NAPABILIB AKO…

Linggo ng umaga. Kahit wala pang tulog dahil magdamag akong tumambay ay tumuloy at sumama pa rin ako sa pagpunta ng Muntinlupa. Kala ko mahuhuli na ako noon. Alas otso kasi ang nasabing oras ng tagpuan at magaalas-otso na ay nasa biyahe pa din ako. Buti nalang umbot at ang totoo niyan maaga pa ako. Madami kami kaya naghintay muna kami sa iba. Mga ilang minuto lang ay dumating na din ang iba. Nabuo ang grupo at sumukay na kami sa bus papuntang Muntinlupa.

Kala ko magiging mahaba ang biyahe kaya umiglip muna ako pero nagkamali pala ako sapagkat madali kaming nakadating sa lugar. Kung kelan papunta na ako doon sa kasarapan ng iglip ay kinalabit ako ng kasama ko at sabing bababa na daw. Sayang kala ko makakabawi na ako ng tulog. Ayun na nga, sumakay kami ng traysikel papasok nang bilibid. Oo di ka nagkakamali. Pumunta kami sa bilibid noong linggo. Ewan ko ba kung bakit di ako ganoong kinabahan siguro dahil na rin sa mga sabi ng mga kabrader ko sa SFC na masaya daw doon.

Bago kami pumasok sa bilibid ay pinaiwan muna ang aming mga selepono at ibang bagay tulad ng headset, SIM, matutulis na bagay at iba pa na pwedeng hingin ng mga bilanggo. Minsan dapat laging handa ka sa tapik ng Diyos sayo. Tulad ko na biglang sinabihan na pangunahan ko daw ang dasal bago kami pumasok ng Bilibid. Iba yung naramdaman ko. Ewan ko ba pero nagbalik lang yung alab ng puso ko pagdating sa paglilingkod sa Panginoon. Para akong nagsisimulang muli. Ganun yung naramdaman ko noong YFC pa ako. Pagkatapos ng dasal ay pumila na din kami, tinatakan kami at sabi nila di daw dapat mabura yun kasi pag nagkataon ay di daw kami makakalabas. Siyempre todo protekta sa tatak. Ayaw ko kayang makulong dahil lang nabura ang tatak ko.

Sa loob ay nakita ko ang kakaibang mundo nila. Marahil iba sa mga dating pelikulang aksyon na makikita mong sobrang gulo at nakakatakot ang mga tao pero iba dito. Kabaliktaran ng mga bagay na nasa utak ko bago ako pumasok. Para lang siyang isang komunidad na puno ng nakatira. Sinalubong kami ng ibang preso. Yung iba may mga dalang payong upang payungan ang mga kasama naming babae, ang iba naman ay may mga dala-dalang mga gawa nila na ibinebenta upang magkaroon sila ng pera, meron din namang nakikipagkamay na parang kakandidato sa eleksiyon at yung iba ay parang mga Fans na kumakaway sa amin. O di ba para lang kaming artista. Kumpleto sila sa loob. May Billiards, may Videoke, may lugawan, karinderya, may mga Basketbol at Volleyball Kort, may mga klinika din pero mukhang konti lang ang gamit, may mga mababang paaralan, pang sekondarya pero di ko alam kung may kolehiyo din at higit sa lahat may mga iba’t ibang simbahan ng mga relihiyon.

Dumiretso kami sa simbahan ng pangKatoliko kasi doon gagawin ang nasabing aktibidad. Nagsimula ang nasabing aktibidad sa isang pambungad na pagpuri at pagkanta para sa Panginoon. Sinundan ito ng pambungad na pagpapaliwanag kung paano ang mga gagawin at ano ang dahilan ng nasabing aktibidad. Ang nasabing aktibidad ay tungkol sa paggawa nila ng “DREAM BOARD”. Dito pwede nilang ilagay ang kanilang mga pangarap sa loob at labas ng kulungan sa pamamagitan ng pagguhit, pasusulat o di naman kaya pagdikit ng mga larawan sa pamamagitan ng mga pinunit na larawan mula sa mga babasahin.

