ISTORYA NANG PAGBABAGO

 

Itong tulang ito ay nasulat ko noong Chapter Prayer Assembly namin sa SFC last Wednesday. Just want to share my message to my GOD. 
______________________________________________________
 
Sa oras na ito, Panginoon ko.
Ikaw ang nakikita ko.
Sa oras na ito, Panginoon ko
Ikaw ang sentro ng lahat ng ito.
 
Sa loob ng isang malaking kwartong ito
Istorya nang pagbabago’y nabuo
Iba’t ibang mga tao
Iba’t ibang mga istorya nang pagbabago.
 
Iba-iba man ang aking narinig
Ang alam ko lang Panginoon, ikaw ang nanaig
At sa oras na ito, Panginoon ko
Madaming buhay ang mababago
 
Di ko mapigilan ang aking pagluha
Di ko mapigilan ang aking nadarama
Nadala ako sa mga kwento nila
Sinabayan pa ng mga kantang mapapaiyak ka.
 
Siguro nga’y plano mo ang lahat ng ito
Plano mong magpunta ako para magbago
Di ko alam ano pang mga mangyayari ngayon
Basta alam ko lang kausap kita Panginoon
 
Aaminin ko medyo naibasan ang bigat sa puso ko
Aaminin ko medyo nabawasan ang problema ko
Hindi man kaagad nawala ang lahat
Ang alam ko lang tatanggalin mo itong lahat
 
Salamat Panginoon kasi iba ka.
Salamat Panginoon kasi laging nandiyan ka.
Patawad kasi kadalasan ay binibigo kita
Patawad kasi minsan nakakalimutan kita
 
Marahil hindi sapat ang lahat ng ito
Alam ko kasing madami na ako sayong atraso
Pero salamat sa walang sawang pag-unawa
Salamat sa iyong mga pagpapala.
 
Sa oras na ito, Panginoon ko.
Habang naririnig ko ang kanilang kwento
Sobrang pinakita at pinadama mo
Na mahal na mahal mo ako!!
 
Sa oras na ito, Panginoon ko.
Habang nakikinig ako at sinusulat ko ang tulang ito
Di lang istorya nila ang nabago
Masasabi kong pati ang istorya nang buhay ko!
 
 

 

One response to “ISTORYA NANG PAGBABAGO

  1. happy new year berl!

    nawa’y magpatuloy ang iyong mas lumalalim na pananampalataya at peace of mind.

    mabuhay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s