Sa Araw ng mga AMA..

Marahil kung suki ka ng aking lungga ay alam mo ang buong istorya ng aking buhay. Dito ko kasi sinusulat ang mga mahahalagang kaganapan sa akin. Mga masasaya, malulungkot, mga tagumpay, hinanakit at mga bagay na hilig kong gawin. Pero dahil araw ng mga HALIGI NG TAHANAN ngayon. Ang poste ko ngayon ay laan para sa butihing HALIGI NG AMING TAHANAN . Anu nga ba ang iyong tawag sa haligi ng iyong tahanan? Tatay ba? Erpat? Pa o Papa? Daddy o dy? Anu nga ba? Ako ang tawag ko sa kanya ay Papa…

Dahil nga wala na si Papa ay parang ordinaryong araw lang ito para sa akin. Wala naman kasi akong babatiin ng HAPPY FATHER’S DAY eh. Kasi nga alam ko nasa langit na siya.

Gusto lang din ikwento ang bakasyon namin sa Cagayan at ang masinsinang usapan namin ni Papa. Di ba para akong tangang nakikipag-usap sa puntod niya. Noong nakaraang buwan kasi ay umuwi kami. Kasal kasi ni kuya Jay-r noon at siyempre total bihira naman kami umuwi ay dumaan na muna kami sa sementeryo bago kami bumalik sa Maynila. Sobrang huli na itong poste na ito pero natuon naman kasing tungkol sa ama ang usapan kaya naisingit ko. Alam niyo naman kasing hiatus mode ako. Dami kasing ginagawa kaya nakakalimutan ko nang dalawin ang aking lungga.

Balik tayo sa one-to-ones namin ni Papa. Noong nasa puntod ako ni Papa. Sinabi ko sa Papa ko ang lahat. Sa kanya ko lang kasi nabubuhos lahat ng gusto kong sabihin. Lahat ng mga problema ko at bigat sa puso ay sa kanya ko sinasabi. Sobrang naghahanap ako ng AMA na gagabay sakin lalo na’t nasa panahon akong nalulungkot, nahihirapan at maraming problema.

Tulad nang dati ay di ko pa din maiwasan ang umiyak. Kusa nalang kasing bumabagsak ang mga luha sa aking mga mata. Marahil aminado akong sa sampung taong nakalipas ay hanggang ngayon ay namimiss ko siya, hinahanap ko siya at kinakailangan ko siya. Di padin ako makamove on lalo na’t ngayon ramdam ko ang problema namin pinansyal. Lagi ko ngang sinasabi sa sarili ko na sana kung buhay pa si Papa. Sana di kami naghihirap ng ganito pero ganoon talaga challenge sa akin ito. Pero syempre laking papasasalamat ko kay Mama kasi kahit wala na si Papa ay nagawa niya kaming makapagtapos. Ngayon aminado kasi akong pabigat din ako at wala pang naitutulong. Di kasi sapat ang sinasahod ko sa trabaho ko ngayon na minsan naiisip ko nang mangibang bansa o di naman ay lumipat sa iba. Pero naniniwala akong sa tamang oras at panahon matatapos din ang problemang ito.

Tapos kanina nga ay nainggit ako ng makita ko ang isang buong pamilya sa SM Manila. Masaya silang dinadaos ang espesyal na araw ng mga AMA. Ako ayon napadaan lang kasi nga galing din ako sa aktibidad ng SFC sa prison. Dahil nga ordinaryo nalang ang araw na ito sa akin ay ginawa ko nalang espesyal ito sa pagseserve kay Lord. Sa susunod na poste ko ikwekwento ang lahat ng nangyari sa Prison.

Ilang oras nalang at matatapos na din ang araw na ito. Pero bago siguro matapos ang araw. Kahit na wala na ang aking PAPA na si SERGIO LIMBAUAN ay gusto ko pa din siyang batiin ng HAPPY FATHER’S DAY. Gusto kong marinig niya sa langit ang sigaw ng aking puso. Gusto kong maramdaman niya ang sobrang pangungulila at pagkamiss ko sa kanya. Gusto kong maramdaman niya ang aking yakap at halik sa araw na ito. Higit sa lahat, gusto kong malaman niyang MAHAL NA MAHAL KO siya. Hindi ko nagawa ang mga iyan ng nabubuhay pa siya kaya kahit sa poste ko lang maiparamdam ko at malaman niya ang lahat ng ito.

Payo ko sa mga anak na meron pang tatay. Sana habang kapiling niyo pa siya. Gawin niyong makabuluhan at masaya ang buhay niyo kasama siya. Sana masabihan niyo siya ng I LOVE YOU at mayakap tulad ng ginagawa natin sa ating mga NANAY. Sana habang buhay pa ang iyong ama ay masaya kayong nagtutulong tulong upang mas mapaganda at mapasaya ang buhay ng bawat isa. Mahirap mawalan ng AMA, TATAY, PAPA AT ERPAT kaya ang payo ko sa inyo habang nandyan pa sila. ALWAYS MAKE THEM HAPPY. LET THEM FEEL YOUR EMBRACE. LET THEM FEEL YOUR LOVE, LET THEM FEEL YOUR CARE AND SPECIALLY LET THEM FEEL THAT THEY ARE THE BEST DAD IN THE WORLD…

Papa nagkulang man ako bilang anak noon. Sana ngayon makabawi ako sayo. Huwag kang mag-alala aalagaan kong mabuti si Mama. Gabayan mo din kami ha. Muli PAPA… I LOVE YOU… I MISS YOU… HAPPY FATHER’S DAY PAPA…

2 responses to “Sa Araw ng mga AMA..

  1. Happy father’s day sa papa mo🙂
    Sa iyo na rin. Wala ka pa mang anak( wala pa nga ba?) pero ginagampanan mo ang responsibilidad bilang isang mabuting haligi ng tahanan sa sarili mong paraan… 🙂

  2. siurado akong masaya ang papa mo kasi isa kang responsableng tao🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s