BAKIT KAYA MAY MGA TAONG GUSTONG MAG-ISA?

 

Animnapung segundo sa isang minuto. Animnapung Minuto sa isang oras. Dalampu’t apat na oras sa isang araw. Pitong araw sa isang linggo. Apat na linggo sa isang buwan. Labing dalawang buwan sa isang taon. Kung bibilangin mo mapapagod ka lang. Kung iisipin mo tatanda ka lang.

Ganyan umiikot ang segundo, minuto, oras, araw, linggo at taon nating lahat. Ganyan din kahalaga ang mga numerong iyan sa buhay natin kasi dyan tayo nakabase sa lahat ng ginagawa natin. Kaarawan, mga lakad, oras ng trabaho, sahod at marami pang iba. Ano nga ba ang koneksyon nito sa pamagat ng akda kong ito. Simple lang sa mga segundo, minuto, oras, araw, linggo at taon sa buhay natin dumadating tayo sa puntong gusto natin ang mag-isa muna, magmukmok, mag-“EMO”(ang pinakabagong tawag sa mga taong may sariling mundo) at higit sa lahat mag blog nalang kasi naniniwala tayong sa blog maraming nakakaunawa sa atin. Sisimulan ko na ang istorya…

Naalala niyo pa ba ang unang araw ko sa mundo ng “wordpress.com” ng iposte ko ang akdang “CONQUEST SA TIP AT LUNETA” na kung saan ay may nakilala akong taong tinawag kong “BROKEN EMO”. Ganito kasi ang kwento ko….

Ika-19 ng Hunyo noon, hapon ng maisipan kong magpadala ng mensahe sa mga nakilala ko sa luneta at kay “BROKEN EMO”. Eto ang sagutan namin ni BROKEN EMO sa mensahe.

AKO: Gandang tanghali. Musta? Toxic work pa rin b ha ……….(PANGALAN NI BROKEN EMO ANG NAKALAGAY SA MGA TULDOK)

BROKEN EMO: Wala naman akong pasok bahay lang

AKO: Mukhang uulan ata. D ka mkktambay sa favorite place mu. Gus2 ko gumala ngaun. Gala tau.

AKO: Sayang. Nasa bahay ka lang pala. Dapat nanuod tau ng cne.

(Hehehe Wala kasi akong magawa ng araw na iyon kaya naisipan kong magyaya na gumala at manuod ng sine ng araw na iyon. Eh di ko pa napapanood yung Karate Kid. Kaso mukhang ayaw niya atang gumala pero naghintay pa din ako ng sagot niya ng mamaya may natanggap na akong mensahe at laking gulat ko sa mensahe )

BROKEN EMO: Tapatin mo nga ko may gusto ka bas akin?

“Napagkamalan ba naman akong bading. Batukan ko kaya ito pag nakita ko ito at ng matauhan” sabi ko sa aking sarili. Eh ako yung tipo ng taong malakas mang asar kaya naisipan kong biruin kasi baka nagbibiro lang siya. Eto ang naging tugon ko…

AKO: Bkit mu naman natanong? Bka ako crush mo? Hehehe. (Sabi ko sa sarili ko noong pinadala ko ito sana di niya seryosohin pero nagkamali ako at ang sagot niya)

BROKEN EMO: Seryoso ako. (mukhang galit na siya dito sa mensaheng ito)

AKO: Panu kung oo? Mgagalit ka ba? Uo gus2 kita…

(blangko)

(blangko)

Makilala at maging kaibigan. (Eto yung sagot ko haha may pangaasar pa din)

BROKEN EMO: Wag ka na magtext kahit kalian… Di totoo lahat ng sinabi ko sayo,. Okay?

Yan ang pinakahuling text sa akin ni BROKEN EMO. Ngayon kahit itext ko siya di na siya nagrereply. Di ko alam kung bakit ganoon ang mga naging tanong niya. Di ko alam bakit naiisip niya yung mga bagay na iyon. Sanay na din ako mapagkamalan na bading o bakla. Ang sa akin lang eh gusto ko lang naman makilala siya at maging kaibigan at higit sa lahat ay matulungan siyang makarecover sa mga dinaramdam niya. Di naman kasi siya yung tipo ng taong mahirap kausapin at mapagkatiwalaan. Nakilala ko din kasi siya na tipo ng taong matalino, mabait, “Atheist daw” at “EMO”.

Noong kinausap ko nga siya noong una sobrang takot ko noon kasi baka di ako pansinin at umalis nalang bigla pero ayon nakausap ko pa din siya. Gusto ko ngang ipadasal siya ng araw na iyon pero ayaw niya at nirerespeto ko naman yun. Nakasama ko din siya ng ilang araw bago mangyaring nagalit siya sa akin.

Naiintindihan ko naman siya kung bakit siya galit sakin. Baka nakulitan na sakin at siguro kasi nga binulabog ko ang tahimik niyang mundo. Yung mundo niyang kasama ang isang upuan sa lilim ng dalawang punong malapit sa rebulto ni Lapu-lapu at ninanamnam ang dilim ng gabi at inaalala ang mga pangit na nakaraang nagdaan(wag niyo na pong tangkain puntahan siya mailap yan sa tao parang endangered species yan hahaha. Yari kayo sa akin pag hinanap niyo siya doon kasi lalong magagalit yun sakin. Hahaha nangaaway..). Bakit kaya may mga taong mas gustong mag-isa? Mas gustong sarilihin ang mga problema.

