HANGGANG 2012 NALANG PALA….

Kumakalat ang ganitong larawan sa FB. Dahil sa tsismoso at pakialamero ang iyong lingkod ay sinubukan kong pindutin ang LIKE at idinagdag ang aplikasyon na ito sa aking FB.

Hanggang 2012 nalang pala ako. Hanggang sa susunod na taon nalang pala. Ewan ko ba kung matatakot ako, matatawa, seseryosohin ko, mag-iingat at marami pang iba. Pero aminin ko man sa hindi kahit papaano natakot at natawa ako.

Ang panget naman ng magiging katapusan ko. Nahulog sa tulay sa isang aksidente. Tinagalog ko lang ang nasa pektyur. Dahil sobrang natawa ako ayan tuloy nakagawa ako ng poste.

Dahil nalalapit na ang 2012 at sinasabi sa pektyur na yan na ang huling taon ko.. (knock on woods) anu nga ba ang gagawin ko upang maging makabuluhan ang susunod na taon. Anu kaya ang mga babaguhin ko at inaasahan. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na taon.

Dahil wala pa namang 2012 at di ko pa maisusulat dito ang NEW YEARS RESOLUTION ko. Hanggang dito nalang muna. Iba kasi ang poste para dyan.

Para sa akin. Di naman natin hawak ang buhay natin di ba? Ang tanging nakakaalam kung hanggang kelan tayo sa mundo ay walang iba kundi ang Diyos na lumikha satin.

Marahil dapat sa araw-araw ng buhay natin dapat handa tayo. Kasi di mo alam malay mo mamaya, bukas, sa isang araw, sa isang buwan, sa isang taon o sa mga susunod na taon ka kunin ng Diyos di ba?

Narealize ko sa pektyur na iyan. Na hiram lang ang buhay natin at sa bawat oras ng buhay natin di dapat natin ito inaaksaya at dapat gumagawa tayo ng ikakabuti ng ating kapwa. Magmahal at magpatawad. Umiyak at ngumiti kung kinakailangan. Sumigaw, tumakbo, kumain, matulog.

Saglit lang ang buhay natin. Gawin natin itong makabuluhan..

14 responses to “HANGGANG 2012 NALANG PALA….

  1. importante talagang maging handa, pero scaredy to see your epitaph, hala!!

  2. Wag ka muna maglalapit sa mga tulay.. hehe.πŸ™‚ Live life to the fullest lang palagi..πŸ™‚

  3. hnd ko nakita sa fb yan ah, mahanap nga.. Happy new year! cuteberl

  4. Cureberl,

    Happy New Year!

    D

  5. Cuteberl,

    Mali Spelling ko sa unang comment kaya ito pa isa! Hahahahahahahaha!

    Manigong Bagong taon sa iyo!

    D

  6. i enjoy ang buhay mas mahalaga ang quality life kesa sa quantity lifeπŸ™‚

    happy new year bro.

  7. Aww.. hm, live life to the fullest! Yaan mo na yang FB application na yan.. nananakot lang yan.πŸ™‚ Tama, di natin hawak ang buhay.. kaya mamuhay tayo nang makabuluhan.

    Happy new year, Berl!

  8. pwedeng seryosohin yan, pwedeng hindi pero mag-ingat ka palagi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s