Ang sakit lang….

Simula last year hirap kami financially. Kaya pangako ko ngayon taon na makakaraos din kami pero di pa nagtatapos ang Enero ay sandamakmak na problema na ang nangyari. May sakit ang lola ko sa mata na pero di pa pwedeng operahan kasi diabetic nga. Walang trabaho ang asawa ng ate ko at araw araw ako nakakatanggap ng mensahe sa aking Mama ng mga reklamo at hinanaing niya. At ngayong gabi nga. Umandar na naman ang galit ni Mama. Bunso ako hindi panganay. Maliit pa ang sahod ko at di talaga kasya kahit pang-araw araw kong gastusin.

Ang sakit sakit lang kasi feeling ko wala akong kwentang anak. Lalo pa ng matanggap ko ang mensahe ni Mama ngayon gabi. Para akong binuhusan ng tubig sa mga sinabi niya. Tama naman siya eh ang ganda ng kumpanya pero ang liit ng sahod. Tumutulo ang luha ko sa pagtipa ng posteng ito. Sobrang nasasaktan ako. Sobrang nalulungkot… Sana bukas paggising ko mayaman na ako para wala nang problema. Pero malabo yun kasi bukas paggising ko malamang isang problema na naman ang aking kakaharapin…

Ito marahil ang pinakamasakit na mensaheng natanggap ko sa ngayon. “akala ko pagkatapos mong mag-aral makahinga na ako lalo palang lumala ang gastos.” Ang sakit talaga… sobrang sakit….

26 responses to “Ang sakit lang….

  1. hang on! =) things will get better! try “getting out of your comfort zone” and find new ways to improve things! =) life is good! life is promising, venture out bro! God Bless!

  2. Berl.. ilang minuto nakong nakatingin dito sa comment section, binabasa nang paulit-ulit ang post mo.. Di ko alam kung anong sasabihin ko. Ramdam ko kasi ang sakit sa post mo na to..😦

    Lakas lang ng loob, Berl.. Kaya yan. God bless..

  3. Bro Berl, kaya mo yan… Just hang in there… “Many are the afflictions of the righteous, but the Lord delivers him out of them all. He guards all his bones; not one of them is broken.” (Psalm 34:19)

    All things work for the good of those who love the Lord… I believe and I claim, something great is going to come your way soon!

  4. pero lam mo, hindi naman natin responsibility to pay every cent your parents have spent for us, responsibility nila paaralin ka, sa pilipinas lang merong utang na loob system, sa iba wala. Anyway, sa umpisa lang yan. You will get the hang of it, just like the rest of us.

  5. Everything happens for a reason Kuya Berl. Kung ano ang nafefeel mo ngayon, bukas mawawala na yan. Stay positive. Pray lang ng pray at saka never lose hope because I am very certain God has good plans to you and to your family. Patience lang🙂

    “Life is not about being fair, but its about surpassing the unfair reality”. Stay strong and never give up! Blessed Sunday.

  6. agree ako dun sa sinabi ni sir bon tol. isipin mo na lang masuwerte ka parin kasi may pantext ka sa mama mo. ang iba tinitiis ang gutom, nilalakad daan patungong trabaho dahil sa sobrang paghihigpit ng sinturon. alam ko hindi tama ang magkumpara, pero ito lang ang daan para masabi mong masuwerte ka parin, at lalo pang magsumikap. =). gaya nga ng sabi nila, lahat ng problema may solusyon, kaya hindi mo matatawag na problema ang isang problema kung walang solusyon. make sense? ewan ko. ahay ang laking problema nito. hehehe. ngiti lang! pagpalawin nawa =)

  7. Alam ko naiintindihan mo mama mo, dala lang sigurado ng maraming isiping problema kaya nya nasabi ang ganun. Pero syempre bilang tao, nasasaktan din tayo sa bawat masasakit na salita na ipinupukol sa atin, yun lang, intindihin na lang at isiping pagsubok lang ang lahat, may rason kung bakit nangyayari yan at for sure hindi NYA ibibigay sayo yan kung hindi mo kaya, wag ka lang bibitaw sa KANYA.

  8. chillax!… pasasaan ba at may patutunguhan ang iyong pagtitiyaga. Keep on praying…. Hindi ka niya pababayaan. Proven na yan.. ^_^ smile!

  9. i can say na medyo pareho tayo ng sitwasyon. to begin with… ang pagpapaaral sa ‘tin ay responsibilidad ng magulang. thank you dahil responsible sile because they choose to give us education. pero hindi ibig sabihin nun, nag-aral ka lang para magtrabaho, kumita at magbigay ng intrega.

    sinasabi ko sa nanay ko (in a nicest way naman). Kung maliit man ang ibinibigay ko, hindi naman ako pumapalya. Because you know, may iba na one time big time then once in blue moon pa. Ang sweldo ko ay bina-budget ko sa intrega, personal kong gastusin at sa kinabukasan namin. i’m doing my best sa end ko at i don’t think na right isisi sa atin ang kakulangan ng iba nating kapatid. .

    itong issue ay isang lesson din sa magulang, they have wrong mindset pagdating sa pagpapaaral ng anak. but then, i’m not saying na huwag na tayong gumawa ng paraan to give them comfortable life. whether you really feel na kulang talaga o hindi, try to find extra source of income like what Bon mentioned. always talk to your mother she needs someone who can understands her and for you to open up. maiintindihan ka rin nya eventually and mawawala na yang ganyan “sumbat” na i think nasabi nya lang out of desperation.

  10. Ang hirap magreact. Ramdam ko yung pain Kuya. Magpray na lang tayo. Magpray ka at ipagpepray ka namin. Kaya mo yan Kuya. God bless you.🙂

  11. nasaktan ka kasi isa kang mabuting anak.

    JAPAN: Just Always Pray At Night . hehehe

    ngiti lang bro sisikat din ang bagong umaga😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s