Ako mismo di ko sila masisi kasi kahit ako dumating din sa buhay kong mas pinili ko ang mag-isa. Mas pinili kong itago ang lahat ng sakit na nadarama. Kaya ayon nagulo ng sobra ang buhay ko at ang masama pa niyan nasira talaga. Totoo naman kasing minsan mahirap magtiwala sa iba. Di din kasi natin hawak ang utak ng mga tao sa paligid. Malay ba natin kung mapagkakatiwalaan ba sila di ba? Pero sabi nga sa akin ng isang kaibigan ko, “alam mo bang pag di mo binigay ang tiwala mo sa ibang tao sila din di nila kayang ipagtiwala ang tiwala nila sayo. Parang ako kung di kita pinagkatiwalaan at di mo ako pinagkatiwalaan, sa palagay mo ba magiging magkaibigan tayo? Malamang hindi.” Di ko makakalimutan yung payo niyang yun sa akin na hanggang ngayon eh naaalala ko pa at sinasabi ko din sa iba. At may dugtong pa iyon. ”Alam mo ba na dapat di lang sa tao mo dapat ipagkatiwala yang buhay mo at lahat ng kung anong meron sayo dapat din ipagkatiwala mo yan lalo na sa Diyos at mahalin mo lang sila gaya ng pagmamahal ng Diyos sa atin”. Sapul ako noong araw na iyon kasi sobrang di talaga ako nagtitiwala sa iba.

Kaya pagkatapos noong araw na iyon sabi ko sa sarili ko magtitiwala lang ako sa mga tao at mamahalin ko lang sila gaya ng pagmamahal ng Diyos sa buhay ko. Kaya ayun di pa din naman ako susuko sa kanya kasi naniniwala ako na kaya ko siya nakita at nakilala ay plano ng Diyos yun. Sayang din ang kaluluwa ng mokong na iyon(hahaha mokong talaga.) kung maliligaw lang.

Natatawa nga ako kasi nangako na ako sa kanyang di ko na siya kukulitin pero alam mo yung tipong ikaw na ang umiiwas para di mo siya makita kasi nga nangako ka na tapos bigla mong makakasalubong sa luneta. Nasasabi ko nalang kay GOD; ”ANG GALING MO TALAGA”. Wala akong magawa kasi sa luneta ang destinasyon ko para ipagdasal ang mga tao. Makikita at makikita ko talaga siya.

Alam mo natutunan ko sa buhay ko ngayon, wala pa itong halaga, una kung wala kang DIYOS sa buhay mo at pangalawa kung wala kang mga kaibigan at mga magulang na handa kang paalalahanan, payuhan at itama ka sa mga nagagawa mong mali . Naalala ko nga ang dahilan bakit tayo nandito sa mundo: una “MAHALIN MO ANG DIYOS NG HIGIT SA LAHAT” at pangalawa “MAHALIN MO ANG TAON GAYA NG PAGMAMAHAL MO SA SARILI MO”.

Sana dumating yung araw na maging okey na ang lahat at magbabati na kami, sana dumating yung araw na maging magkaibigan na kami at malay ko ba kung isa pa siya sa magiging matalik kong kaibigan. At malay ko ba siya ang isa sa mga aalagaan ko at tutulungan maging lider tulad ko. Sa ngayon ang tanging magagawa ko lang ay mahalin siya kung sino siya at ipagdarasal siya na makayanan niya ang mga pinagdadaanan niya.

Gusto ko din palang ipahatid ang paghingi ng pasensya kay BROKEN EMO. Pasensya sa kakulitan ko, sa mga mensaheng pabiro na baka sineryoso mo at sana maintindihan mo po ako. Ginagawa ko lang ang inuutos ni GOD sa buhay ko. Sana mapatawad mo ako. Salamat nga pala sa time noon. Godbless.

15 responses to “BAKIT KAYA MAY MGA TAONG GUSTONG MAG-ISA?

  1. kuya!!! ayan nandito na si ako🙂 nabasa ko na to kahapon .. unmm sakin kasi minsan i prefer to be alone kasi nagkakaron ako ng time mas makapag isip and mag reflect nadin minsan kasi alam mo naman kung pano tlaga sosolusyunan un nararamdaman mo., kaya lang d mo alam san maguumpisa , minsan hindi mo din kailangan ng advice .. taga pakinig lang ..

  2. baka hindi dahan dahan ang pagsalok mo, kaya lumabo ung tubig…

  3. tama ka nga siguro geylii baka nasagad ko nga ung patience niya. haya

  4. being alone doesn’t mean we’re lonely. We can be in a crowd and still feel lonely. Tayo na lang ang mag-adjust!

  5. bakit po kayo nafeel lonely? hehehehe

  6. Hmn. Ako ay loner. Mapag-isa. Mas trip ko mag-shopping mag-isa para wala akong iisiping iba. LOL

    Seryoso na. Nung bago lang ang CP nauuso sa Pinas. Madami akong textmate. Same reasons tulad mo. To reach out and give advices, vice versa.

    May textmate ako, 10 years na di pa kami nagkikita. We lost communication and by God’s will nagkaruon ulit.

    Madalas din akong mapagkamalang bakla dahil dian. Hindi naman mali text mo. May reason din bakit ganun palitan ng text messages nyo. That is for you to understand why. Sigurado ako alam mo na yun.

    Napadaan. Napakwento. Makikigulo sa buhay mo. Haha!

  7. Hmn… First Conquest at marami pang susunod. Learning experience. Lahat yun ay proseso para mas mapatatag mo ang sarili mo at mas mapagtibay mo ang pakikitungo sa mga tutulungan mo. Lahat ng ito ayon sa Dakilang Lumikha.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s