ANG BABAENG PINAPANGARAP KO

(wallpaperpassion.com )
 
Simple lang naman ang hanap ko
Isang babaeng mamahalin ako ng buo
Babaeng handa akong ipagmalaki sa iba
Babaeng handa akong ipakilala sa kanyang pamilya
 
Simple lang naman ang hanap ko
Isang babaeng ang pagmamahal ay totoo.
Ang pagmamahal ay hindi sobra at hindi kulang
Kumbaga sa coke, saktong sakto lang
 
Simple lang naman ang hanap ko
Isang babaeng bubuo sa aking pagkatao
Isang babaeng tanggap ako ng buong buo
Isang babaeng makakasama ko hanggang sa pagtanda ko
 
Simple lang naman ang hanap ko
Isang babaeng laging handang unawain ako
Laging nandyan pag kailangan ko ng kausap
Laging nandyan pag kailangan ko ng kayakap.
 
Simple lang naman ang hanap ko
Isang babaeng kayang intindihin ang oras ko
Isang babaeng kaya akong sabayan sa mga hilig ko
Isang babaeng kayang sakyan ang ugali ko.
 
Simple lang naman ang hanap ko
Isang babaeng masayahin tulad ko
Isang babaeng madaming pangarap
Isang babaeng sa altar ay aking ihaharap
 
Simple lang naman ang hanap ko
Isang babaeng bubuo ng pamilyang pangarap ko
Isang babaeng magiging ina ng mga anak ko
Isang babaeng sa bawat oras ay karamay ko
 
Simple lang naman ang hanap ko
Isang babaeng sa hirap at ginhawa’y makakasama ko
Isang babaeng Singles for Christ na tulad ko
Isang babaeng katulad ko na sagradong Katoliko.
 
Simple lang naman ang hanap ko
Isang babaeng tuwing linggo’y kasama ko sa pagsisimba
Isang babaeng may takot sa Diyos at may paniniwala.
Isang babaeng buong buhay ko ay mamahalin ko talaga.
 
Simple lang naman ang hanap ko
Simple lang din naman ang hiling ko sa Diyos ko
Sana dumating ang oras na hinihintay ko
Ang oras na makikilala ko ang babaeng pinapangarap ko.

17 responses to “ANG BABAENG PINAPANGARAP KO

  1. Manul-nulat ng Bayan

    naku, hintayin mo lang ang panahon kaibigan ay talagang matatagpuan mno ang iyong hinahanap na babae,,,, nice post!

  2. minsan mahirap ding mahanap ang mga simpleng bagay.

    pero tiwala lang kapatid.

    darating din yan . imposibleng hinde .hehhe🙂

  3. Naniniwala akong darating din ang babaeng pinapangarap mo. Nice poem bro!

  4. mukhang pareho tayo ng babaen’g pinapangarap

  5. I believe there’s always somebody for someone..🙂

  6. Simple lang ang wish ko
    Ang makita mo ang mahal mo.
    Wait ka lang amigo…
    Natrapik lang ang girl na hanap mo.

  7. Sana’y dumating na ang oras na hinihintay mo, ang makilala ang babaeng pinapangarap mo🙂

  8. gaya ng sinabi nila sana’y dumatin na nga iyang babaeng pinapangaparap mo. Mas klaro mas maganda. mas hinihingi mas natutupad, mas hinahanap ay nakakamtan.

    mabuhay!

  9. Napakasimple nga. Haha😄

  10. Ayun uh! Ngayon lang nakapag comment. aha!

    Patience lang Berl. Darating din yan, sa EDSA siguro dumaan.

  11. Sana mahanap mo na nga yung “dream girl” mo! ϡ

  12. westly austin comia

    hahahahaha.. nice poem. i like it

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s