SAMPA NG PAG-ASA

Noong nakaraang linggo, milyun-milyong deboto ang nagpakita nang kanilang walang hanggang debosyon para sa Poong Nazareno. Tinatayang mga Sampung Milyong deboto ang nasilayan mula sa kahabaan ng Quirino Grandstand (marahil kasama na ako sa bilang na iyon). Dito kasi pansamantalang inilagak ang rebulto bago ito muling ipasok sa simbahan ng Quiapo kung saan ito talaga naninirahan.
 
007
 
Pinili kong lumiban muna sa trabaho noong Miyerkules at ibigay ang buong araw ko para sumama at sumuporta sa prosisyon. Matagal na akong deboto nang Nazareno pero kadalasan ay laging nasa loob lang ako ng kwarto at iwinawagayway lang ang puti kong panyo habang dumadaan ang Poong Nazareno sa tapat ng bahay namin. Pero nagbago ang lahat ng iyon noong taong 2009 kung saan sa di inaasahang pagkakataon ay nakalapit ako sa lubid at nahawakan ko ito. Iba pala talaga ang pakiramdam na mahawakan mo kahit yung lubid lang ng Andas kung saan nandoon ang Poon. Kahit nawala ang selepono ko noong taong iyon ay parang bale wala kasi nasa isip ko padin ang himalang nahawakan ko ang lubid.
 
006
 
Tatlong taon makalipas nang huli kong nahawakan ang lubid at heto na naman ako, umaasa at nagdarasal na mahawakang muli ang lubid nang Andas. Siguro magtataka kayo bakit tatlong taon lang ang sinabi ko, ang dahilan kasi noong 2010 ay tumigil ako sa pagiging deboto, oo nakisama parin ako pero hindi na ako nagpupunas at di na ako nagwawagayway ng panyo. Sa buong taon kasi ng 2010 ay napasama ako sa ibang relihiyon. Taong 2011 na nung muli kong balikan ang pagiging Katoliko at nangakong habang buhay na akong magiging deboto nang Nazareno.
 
004
 
Aaminin kong hindi man ako pinalad na mahawakan muli ang lubid nang dalawang magkasunod na taon (2011-2012) ay masaya naman ako sapagkat nagbalik ako sa relihiyong sinisigaw ng puso at kaluluwa ko. Noong una wala sa isip ko ang sumampa kasi sapat na sakin ang manood nalang pero iba ang naramdaman ko nang gabing iyon tila nahila ang aking damdamin na subukang muling humawak sa lubid ng Andas. Nakapang-alis pa ako noon pero dali-dali akong nagpalit nang damit at nagyapak. Ngayong taon lang din ako nagyapak at masarap pala ang pakiramdam kahit napakaputik at ang dumi ng daan.
 
005
 
Medyo madilim na nang dumating ang POONG NAZARENO sa tapat ng boarding house namin. Magkahalong kaba at pananabik ang nasa puso ko nang mga sandaling iyon. Tulad din siguro nang mga kasama kong susubukan ding sumampa hindi lang sa lubid bagkos pati sa Andas. At ayun na nga ang pinakahihintay naming lahat, dumating na ang Andas ng Nazareno sa mismong tapat naming kung saan kami ay naghihintay. Marahil masasabi kong swerte ako ngayong taon sa prosisyon sapagkat ang galing lang nang Nazareno kasi sa mismong tapat namin ay nabakante ang lubid at nagawa naming lahat na makasampa. Aaminin kong hindi ako tumagal kasi hindi ko kaya pero para sakin sapat na ang mahawakan at maidampi ko ang aking mga bisig sa lubid kahit saglit lang. Yung tipong maramdaman mong nagawa mo ang isang bagay na gusto mong gawin para sa Diyos mo. Yung tipong masaya ka kasi alam mong nagawa mo ang isang bagay na matagal mo nang hindi nagagawa. Ganun yung feeling ko nang mga sandaling iyon. Kontento na ako sa mga nagawa ko para sa Diyos ko kasi alam ko naipakita ko sa Kanya ang debosyon ko at kung gaano ko siya kamahal.
 
002
 
Ngayon, mas napahanga ako nang mga debotong halos isang buong araw na nakipagpatintero para lang makasampa at maipahid ang panyo nila sa rebulto ng Poong Nazareno. Kasi ako mismo naranasan ko na nang buong puso ang kanilang ginagawa. Sobrang hirap, sobrang malaking hamon at halos ikamamatay mo pag mahina ang iyong resistensiya. Yung tipong di mo alam kung saan ka dadalhin na alon ng mga debotong naghihintay nang pagkakataong sila din ay makahawak sa lubid at makasampa lang. Yung tipong nandiyan yung masiko ka sa mukha, maapakan at magkaputik putik ang iyong mga paa, yung tipong di ka na makahinga sa sobrang sikip at dami nang taong sasalubong at susubukang agawin ang posisyon mo sa lubid. Ilang lang yan sa mga pangyayaring naranasan ko sa araw ng Poong Nazareno na masasabi kong di ko makakalimutan at nakakatatak na sa puso ko bilang isang deboto.
 
Marahil marami ang tutuligsa sa paniniwala naming bilang mga deboto pero napagtanto ko nang araw na iyon na may kanya-kanyang paraan ang bawat relihiyon kung paano nila papatunayan na mahal nila ang Diyos nila at ako bilang deboto ito ang aking paniniwala at aking panata. Siguro nga’y naging makalat, mabaho, mapanghi ang mga kasalda nang Maynila nang araw na iyon at ako bilang isang deboto ay humihingi nang pasensya sa lahat ng anapektuhan pero sana naintindihan din niyo kung bakit nangyari ang mga iyon. Intindihan nalang ika nga nila.
 
Hindi ko man mailahad dito ang lahat nang magagandang nangyari sa akin noong araw na iyon. Ito lang marahil ang masisiguro kong dahilan ko kung bakit ako sumampa ngayong taon. Una, ang magpasalamat sa panibagong taong binigay niya sa akin at sa aking pamilya. Pangalawa, ang humingi na patawad at magbawas nang kasalanan. Pangatlo, ang manalangin na sana’y walang magkakasakit sa isa sa aming pamilya ngayon taon. Pang-apat ay humingi na biyaya, pagpapala at magdasal sa Poong Nazareno na matupad ang mga kahilingan ko ngayon 2013 at marahil ang pinakahuli ay ang tumupad sa pangako at panatang pipilitin makasampa sa lubid taon-taon.
 
“Sa bawat sampa at halik naming mga deboto sa Poong Nazareno ay dala-dala namin ang pag-asa at dalanging pagpapalain at bibiyayaan kami ng Poong Nazareno ng mas magandang buhay taong 2013”
 
001
003

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s