KAMALAYANG MALAYA: Gaano nga ba kahalaga ang Kaluluwa sa buhay ko?….

Ala singko ng umaga gising na ako. Naghahanda para sa isa na naman pakikibaka sa opisina.

Nakagawian ko na ang pagbabasa ng bibliya at mag “DEVOTION” paggising ko palang ng umaga. Siguro mga tatlompu hanggang isang oras yun. Tapos ligo at bihis. Kain ng almusal tapos larga na papasok ng opisina.Sakay ng dyip papuntang LRT. Mga kinse minutong biyahe tapos bababa ng Buendia tapos sakay uli ng GUADALUPE ng dyip tapos baba ng Makati Avenue. Mag tratrabaho mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon kung minalas malas ay magdadagdag ng oras para sa mga iba pang nakatenggang gawain(OT na nauuwi sa OT. T.Y). Minsan ayos naman ang trabaho kasi natatapos naman kaso kadalasan ay nakakapagod at nakakastress.

Dito umiikot ang mundo ko. Dito nakokonsumo ang mahigit walong oras ng buhay ko. Kung titignan ko parang nakakasawa na. Kung iisipin ko parang nakakapagod na.

Isa nga pala akong Kristiyano. At di ako mahihiyang sabihin iyon sa mundo. Marami na akong narinig na sermon ng Pastor namin na halos lahat ay nagturo sa akin at nagpabago sa akin.  Naalala ko ang isang sermon ng Pastor namin. Tumatak ang mga salitang ito sa puso ko. Gaano ba kahalaga ang kaluluwa sa buhay mo? Gaano mo ba pinapahalagahan ang taong nakakasalimuha mo?. Napaisip ako. Napakunot noo at biglang banggit ng salitang “Oo nga no”. Matapos kong marinig ang mga salitang yun nabago ang lahat.

Sabi nila ang kaluluwa daw ang pumupunta sa langit pag namatay ang tao. Bigla akong napatanong sa aking sarili. Sa langit nga ba o sa impyerno? Di lingid sa karamihan na maari tayong mapunta sa impyerno kahit mabait tayo. Nasanay kasi tayo sa isang kultura na pinaniniwalaan na lahat ay pupunta sa langit. Di po yun totoo. Oo makakarating tayo sa langit lahat kung alam natin ang susi kung paano tayo mapupunta doon. Kasi doon muna tayo dadaan at kung meron tayong susi pwede tayong pumasok sa langit tapos kung wala eh di alam mo na kung san ka pupunta. Simple lang naman ang susi at proseso doon, pag nasa pintuan ka na ng langit titignan ni San Pedro ang puso mo, tigtignan niya kung sino ba ang laman niyan. Pag ang laman niyan ay si HESUS. Pwede ka ng pumasok sa langit. Pag nangyari iyon parang umuwi ka na talaga sa bahay mo.

Gaano nga ba sa akin kahalaga ang mga taong nakakasalamuha ko at ang kaluluwa ng mga ito? Kasing halaga siya ng buhay at kaluluwa ko. Kasing halaga siya ng yaman sa mundo. Kasing halaga din siya ng mga bagay sa baul ng mga litrato at mga lumang bagay na pinakatatago ng magulang ko. At higit sa lahat ang kaluluwa mo at kaluluwa ko ay kasing halaga ng buhay ni HESUS na pinako sa KRUS NG KALBARYO. Totoo yun walang halong biro. Sobrang halaga ng buhay at kaluluwa ng mga taong nakikilala ko.

Kaya nga sa bawat lugar na pinupuntahan ko, sa bawat tao na nakakausap at nakakasalamuha ko ginagawa ko ang lahat para maging kaibigan ko sila at higit sa lahat na mapakilala ko ang DIYOS sa kanila. Ayaw ko kasing may naliligaw na kaluluwa at ayaw ko ding may napapahamak na kaluluwa dahil sa mali nilang ginagawa. Di ko sinasabing perpekto ako kasi ako mismo nasa proseso ng pagbabago. Gaya ng kaluluwa ng ibang tao na pinapahalagahan ko, may mga tao ding sobrang halaga ng kaluluwa ko sa kanila. At alam ko isa sila sa pwede kong ituring na kaibigan kasi hinding hindi nila ililigaw ang kaluluwa ko bagkos sila pa ang tumutulong upang maging buo ito at sa bandang huli pag oras ko nang lumisan sa mundong ito at humarap kay San Pedro, dala dala ko na ang susi sa pinto ng langit at handa ng pumasok sa pangakong lugar ng DIYOS ng buhay ko. At aalagaan ko ang kaluluwa ko at kaluluwa ng tao para talagang diretso doon ang lulugaran ko at ng mga taong makakasalamuha ko.

