SBA 3: ANG SAYA SAYA!!!

PBA 2011… PEBA 2011… at ang kakatapos lang na SBA 2011. Tama nga si Otep parang “Beauty Pageant” lang ang pagkakasunod. Ang PBA ang Miss Universe. Ang PEBA 2011 ang Miss World. At Miss Earth naman ang SBA 2011. Tawa ako nang tawa ng marinig ko ito. Pero natanong ko bakit kaya hindi Miss International? Tama di ba? Pasensya na di ko kasi narinig ang paliwanag kung bakit Miss Earth eh. Hayaan na nga natin yan at heto na ang aking kwento sa nasabing Blog Awards.

Dahil eksayted ang lolo mo kasi unang taon na makakasama ako sa SBA, umalis ako ng bahay ng ala-una ng tanghali kasi dadaanan muna ako sa isang kaibigan sa Cubao at umikot muna sa Ali Mall para rumaket este bumili pala ng laruan. Di ko kasi pwedeng ibigay ang mga lumang laruan sa bahay kasi tiyak mapapagalitan ako ng dalawa kong pamangkin na sobrang kulit kaya ayun naisipan ko nalang bumili. Dahil ayaw kong maging malungkot na batang mag-isang pupunta sa nasabing lugar ng SBA ay aking kinontak si Bino upang sabihing sa kanila nalang ako sasabay at sabi niya sige daw pero medyo nahuhuli lang nang kaunti sapagkat hinihintay pa niya sina Ate Zyra at Kuya Lester. Hinintay ko naman sila sa loob ng Mcdo at dahil toms guts na ako ay umoorder na ako ng pagkain para na din hindi nakakahiya.

Medyo huli nga sila pero ayos lang yun kasi sa wakas nakita ko na ng personal si Ate Zyra at Kuya Lester. Kasama din nila si AXL.  Pero dahil kulang pa ang tropa ay naghintay pa kami. Si Madz at Rico nalang ang wala.  Di din nagtagal dumating na si Madz. Unang pagkakataon  na makita ko si Madz, na nalilink sa isa pang blogger na si Mr. BB(konti gawa na istorya para mabenta hahaha). Tapos di naglaon ay si Rico De Buco naman ang dumating. Hindi pa pala doon matatapos ang aming paghihintay sapagkat hihintayin namin si Ginoong Duking. Halos magkalapit lang ang pagdating nila ni Rico. Di naman kami pinaghintay ng matagal. Dumating naman kaagad si Duking. Nang mabuo na ang grupo ay umalis na din kami upang pumunta na sa lugar.

Pare-parehas pala naming di alam ang papunta at kung anung sasakyan. Taxi sana kaso nahirapan kaming sumakay kaya dahil doon ay todo hanap ng masasakyan. Dahil sa tulong ni Ate “Zyra the EXPLORER”  na may dala atang kodigo nang araw na iyon ay napagdesisyonan naming trisikol nalang ang aming sasakyan. Kinse pesos daw kada tao ang presyo papunta dun. Mura naman kung tutuusin pero pahirap pala ang biyahe namin. Para kaming basang sisiw ni Duking sa likod ng trisikol pero masasabi kong isa iyon sa pinakamakulit at pinakamasayang karanasan ko. Katabi ko ba naman ang matagal ko nang gustong makilala na anonymous blogger . O di ba san ka pa? Balahura sa mundo ng blogosperyo mas lalo pala sa personal. Tapos itong si Manong drayber ay aanga-anga, sa likod ba naman kami ng gusali ihatid tapos nung sabihin naming mali ang aming pinuntahan at muling sasakay sa kanya ay bumanat na magdadagdag nalang daw kami. PANALO di ba si manong. Kumikitang kabuhayan siya samin kasi pinatulan na namin kesa naman mabasa kami ng bonggang bongga. At ayun na nga ang lapit lang nang inikutan at sa wakas nakadating na din kami sa lugar. Iwan muna daw nang I.D sabi ni Manong Guwardiya. Matapos ang pirmahan sa labas at iwan ang I.D pumasok na kami sa loob. TIVOLI GARDEN RESIDENCE ang lugar na sinasabi ko. Isang napagandang lugar para nasabing SBA 2011. Elegante at sosyal ika nga nila. Iba talaga pumili si Kuya Blue ng lugar. Panalo…

Hahayaan ko nalang ang mga kuhang litrato ang magkwento sa inyo ng mga sumunod na pangyayari. Di ko kasi maitipa ang mga magaganda at masasayang nangyari sa amin sa gabing iyon.

This slideshow requires JavaScript.

(ang mga litratong ginamit ay galing kay JOHN AT BINO)

Salamat Kuya Blue sa isa na namang matagumpay na taon ng Saranggola Blog Award

“Hindi man ako nanalo ngayong taon, ang makasama at makasalo ang mga bloggerong tulad niyo ay sapat na. SBA 3 Ang SAYA… SAYA…”

12 responses to “SBA 3: ANG SAYA SAYA!!!

  1. awts inggit ako ..hahaha:/

  2. hehehe…… nice sseing you on the second time!!

  3. sa sba 4 mas masaya panigurado😀

  4. ang saya saya saya talaga… nice meeting u cuteberl.. ehe.. see u next sba…😀

  5. nice meeting u parekoy ang saya nga ng SBA hehehe

  6. may hula ako bat Ms. Earth, imbes na Ms. International. hehehue

    dito ako sa SBA, naglalako ako ng mga oras na iyon. hohoho! mukhang masaya nga lahat at deserving ang mga nanalo. sana nga sa SBA 4 ay makapunta na ulit ako hehehe.

    Merry Christmas!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s