At pagkatapos noon ay nagsimula na nga. Hinati sa grupo ang mga dumalo. Tig lilima kami. Napunta sa akin sina JOSELITO, MARLON, LORETO, JORAM at MEYNARD. Sila ang limang taong tutulungan ko sa pagbuo nila ng kanilang “DREAM BOARD”. Mayroon lang silang apatnapung minuto upang gawin ito kaya di na kami nagsayang ng oras at gumawa na. Pinabilib nila ako sa husay nilang gumuhit. Ibang iba sa mga nakita ko. Galing sa puso lahat ng makikita mo sa ginawa nila. Natapos naman nila ang lahat ng kani-kanilang “DREAM BOARD”. Pero di pa doon natapos ang nasabing aktibidad sapagkat simula palang yun. Kailangan kasi nilang ipaliwanag ang kani-kanilang gawa. At bilang lider nila ako ang makikinig sa bawat sasabihin nila. Marahil di ko na tanda lahat ng sinabi nila pero tagos sa puso ang bawat salitang binitawan nila. Naramdaman ko ang pangungulila nila sa pamilya. Nakita ko ang kagustuhan nilang magbago at makalaya, nakita ko ang mga pangarap nila sa loob at labas ng kulungan at higit sa lahat naramdaman kong karamihan sa kanila binago ng Diyos. Ang lalalim pa nilang magtagalog. Astig talaga.

Marami pang nangyari at ang huli nga ay naatasan kaming punitin ang kanilang “DREAM BOARD”. Sa parteng ito medyo nahirapan ako. Anu naman ang karapatan kong pumunit ng gawa ng iba at sirain ang mga ginawa nilang pangarap pero sabi nga ng tumayong lider sa harap na si Kimm. Ang pag punit na ginawa ay tanda na ang ibang mga pangarap natin ay wala sa ating mga kamay. Ang mga punit ay ang mga pagsubok na pwedeng dumating sa buhay natin na pwedeng makasira ng mga pangarap natin. Pero sabi nga ni Kimm na pwede pa namang buuin ang punit na “DREAM BOARD” tulad nang mga pangarap natin na pwede pa nating ipagpatuloy pagkatapos ng mga pagsubok. Kaya matapos punutin ay dali dali naming idinikit uli iyon. Nakita ko ang kagustuhan nilang buuin muli ang napunit na “DREAM BOARD” at nasaksihan ko ang pagnanasang pagtagpi-tagpiin ang kanilang mga punit na pangarap. Sobrang tagos sa puso ang lahat.

Natapos ang aktibidad sa pagpupuri at pagkanta sa Panginoon. Ako umuwing maluha luha sapagkat ipinadama ng Diyos sa akin ang lahat. Dinala niya ako sa isang lugar na sobrang natuto ako at nabago ang pananaw tungkol  sa mga preso. Siguro masasabi kong isa ito sa pinaka hindi ko makakalimutang pangyayari. Di lang ako nakatulong bagkos pati ako tinulungan nilang mabago bilang isang tao. Mas nakita kong mas maswerte pa ako sa kanila. Nakita ko ang kahalagahan ng pagiging isang TATAK KRISTO. At higit sa lahat nakita ko na karamihan sa kanila ay nagbago na. Sobrang saya ko lang noong araw na iyon.

Masasabi kong pinabilib ako ng mga taong nakasalamuha ko sa loob ng kulungan. Kaya sa susunod na ang WESTB1A uli ang naatasan upang pumunta doon ay walang pag-aatubiling sasama ako. Tanging dasal muna ang maitutong ko sa kanila sa ngayon. Sana kayo din ipagdasal niyo sila. Sana kayo din maranasan niyo ang dumalaw minsan doon. Pangako di kayo magsisisisi.

 Ilang mga kuha mula sa araw na iyon…

13 responses to “NAPABILIB AKO…

  1. nasa muntinlupa pala kayo. yang medium security na yan, mababait ang mga preso. ung iba dyan honestly not guilty at naframe up lang

  2. Kaya pala… hehehe…. ang bilis ah…

  3. Ito yung mga araw na ang sarap balikan…

    na minsan sa buhay mo naging parte ka ng isang importanteng gawain.

    inspiring🙂

  4. ipagpatuloy mo lang berlim..

  5. ang gandang karanasan naman nito…
    minsan napapangarap ko tuloy at natatanong na kung maganda ba ang maynila at iba pang mga lugar
    palibhasa’y napakalayo ko sa kabihasnan…
    dadalaw rin ako sa munti sa susunod na kung loloobin ng Diyos…

  6. hahaha…dalaw lang talaga at hindi titira…

  7. Hi kuya berl, kumusta na?
    ang saya naman ng ng ginawa nyo,
    pangarap ko actually ang makapasok sa munti o correctional
    sana magkaroon ako ng chance🙂

    ingat po kayo🙂

  8. Napaka-makabuluhan ang inihanda ninyong aktibidad. Totoo, minsan sa isang iglap ay masisira ang ating mga pangarap pero hanggat tayo’y nabubuhay pwde pa nating buohin muli. Wag lng bibitaw sa pangarap at balang araw, magkakaroon din ng katuparan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s