Category Archives: tula

BULAG, PIPI AT BINGI

Minsan ba naging bulag ka?
Bulag sa pag-ibig na iyong nadarama.
Nandyan na kasi pinakawalan mo pa.
Ngayon hahabol habol ka pero meron na siyang iba.
 
Bakit kasi naging isang pipi ka?
Di mo ipinagsigawang mahal mo siya.
Di mo din ipinaglaban ang iyong nadarama.
Ayan tuloy ngayon ika’y nag-iisa.
 
Ngayon bakit tila bingi na ang puso mo?
Di na ba ito nakakarinig ng tibok ng puso ng ibang tao?
Bakit tila naging isa itong bato?
Walang nararamdaman pag-ibig kahit kanino.
 
Hiling ko lang kaibigan
Wag hayaang maging bulag sa katotohanan
Sana wag ka din bingi sa tinitibok ng iyong puso
Sana di ka na piping sabihin ang nararamdaman mo.
 
Ngayon hayaan mong muling tumibok ang puso mo.
Hayaan mong muling magkagusto at magmahal sa ibang tao.
Kaibigan ko masaya ang buhay pag-ibig.
Huwag na huwag maging bulag, pipi at bingi.
 
 
 
 
 
 
 

NAAALALA MO PA BA?

Sa bawat letra nabubuo ang salita.
Sa bawat salita nabubuo ang kataga.
Sa bawat kataga nabubuo ang isang pangungusap.
Sa bawat pangungusap, kwento’y nagagawa.
 
Pero paano kung umikot ang mundo
Ibalik ka sa panahon nang kabataan mo
Sa araw na di ka pa buo magsalita
Sa araw na pilipit pa ang iyong dila
 
Matatandaan mo pa kaya ang nakaraan?
Maaalala mo pa kaya ang iyong napagdaanan?
Ang unang araw na ika’y tumungtong sa eskwela?
Ang unang araw na iniwan ka doon ng iyong ina.
 
Naaalala mo pa ba ang iyong unang guro?
Mabait ba siya o sobrang sungit nito?
Naalala mo pa ba ang iyong mga kaklase?
Tulo laway ba silang pumapasok sa klase?
 
Anong klase ba ang unang nagustuhan mo?
Reses at uwian din ba ang naging paborito mo?
Ano bang pagkain ang inihahanda sayo ng iyong inay?
Kanin ba o isang pinalamanang tinapay?
 
Magkanong pera ang pinapabaon sayo ng iyong Ama?
Piso, dalawang piso o sampung piso ba?
Iniipon mo din ba ito sa alkansiyang kawayan?
O pinabibili ng mga laruan sa tindahan?
 
Anong laro ba ang sa eskwela ay nagagawa mo?
Sipa, dampa, taguan o baka naman piko?
Pasimuno ka din ba ng asaran sa grupo?
Na kadalasan nauuwi sa isang malaking gulo.
 
Ilang beses ka ba nadapa sa iyong dinadaanan?
O di kaya nahulog sa hagdanan ng iyong paaralan?
Ilang beses ka na din hinabol ng iyong ina?
Ilang beses ka na din bang tumakas sa eskwela?
 
Marahil kung lalakbayin mo ang nakaraan mo
Siguro matatawa ka nalang sa makikita mo
Marahil babalik ang lahat ng ala-ala
At masasabi mo nalang sa iyong sariling matanda ka na
 
Pero ayos lang na magbaliktanaw
Masarap kasi isipin ang dating ikaw.
Isang batang musmos na walang alam sa mundo.
Isang batang maraming pangarap na gusto binubuo.
 
Kaya sa pagbabaliktanaw mo…
Alam kong napangiti ka din tulad ko
Alam kong kahit papaano may luhang tumulo
Pero ang pinakamahalaga ay naaalala mo pa ang magagandang alaala mo..

Simpleng Hiling

Noong ako’y isang munting musmos at bata pa
Pangarap ko’y kasing tayog ng isang saranggola
Ang dami kong gustong gawin at unawain
Ang dami kong gustong puntahang lugar at tanawin

Pero di naglaon lahat ng iyo’y nagbago
Kinain ng mundong ito ang simpleng pangarap ko
Ang simpleng saya‘t gusto’y nawala at naglaho
Nabalutan ng mga paghihirap at mga makamundong luho.

