at dyowa ko. Tagal ko din palang di nagposte. Kaya ito nagposte na kasi ayaw kong maging hiatus mode. Iiwan ko itong linyang ito:

“kapag tagos na sa puso ang haplos ng taong mahal mo madali kang makakaramdam ng saya pero tang….  madali ka rin masaktan kasi pag nagmahal ka na di ka nalang hubad, butas ang dibdib mo, nakatiwangwang ka sa hangin.”

Godbless… to GOD be the glory….

33 responses to “WALANG ITITIRA PART IV: Nagmamahal lang naman ako!

  1. tama po kayo sa huling linya.. pag nagmahal tlaga ksma na yung msaktan ka at pasakit. pero dahan dahan lang sa pag-ibig. magtira para sa sarili at kung masaktan mn hindi msyadong msakit at mkakabangon k agad.

  2. maraming pakahulugan ang iba’t-iang tao sa pag-ibig,
    iisa lang ang meron tayo ang pintig nito.

    1 Cor. 13

    be blessed!

  3. Take ur time, cuteberl, wag mgmadali. Sabi mo nga masarap mging single, maging malaya. Pero masaya din yung me nkkasama ka parang me added purpose ung buhay mo kasi may nppasaya kang iba. Sabi nga ni sphere sa isa nyang post nkkasawa nang mgluto na sya lng nakain. Basta enjoy lng. Darating din ung para sayo.🙂

  4. Ahahaha natawa naman ako kay Bell naalala nya tlga ang post kong yan🙂 take ur time Berl bata ka pa naman atupagin mo karir mo muna tapos yon kusang lalapit ang isang tao at magsasabi sayo ng ” So pano mahal na kita, may magagawa paba ako? ahahahaha

  5. sumulyap, tumingin, humanga🙂

  6. yown oh, pumapagibig. muntik ako mahulog sa upuan nung sinabi mong kayo na haha, o ayan nagiingay na ko sa bahay mo ha. wakana tampo hihi😀

    gusto ko ‘to : “kapag tagos na sa puso ang haplos ng taong mahal mo madali kang makakaramdam ng saya pero tang…. madali ka rin masaktan kasi pag nagmahal ka na di ka nalang hubad, butas ang dibdib mo, nakatiwangwang ka sa hangin.”

    haaaay, tagos, may laman! sapowl!!!😀

  7. kung dengbads siya e di niloloko nya lang yung GF nya ngayon? lol.

    at panu kung sa huli e kayo pala. naks.

  8. Kuya, wag tama yan wag mong isipin at hanapin kusang darating sayo si Ms. Right,

    Enjoy mo lang ang pagiging singlehood, explore mo at gawin ang mga hindi mo pa nagagawa, dahil once na magkaroon ka na ng serious relationship kailangan graduate ka na sa singlehood stage.😀

  9. bsta ano man ang nilikha ng dyos ay hnd mali🙂
    un lang! bow!🙂

  10. masyadong kumplikado… ang labo… minsan kung aasikasuhin mong isipin nakakaloko lang😆 sa tamang panahon dadating din yan kung sayo’y may nakalaan😀

  11. hindi ako nagkokoment kasi pareho lang ang title ng mga posts..sorry naman..madalas akong napapahamak.

    Kamusta ka?

    Single, may partner..ang mahalaga diyan, hindi nawawala ang kagustuhang magbahagi ng pagmamahal.
    🙂

  12. ahihi kayganda.. heartfelt.. nakakainis ahahaha sabay ganon.. kasi ako single pa rin hay siguro nga tadhana ko maging single for life lol

  13. eto pala ang part 4. tungkol sa pag-ibig. hindi ako expert dito pero alam ko na masyadong kulang ang salita para ipahayag ang totoo nating nararamdaman. pagdating ng araw na nagmahal ka ulit, sana sa lahat ng paraan na magagawa mo, ipaglaban mo ang karapatan mong maging karapat dapat na mahalin niya. tingin ko yan yung basic.

    kinilabutan ako sa eksena nung bisexual mong kaibigan. laglag ako sa upuan kung sa akin mangyayari yang ganyang confession.hahaha!

    • Hehehe… ganun ba duking? ako kasi sanay na.. dami na kasi nagsabi sa akin niyan at karamihan bading…. pero nung sinabi sa akin ng tropa ko na ganun, feeling ko lasing lang yun… hehhe.. salamat sa pagdalaw….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s