Simpleng Hiling

Noong ako’y isang munting musmos at bata pa
Pangarap ko’y kasing tayog ng isang saranggola
Ang dami kong gustong gawin at unawain
Ang dami kong gustong puntahang lugar at tanawin

Pero di naglaon lahat ng iyo’y nagbago
Kinain ng mundong ito ang simpleng pangarap ko
Ang simpleng saya‘t gusto’y nawala at naglaho
Nabalutan ng mga paghihirap at mga makamundong luho.

Tila isa akong pulubing naglalakad sa kawalan
Tila isang taong di alam ang pupuntahan
Para akong tangang di alam ang gagawin
Para wala sa sarili at di alam ang iisipin

Di na nga ba ako masaya sa aking trabaho?
O sadyang nadidismaya lang ako sa takbo nito
Simple lang naman ang hiling ko sa Panginoon ngayon
Gabayan niya ako sa aking mga gagawing desisyon

Aminado akong nahihirapan ako
Aminado akong naguguluhan ang isip ko
Pero para din ito sa kinabukasan ko
Para din ito sa katuparan ng mga pangarap ko

Basta sa ngayon susubukan ko pa ding maghintay
Malay ba natin meron pa pala akong hinihintay
Ngunit pag dumating ang takdang araw na iyon
Pasensya na kaibigan, kailangan ko talagang umahon

Simple lang ang naman talaga ang pangarap ko
Magkaroon ng magandang buhay at trabaho
Magkaroon ng pamilya at kumita ng malaking pera
Ayaw ko naman talagang lumipad ng ibang bansa

Pero kung iyon talaga ang aking tadhana
Dasal ko sa Panginoon gabayan ako sa twina
At kung sakaling ito talaga ang plano niya
Ang simpleng hiling ko ay ngayon na sana.

8 responses to “Simpleng Hiling

  1. Ang pagbabago ay kakabit na ng ating mga desisyong ginagawa sa buhay. Kung ang pagbabagong ito ay mahirap, ngunit para sa iyong ikauunlad, kailangan mo itong harapin. Kung hindi ka sigurado, marapat na ito’y pag isipan ng maraming beses. Kung ano man ang iyong magiging huling desisyon, maging handa sa mga susunod na kabanata ng iyong buhay.

    Nice post. Dama ko yan ha! hehe.🙂

  2. Manul-nulat ng Bayan

    ang tulang ito ay tula ng pagbabalik-tanaw at pangangarap…..nawa’y marating mo nga ang iyong kahilingan,,,mahusay!

  3. amen.

    madalas daw, kapag nagbigay si Lord, hindi instant. gusto kase Niyang madevelop muna ‘yong pagkatao/character natin bago Nya ibigay yong bagay na inilaan nya para sa atin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s