Tila isa akong pulubing naglalakad sa kawalan
Tila isang taong di alam ang pupuntahan
Para akong tangang di alam ang gagawin
Para wala sa sarili at di alam ang iisipin

Di na nga ba ako masaya sa aking trabaho?
O sadyang nadidismaya lang ako sa takbo nito
Simple lang naman ang hiling ko sa Panginoon ngayon
Gabayan niya ako sa aking mga gagawing desisyon

Aminado akong nahihirapan ako
Aminado akong naguguluhan ang isip ko
Pero para din ito sa kinabukasan ko
Para din ito sa katuparan ng mga pangarap ko

Basta sa ngayon susubukan ko pa ding maghintay
Malay ba natin meron pa pala akong hinihintay
Ngunit pag dumating ang takdang araw na iyon
Pasensya na kaibigan, kailangan ko talagang umahon

Simple lang ang naman talaga ang pangarap ko
Magkaroon ng magandang buhay at trabaho
Magkaroon ng pamilya at kumita ng malaking pera
Ayaw ko naman talagang lumipad ng ibang bansa

Pero kung iyon talaga ang aking tadhana
Dasal ko sa Panginoon gabayan ako sa twina
At kung sakaling ito talaga ang plano niya
Ang simpleng hiling ko ay ngayon na sana.

GOD KNOWS BEST

When things don’t go beyond what you want,
There are times a feeling of disappointed comes.
When things happens beyond expectation,
A question to your God arises.
 
Some people tell everything happens for a reason
But for me it happens for God’s own reason
We don’t need to question God’s plans for us
We just need to believe that His plan is better for us.
 
When times we feel to be a little bit disappointed
He just testing us to follow and to be the one He anointed.
In times that our will is not going that good
He only wants us to obey His will for our own good.
 
Some point of life, we are called to follow Him
But we always denying and ignoring Him.
Some point of life, God is telling us the right way
But we always go on our own separate ways.
 
I have learned that problems and failures do come
But what matters most is how we overcome
Also in life’s full of stress and disappointment
The only solution is being simple and contented.
 
God knows the desires of our heart
And in His time He will answer all of that.
Also we should be patient enough to wait.
Wait for the blessing that comes from the heaven’s gate.
 
Lastly, let’s enjoy every single moment of our life.
Let’s make it fruitful and let’s leave a mark.
And no matter what problems and circumstances happens
Let’s have faith and believe that God know what is best.
 
 

 

PATIMPALAK NG DAMUHAN

 Sa bawat patimpalak sa blogosperyo may tinatawag na kategorya
Maikling kwento, tula o di naman kwentong pambata.
Iisipin mo ngayon san ka nga ba magaling?
Mag-iisip ka kung anong katergorya ang iyong pipiliin.
 
Sabihin na natin ang napili mo ay gumawa ng isang tula
Isang tulang masasabing may sukat at tugma
Naisipan mong gawin ito mula sa kaibuturan ng iyong puso
Pero ang tanong papasa ba ito sa panlasa ng mga kritiko?
 
Kaya sa pagnanasa mong ikaw ay manalo
Nasabi mo sa sarili na sa isang bloggero magpapaturo
Natuon namang si Ginoong JKULISAP ang naisip mo
Kaya dali-dali mong siyang tinawagan para magpaturo.
 
Sabi niya puntahan mo nalang siya sa Pambansang Aklatan ngayon
Hindi mo ito alam kaya sa Google Map ikaw ay nagtanong.
Nalaman mong malapit ito sa KAGAWARAN NG TURISMO.
At saktong bandang LUNETA lang pala ang SILID-AKLATAN na ito.
 
Kaya wala ka nang inaksayang oras at doon ay nagtungo
Pagdating mo doon, isang tagabantay ang sumalubong sayo
Tinatanong ka niya kung ano ang iyong pakay
Kaya sinabi mo na si Ginoong JKULISAP ang iyong pakay.
 
Itinuro ng tagabantay ang lugar na kinalalagyan ng Ginoo
Doon nga siya ay iyong nakita at ika’y dali-daling lumapit dito
Nakita mo na nagbabasa siya ng isang PANITIKANG Pambata
Isang librong may LARAWAN ng isang MALIGNO at isang bata.
 
Sinabi mo sa kanyang gusto mong magpaturong gumawa ng tula
Ngunit isang mapang-asar na ngiti lang ang iyong nakuha
Di mo maintindihan bakit isang ngiti lang sagot niya
Kaya sa sobrang inis mo ay sinigawan mo siya
 
Bigla ka niyang tinignan at nakita mong nanlilisik ang kanyang mata
Parang may isang MALIGNONG sumanib sa kanya
Sa sobrang takot mo kumaripas ka nang takbo palabas.
Di mo namalayan naiwan mo pala ang iyong tsinelas.
 
Wala ka nang nagawa at iniwan mo nalang ito
At Sa Rebulto ng Pambansang BAYANI doon ka nalang muna nagtungo
Habang nakaupo ka sa DAMUHAN ay iniisip mo pa din ang nangyari
At sobrang takot, para kang isang baliw na kinakausap ang sarili.
 
Kaya upang makasiguro, tinawagan mo uli ang ginoo
Sinagot niya ang tawag mo at sinabing kanina pa siya naghihintay sayo.
Tinatanong ka din niya kung nasan ka na?
Sinabi mo nalang na papunta ka palang at nasa biyahe pa.
 
