Pagpaparaya at Pagsisimulang Muli….

Buwan na naman ng mga puso, kaibigan. Marahil abala na naman ang mga tao sa paghahanap ng mga lugar na pupuntahan ngayong darating na Araw ng mga Puso. Marami diyan ang nababaliw na kakaisip ng mga regalong ibibigay sa kani-kanilang mga iniirog. Meron din namang abala sa paggawa ng mga pwedeng itindang tsokolate at malamang sa alamang ay magiging masikip na naman ang kalsada ng Dangwa. Dito kasi makakabili ng magaganda at mga murang bulalaklak. Iba-ibang mga pinagkakaabalahan at ginagawa. Lahat ng ito ay parte ng masayang buhay pag-ibig ng isang Pilipino.

Pero maiba naman tayo. Paano naman sa mga taong sawi. Yung mga di pinalad na magkaroon ng kasintahan. Yung mga bagong wakas palang nang noo’y matamis nilang pagmamahalan. Magiging malungkot ba ang kanilang pagsalubong sa nasabing araw? O parang magiging normal lang ang lahat? Ano kaya ang mga plano nila sa darating na Araw ng mga Puso? Maiingit kaya sila sa mga makikita nilang mga magsing-irog na halos parang mga lintang sobrang dikit na sa isa’t isa? O parang dadaan lang ang araw na ito sa kanila na parang ordinaryong araw lamang? O di naman kaya ay magmumukmok sa apat na sulok ng kanilang kwarto at hahayaang bumuhos ang sandamakmak na luha na pagkatapos ay magiging muta lang.

Aaminin ko mga kaibigan ako din mismo di ko pa alam ang gagawin ko sa darating na Araw ng mga Puso. Ganun talaga siguro ang tulad kong di pinalad na magkaroon na kasintahang muli. Nagkaroon man pero di din nagtagal. Marahil ang aking Mama nalang uli ang aking yayayaing kumain sa labas at bibigyan ng isang dosenang magagandang rosas na binili sa dangwa. Sa kanya kasi mas tipid ako sa dahilang minsan ayaw na niya akong bumili ng mga bulaklak perahin ko nalang daw. Atsaka kailangan kong magtipid ngayong buwan. Unang dahilan ay kailangan namin ng perang pang-opera sa mata ng lola ko at pangalawa ay para sa pagpunta ko ng Bohol para dumalo sa isang aktibidad ng SFC(SINGLES FOR CHRIST). Kasama ko din kasi ang dating kasintahan pagpunta doon at malay ko, baka doon muling magbalik ang lahat. (Umaasang palaka lang po malay ko ba di ba?) O di naman kaya ay makakita ako ng Boholana na magpapatibok muli ng aking natutulog na puso. (Hahaha nangangarap lang ng gising). Pero kung ako ang tatanungin masaya naman ako kahit mag-isa sapagkat malaya kong nagagawa ang mga gusto ko at puntahan ang mga lugar na gustong puntahan.

Unang araw ng Pebrero ngayon. Gawin lang nating makabuluhan ang Buwan ng mga Puso. May kapareha man o wala. Masaya man o hindi. Dapat lagi nating isipin na ang buhay ay sadyang makulay. Dapat laging positibo lang. Mahaba pa naman ang araw bago ang tinakdang Araw ng mga Puso eh malay mo makahabol ka pa di ba? Masaya ang buhay huwag nating gawing kumplikado ang lahat. Marami pang bagay at tao ang naghihintay sayo sa hinaharap. Maghintay, idaan sa dasal at hindi naman masama ang umasang darating ang taong itinakda sayo ng Diyos. Nadadaan sa tiyaga ang lahat. Maghintay ka lang.

Bago ako magtapos mga kaibigan ay iiwanan ko sa inyo itong natutunan ko sa aking lider noon tungkol sa Pagpaparaya at Pagsisimulang muli. Sa ingles “LETTING GO AND MOVING ON”. Sabi niya na ang buhay ay parang isang bilog. Ikaw yung gumagawa ng sarili mong bilog. Iikot at ikot lang ang buhay mo sa bilog na iyon. Parang sa pag-ibig, patuloy na iikot ang mundo mo sa kanya kahit wala na kayo. Pero sabi niya sa akin na kung gusto ko raw magbago dapat matuto akong kumawala sa dating bilog ng buhay ko at gumuhit uli ng panibagong bilog. Parang sa pag-ibig din, kung ayaw na natin makipagbalikan sa dati nating kasintahan, dapat matuto muna tayong magparaya at kumawala sa anino ng pag-ibig nila. Magsimulang buuin muli ang panibagong bilog na bubuo ng bagong yugto at kabanata ng istorya ng pag-ibig mo.

Marahil hindi ganun kadali ang magparaya at magsimulang muli. Pwedeng tumagal o mapadali ang proseso nang paghilom ng sugat ng iyong nakaraan pero nasa iyong mga kamay pa din ang desisyon at solusyon. Ikaw pa din ang bubuo at madidikta ng iyong tadhana at higit sa lahat, lagi mong isaisip na gaano man kaganda ang mga plano mo sa buhay, may mas magandang plano ang Diyos na nakalaan para sayo.

17 responses to “Pagpaparaya at Pagsisimulang Muli….

  1. ganyan talaga ang buhay. di ka man swerte sa buhay-pag-ibig sa ngayon, matatagpuan mo rin siya sa hinaharap

  2. oo andyan lang sya sa tabi-tabi, antay ka lang!

  3. dadating din yan sa tamang panahon!

    enjoy life!

  4. Tingin ka sa taas. Nakita mo?

    Wala. Nawala na ‘yong bilog. Bagal mo kasi.

    Romantiko ang mga Pinoy. Tunay na tunay.

    Pero the best ang Kita ng mga motels at hotels.
    🙂

  5. andaming bilog..
    😄

    basta tandaan mo bilog ang mundo .

    oo wala lang akong masabi.hehehe

    think positive na lang lagi at patience🙂

  6. lagi lamang tandaang…ang pangarap mo ay makakamtan basta’t maghintay ka lamang…ang buhay nga naman parang kanta…hahaha…maligayang buwan ng pag-iibigan

  7. “Masakit talaga ang pagpaparaya, dahil ang pagpaparaya ay pagpapa-aray.” – timangkey

  8. ayie…Like like..ikaw na may pag-ibig..:)

  9. Kris Joy Saludadez

    thank you sa bohol.. kasi duon nga nagsimula ang lahat.. hahaha🙂

  10. very inspiring. plus stronger points dhil sa blog mo. manalig lang tayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s