IKAW PA RIN…

Sa bawat araw na ako’y mag-isa
Sa bawat araw na ako sayo’y nangungulila
Naaalala ko ang lahat ng mga nangyari
Naalala ko pa ang araw ng paglisan mo nang walang pasabi
 
Kitang kita ko noon ang lungkot sa mata ni Mama
Kitang kita ko ang sakit at hapdi ng iyong pagkawala
Tila isang malaking dagok iyon sa pamilya
Tila isang malaking delubyo at sakuna.
 
Nakatatak na sa isip ko ang lahat ng ala-ala
Ala-ala ng araw ng linggo na buo pa tayong pamilya.
Masaya tayong namimili at gumagala.
Hinahanap ang mga bagay na gustong makuha.
 
Pero hanggang doon nalang ang lahat ng saya
Sapagkat tatlong araw matapos noon ikaw ay lumisan na.
Iniwan mo kaming lumuluha
Matapos mong magpaalam bigla.
 
Aaminin ko hanggang ngayon dala-dala ko pa
Sakit na nadarama noong lumisan ka
Kahit na labing tatlong taon na ang nakakaraan
Tila kahapon mo lang kami nilisan.
 
Ang hirap kasi nang ginawa mo, Oh aking Ama
Iniwan mo sakin ang responsibilidad na pilit kong kinakaya
Aaminin kong hanggang ngayon hirap ako
Hirap akong maging isang katulad mo.
 
Hindi ko maipapangako sayo ang lahat
Basta hanggang ngayon ginagawa ko ang nararapat.
Hindi ko naman kasi kayang tumbasan
Ang naiwan mong espasyo sa ating tahanan.
 
Kamusta ka na diyan sa langit?
Totoo bang may mga anghel na umaawit?
Totoo bang puro saya lang ang iyong madarama?
Totoo bang wala diyang problema?
 
Bakit sa tuwing sasapit ang araw nang paglisan mo?
Di ko maiwasang pumatak ang luha sa mata ko
Marahil kahit labing tatlong taon na ang nakakaraan
Kitang kita parin ang espasyong iyong iniwan
 
Sana sa darating na anibersaryo ng iyong paglisan
Sana madalaw ka namin kahit ngayong taon lang.
Pipilitin namin ni Mamang makaipon ng pamasahe
Para sa araw na iyon lahat kami ay makauwe.
 
Basta laging mong tatandaan, Oh aking Ama
Kahit ika’y nasa kabilang buhay na
Wala paring makakapalit sa iyo sa puso ko.
Ikaw parin ang nag-iisang Amang mahal na mahal ko.
 
——————————————————————————
Ito ay lahok at suporta para sa SARANGGOLA BLOGAWARDS 5
 
 
maraming salamat sa ating mga sponsors
 
 
 
 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s