Boto Mo, Henerasyon Ko

Sa magulong estado ng bansa
Huwag ka nang sumawsaw pa
Kasi imbes makatulong ka
Baka makadagdag ka pa sa problema

Kasi kahit nga mga ekonomista
Hirap iahon ang ating bansa
Kawawang Pilipinas
Lahat nalang ng produkto ay nagtaas

Inaangkin na ang mga karagatan
Baon na din ang ating bansa sa utang
Magulo parin ang sistema sa gobyerno
Pati ang droga ay di masugpo sugpo.

Nalalapit na naman ang botohan
Uso na naman ang mga bolahan
Ikaw sino ang iboboto mo?
Sino bang pulitiko ang iluloklok mo.

Hindi daw uso ang dinastiya
Pero iisang pamilya ang iyong makikita
Sila sila parin ang tatakbo
Ang tanong, sila parin ba ang iboboto mo?

Maniniwala ka pa din ba sa mga pangako?
Ipagpapalit mo pa din ba ang boto mo?
Ngayon nasa iyong kamay na ang lahat
Iboto ang tama at nararapat

Walang malinis na pulitiko
Lahat may sariling agendang tinatago
Iboto mo ang may plataporma
Iboto ang talagang may plano sa bansa

Panahon na upang gamitin ang utak
Nang sa pagboto’y hindi na pumalpak
Panahon na ng tunay na pagbabago
Panahon na para baguhin ang pagboto mo

Sa huli hindi naman masama ang makialam
Kesa naman sa wala kang pakialam
Isipin mo ang mga batang makikinabang
Sa mga desisyon at boto mong pinaglaban.

Kaya payo ko sa iyo kapwa ko Filipino.
Bumoto ng tapat at wasto.
Unahin ang utak kesa sa puso.
Kasi ang bagong henerasyon ang makikinabang sa boto mo.