Mas tumindi ang takot mo at biglang nagsabi ng isang kataga:
GALUNGGONG naman, Sino yung nakausap ko kanina?”
Kaya HINUHA mo tuloy, ikaw ay napaglaruan ng mga multo
O di naman kaya naMALIGNO at napagtripan ng mga engkanto.
 
Di mo na alam kung ano ang gagawin mo
Nag-iisip ka ngayon kung itutuloy mo pa ba ang magpaturo
Pero di din nagtagal ay tinawagan mo nalang uli ang ginoo
Napagdesisyonan mo nalang na sa susunod nalang magpaturo.
 
Habang hinihintay mong bumalik ang iyong lakas
Di inaasahang sa himpapawid isang SARANGGOLA ang iyong namalas.
Binigyan ka nito ng kakaibang ngiti at ligaya
Pinalitan din nito ang iyong takot ng pag-asa.
 
Pag-asang magagawa mo pa din ang iyong tula
Pag-asang ang tulang gagawin ay makakahuha ng malaking marka
Pag-asang sa PATIMPALAK ng DAMUHAN, ikaw ang mangunguna
At pag-asang sa muling pagpunta sa Pambansang Aklatan, ika’y di na mumultuhin pa.
 
———————————————————————————————
PAALA-ALA: Ang tulang ito ay kathang-isip lamang at ang mga lugar na nabanggit ay ginamit lamang. Salamat
 
Ito ay bilang suporta at lahok sa BAGSIK NG PANITIKAN ni Bino ng Damuhan.
 
 
 
 
 
 

GASOLINA NG BUHAY

GASOLINA NG BUHAY
Simpleng InhinyeroAng buhay ng tao’y parang sasakyan
Minsan magara pero kadalasan ay padyak lang
Minsan mabilis at matulin ang takbo
Sa sobrang bilis di mo namamalayan oras ay tumatakboMinsan din ang buhay ay parang eroplano
Sa sobrang taas ng pangarap mo abot nito ang itaas ng mundo
Pero tulad ng isang magarang eroplano
Mabilis din mawala at masira ang pangarap mo

Minsan ang buhay para ding barko
Kahit gaano kalaki ang alon kaya niyang malampasan ito
Tulad din ng buhay ng isang tao
Kaya niyang lampasan ang lahat ng problema nito

Pero paano pag gasolina ng buhay ay naubos na?
Hihinto ba ang buhay tulad ng isang sasakyan?
Mawawala ba ang matayog na pangarap tulad ng isang eroplano?
O lulubog nalang ito tulad ng isang sirang barko?

Sana pag dumating na ang oras ng ubos na ang gasolina mo
Nalibot mo na ang bansa gamit ang sasakyan mo..
Naikot mo na ang ibang bansa na nakasakay sa eroplano at barko
At ang dapat nagawa mo ang plano ng Diyos sa buhay mo…

—————————————————————————————————-

Ang tula na ito ay ang aking lahok sa “The Gasoline Dude’sBlogversary Writing Contest. I want to win the 1TB Portable Hard Drive!”

Gusto ko manalo ng 1 TB Portable Hard Drive…. Sana ako ang manalo….

KELAN KAYA?

 

Kelan kaya muling sisibol ang halaman?
Kelan kaya muling bubuhos ang ulan?
Kelan kaya muling sisikat ang araw?
Kelan kaya maririnig ang puso kong sumisigaw?

Kelan kaya uli makakatikim nang duriang matamis?
Kelan kaya manganganak ang buntis?
Kelan kaya malalabhan ang mga maduduming damit?
Kelan kaya magagamot ang puso kong may sakit?

Kelan kaya matatapos ang trabaho?
Kelan kaya tataas ang aking sweldo?
Kelan kaya gaganda ang buhay ko?
Kelan kaya muling iibig ang sugatang puso ko?

Kelan kaya ako muling tatakbo?
Kelan kaya ako magiging CEO?
Kelan kaya ako yayaman ng husto?
Kelan kaya makikilala ang taong magpapatikbo uli ng aking puso?

Kelan kaya malalaglag ang dahon?
Kelan kaya titigil ang panahon?
Kelan kaya luluma ang damit sa kahon?
Kelan kaya maibabalik ang pag-ibig natin noon?

Kelan kaya iiyak ang batang gutom?
Kelan kaya matutusok ang kamay nang karayom?
Kelan kaya sasabog ang tinanim na bomba?
Kelan kaya muling makikita ang kaakitakit mong mukha?

Kelan kaya puputok ang lobo?
Kelan kaya mawawalan ng tinta ang bolpen ko?
Kelan kaya lalamig ang kape sa baso?
Kelan kaya titigil ang tibok ng aking puso?

Kelan kaya matatapos itong tula?
Kelan kaya titigil ang pagpatak ng luha?
Kelan kaya matutuyo ang pawis?
Kelan kaya matatapos ang aking paghihignagpis?