“Aanhin ko ang yaman sa mundo kung halang ang kaluluwa ko, mas pipiliin ko pang mamuhay ng simple pero buo ang kaluluwa at naayon sa DIYOS ang mga galaw ko”—————– cuteberl

Itong posteng ito ay upang sumali sa Kamalayang Malaya, isang patimpalak ni Ginoong J. kulisap. Napadaan lang ako sa blog niya noong tinitignan ko ang blog ni pareng otep. Tapos ayon gumawa na din ako ng poste para makisali.

19 responses to “KAMALAYANG MALAYA: Gaano nga ba kahalaga ang Kaluluwa sa buhay ko?….

  1. Maraming salamat po Sir. Pakiusap
    Pakikumpleto ang mga impormasyong kailangan.
    Pangalan
    Lokasyon
    Ugnay/Link
    Mabuhay po.

  2. Pingback: PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin

  3. salamat din po sa pag approve.

  4. Very bold post sir.
    Continue that boldness in sharing what you have, our Lord Jesus Christ!

    • salamat kuya pong. wag naman masyadong pormal. batukan kaya kita dyan kuya at ng mwala yang kakaSIR mo. wala naman po tayo sa skul at di naman ako prof. (NAGALIT?… Feeling close kay kuya pong. Hehehe (“,)).

  5. Magandang umaga. Kasalukuyan na pong pinapasadahan ang iyong akda.

    Salamat na muli

    • grabe nakakakaba naman po. pero salamat po kasi binigyan niyo po ako ng oportunidad na sumali. Muli salamat.

      • Ako’y nagpapasalamat na muli, ang iyong akda ang pampukaw sa mga naliligaw na kululwa na alam kong sabi mo, ang Panginoon ay mapag-aruga.

        Ipagpatuloy mo lamang ang napakaganda mong misyon.
        Mabuhay ka.

  6. oo naman po kuya J. Kulisap. Sana one day magkausap tayo sa totoong mundo. Nakakatuwa po ang patimpalak niyo kasi sa sobrang laya ng iyong patimpalak halos lahat ng anggulo ng buhay pwedeng maging paksa.

  7. Ang galing naman nito Kuya Cute!Hehehe. Isang Kuya Pong nanaman ang aking nakilala. Sabagay, kaniya kaniya naman talaga tayo ng paraan kung paano natin papalaganapin at ipakikilala ang salita ng Diyos. Magkaka-iba man ng relihiyon, hangga’t alam mo at ng mga tao sa paligid na para sa Diyos ang iyong ginagawa. Ayos yan, pasok yan!

    Wala akong alam masiyado sa Biblia, hindi ko rin alam kung anu nga talaga ang ibig sabihin ng kaluluwa. Pero gaya nga ng sabi mo, mahalaga din sa’kin ang mga kaluluwa ng aking mga nakakasalamuha. Gaya ng pagpapahalaga ko sa sarili kong kaluluwa.

    Magandang Araw!

    Ingat at Godbless!

    • Hehehe. Thanks chevy sa pag comment. oo tama ka na may iba iba tayong paraan ang nakakalungkot lang eh minsan nasisira na ang imahe ng Kristiyanismo sa mga maling paraan na ginawa ng iba. Its not about the religion din kapatid, its about our relationship to GOD.

  8. Magandang umaga berlimmmmmmm. Ikaw kaya ang magwagi? Paburger ka ha?

  9. Ito ay entry number 32. Maraming salamat po.

  10. hehehe. this is it. sino kaya magwawagi kuya kulisap. sbhin mo sakin. secret lang natin. hahaha…

  11. Npakaganda ng nasulat mo. Ako rin tanong ko rin lagi yan pag namatay ba ako sa langit nga ba ako?

    • Gusto mo po bang malaman. Ok lang sakin na tulungan ka po sa mga tanong hanggat kaya ko. Salamat pala sa pagdalaw. isanama na po kita sa listahan ng mga bloggerong napapadaan. muli salamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s