MRT BUENDIA

Naranasan mo na ba?
Mapangiti sa isang taong una mo palang nakita.
Yung pakiramdam na di mo maintindihan
Tipong kilig hanggang laman
 
Sa dinami rami kasi nang taong nakita ko
Ikaw talaga ang nagpatibok na puso ko
Ikaw ang umagaw na atensyon ko
Ikaw ang nagpangiti sa mga labi ko
 
Tandang tanda ko pa ang unang pagkikita
Sa isang lugar malapit sa MRT Buendia
Napatingin ka pa nga sa akin
Ngunit umiwas ako sa iyo ng tingin
 
Ayaw ko kasing mahalata mo
Ayaw ko kasing mapansin mong nakatingin ako
Sapagkat sa oras na iyon kitang kita ko
Magkahawak kayo ng syota mo.
 
Dali-dali akong umiwas at lumayo
Dali-dali akong naglakad papalayo
Pero siguro nga’y tandahang makasabay ko kayo
Sapagkat di ko inasahang katabi ko na pala kayo.
 
Naiilang na naiinis akong makatabi ka
Sapagkat nakikita ko ang mahigpit mong yakap sa kanya
Sana ako nalang ang taong niyayakap mo
Sana ako nalang ang kahawak-kamay mo.
 
Pero ganun talaga siguro ang mundo
Di ko pwedeng ipilit na ako nalang ang mahal mo
Sapagkat alam kong masaya ka na sa kanya.
At alam kong hanggang tingin nalang ang aking magagawa.
 
Ang tren ay marahang huminto
Kasabay nito’y bumukas na ang pinto.
Di ko namalayang lumabas na pala kayo
Di ko din kasi naramdamang wala na kayo sa tabi ko
 
Ilang segundo lang sumaradong muli ang pinto
Ang tren ay dahan-dahan muling tumakbo
Sa mga oras na iyon laman nang isip ko’y ikaw
At sana sa susunod na sakay ko muli kang matanaw.
 

5 responses to “MRT BUENDIA

  1. Kinilig ako sa una kaso nalungkot ako nung malaman akong may kasama pala siya :((

  2. Cnu kaya ang maylalang sa tao.ang dios b? O rebulto

    • salamat po sa pagdalaw. siguro naman po nabasa niyo ang aking akda at di na ako magpapaliwanag pa kasi nasabi ko na po. hinihiling ko lang ay respeto. tanungin po kita bakit ang salitang “dios” mo ay hindi nasa malaking titik? ibigsabihin ba niyan na ang pinaniniwalaan mo ay gagawa mo lang kasi di siya tulad ng Diyos nang lahat?

  3. alam ko pakiramdam nito.. araw-araw rin akong sakay ng tren at araw-araw iba-ibang tao na nagpapsaya sa umaga ko ang nakikita ko🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s