Perlas ng Silanganan

Tatlong malalaking pulo.
Mahigit pitong libong isla
Perlas ng Silanganan
Ang tawag sa ating inang bayan
 
Matatarik at matatas na bundok
Malalawak na lupain at palayan
Magaganda at kakaibang mga kweba
Marami niyan dito sa ating bansa
 
Kung likas na yaman ang usapan
Di papatalo ang ating bansa diyan
Sadyang maganda ang ating bansa
Pero bakit pa tayo nangingibang bansa?
 
Marami din tayong iba’t ibang pasyalan
Karamihan dinadayo at pinupuntahan
Marami din tayong magagandang tanawin
Isa na diyan ang sikat na Anawangin
 
Pero bakit tila sa atin ito’y walang halaga
Kadalasan pa nga’y atin itong binabalewala
Bulag na ba tayo sa ating sariling bansa?
O di lang natin nakikita ang likas nitong ganda?
 
Siguro nga’y  rangya ng ibang bansa ang ating nakikita
Kaya sariling bayan ay nakakalimutan na
Hindi naman masama ang humanga sa kanila
Pero dapat sa bayan muna natin ito ipakita.
 
Ang aking tanging hiling ay ganito
Bago kayo sa ibang bansa ay dumayo
Mahalin mo muna ang sariling bayan mo
Siguraduhin mo ding pinapahalagahan mo ito.
 
At sana bago din sa ibang bansa ay maglakbay
Siguraduhing sariling bansa’y naikot at nalakbay.
Sabi nga nila “Huwag tayong maging dayuhan sa sariling bayan”
Mahalin at ipagmalaki natin ang ating Perlas ng Silanganan.
 
 
—————————————————————————————————
Ang tulang ito ay lahok at suporta para sa SARANGGOLA BLOGAWARDS 4
 
At salamat sa mga tumulong:
 
maraming salamat sa ating mga sponsors
 
 

8 responses to “Perlas ng Silanganan

  1. malapit na akong mapakanta ng Lupang Hinirang dito, maganda ang pamagat at angkop.

  2. Panalo toh ang galing.. parang ito na ang ipapalita sa Panatang Makabayan. bow.. goodkluck berlim

  3. OMG Tula din! kalaban! joke! hahah gud luck sa atin🙂

  4. Godbless sa entry mong ito bro🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s