Unang Araw ng Simbang Gabi

Ginising ako ng aking kasama sa bahay ng Alas-kwatro ng umaga kanina. Simbang gabi nga pala buti nalang at ginising niya ako kundi unang araw palang ay may liban na ako. Kaya dali-dali akong pumunta ng kubeta at naligo. Ang alam ko kasi alas kwatro y media ang samba sa Baste(SAN SEBASTIAN CHURCH) kaya buhos dito, sabon doon ang aking ginawa. Minadali ko ang pagligo kasi di ako sanay na nahuhuli sa simba.

Matapos maligo ay nagbihis na ako tapos pumunta na ng simbahan. Damang dama ko ang simula ng Simbang Gabi sapagkat umaga palang ang dami dami nang naglalakad sa harap ng bahay na aming tinutuluyan. Pati ramdam mo ang simoy ng pinaghalong usok at hamog. Malapit lang samin ang Baste kaya madali akong nakadating. Tulad ng dati nagulat ako sa dami ng taong nagsisimba. Umabot na sa labas ng simbahan ang mga ito. Bata, binata, matanda, may ngipin o wala ay nandun upang makiisa at magsimba. Pinilit kong makapasok sa loob upang makahanap ng upuan pero nabigo ako kaya kahit nakatayo na ako sa loob ay okey na.

Sayang di ko naabutan ang mga kumanta upang aliwin ang mga nagsisimba. Patapos na  nung naabutan ko sila. “12 days of Pinoy Krismas” ng APO ang kanilang kinanta. Kasi narinig ko may numero silang kinakanta. Pagkatapos nun ay nagsimula na ang misa. Dahil nasa gilid ako ay di ko narinig ang pangalan ng pari. Sayang magaling pa man din siya magsermon. Sabi kanina, ito talaga ang natatandaan ko kasi pinagawa niya samin, lahat daw kami ay binubuo ang siyam na araw ng Simbang Gabi upang umasang matutupad ang aming kanya-kanyang kahilingan. Sabi ng pari kanina na ipikit daw namin ang aming mata at iwika ang aming hiling sa Diyos dapat daw mula daw sa kaibuturan nang aming puso ang aming hinihiling upang madali daw itong matupad. Sunod talaga ako sa sinabi ng pari. Ipinikit ko ang aking mga mata at winika sa Diyos ang aking mga hiling, hinanaing, reklamo at marami pang iba. Maluha luha akong dinadamdam ang oras na iyon na kami lang ng Diyos ko ang tila magkausap. Para akong nabunutan ng tinik. Nailabas ko kasi sa oras na iyon ang lahat ng dinadala ko.

Medyo mahaba din ang sermon ng pari kanina pero may tumatak sa akin nung sabihin niyang

“ALAM KO LAHAT KAYO NANDITO KASI MAY MGA HILING KAYONG GUSTONG MATUPAD. YUNG IBA DIYAN NANDITO KASI MALAPIT NA ANG KANILANG MGA EXAM, TAPOS YUNG IBA NAMAN AY NANDITO PARA SAMAHAN ANG KANILANG MINAMAHAL, HINDI NAMAN MASAMA ANG MGA HILING NIYO,  GUSTO NIYO AT DAHILAN NIYO KUNG BAKIT KAYO NANDITO PERO DAPAT ISAALANG-ALANG DIN NATIN NA ANG SIYAM NA ARAW NA GUGUGULIN MO AY HINDI LANG PARA MAKUMPLETO MO ANG SIMBA AT MATUPAD LAHAT NG HILING MO PERO ITO AY UPANG MAGING HANDA KA AT IHANDA ANG PUSO MO SA PAG DATING NI HESUS KRISTO NA TAGAPALITAS NATIN”.

Sapul ako parang BOOOMMMM na sumabog sa puso ko ang iniwan ng pari sa papatapos niyang sermon. Panalo ang unang araw ng Simbang Gabi. Kaya gusto ko magsimba sa Baste kasi halos karamihan sa mga paring nagsesermon ay may kakaibang paraan upang maging maganda ang sermon. Sa totoo nga may paborito akong pari doon..  Si Father Paul. Kasi halos lahat ng aspeto ng sermon nagagawa niya. Masaya. Malungkot, Seryoso at ang pinakagusto ko ang kwento niya na galing sa mga patalastas sa tv.

Natapos ko ang unang misa dala-dala ang magandang balita mula sa Diyos at sana bukas ay magising ako ng maaga upang maipagpatuloy ko ang pangako ko kay Hesus na bubuuin ko ang siyam na araw ng Simbang Gabi.

Nga pala bago ako magpaalam sa inyo aking mga mambabasa gusto ko lang magpasalamat sa kasama ko sa bahay na si Marvin(oh ayan Marvs may exposure ka sa blog ko) at sa MILO CEREAL DRINK na nagbigay ng free sample sa mga nagsimbang gabi. Sana bukas uli meron. O siya hanggang dito nalang muna ang aking kwento. Matutulog pa ang simpleng inhinyero.

MALIGAYANG PASKO AT MANIBAGONG BAONG TAON SA LAHAT…

8 responses to “Unang Araw ng Simbang Gabi

  1. medyo hawig ng kaunti yung sermon ng pari sa inio tsaka sa amin. heheheh… kaso sa amin medyo may dagdag lang ng kaunti…
    sana macomplete natin ang simbang gabi

  2. tama axl… bawas na yang nakalagay na yan… tinandaan ko talaga yang part na yan. di man ganun kahawig sa original pero lahat ng sinabi ko sinabi ng pari.

  3. Magaling nga ang pare na nagpreach sa iyo .
    sigurado ako madami ding nasapul doon. Minsan kasi nakakalimutan natin ang tunay na dahilan bakit tayo nagsisimba.

    si hesus ang dahilan kung bakit may simba ,
    kung bakit pwede tayo mag wish,
    kung bakit may pasko
    at kung bakit tayo nandito sa mundo🙂

    Godbless .

  4. ito na ang ika-anim na taon ko sa simbang gabi. sana makumpleto ko ulit😀

  5. ok na bro hehehe added u already

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s