Pinto ng Buhay Ko…

Sabi nila sa bawat pagsasara ng isang pinto may bubukas na panibago. Isang paniniwala na mula pa ata sa ating mga ninuno. Ikaw ba naniniwala ka sa paniniwalang ito? Naranasan mo bang mapagsarahan ng pinto at tapos ay meron nagbukas na panibago?

Isa siguro ako sa libo-libong taong naniniwala dito. Marahil hindi naman masama ang maniwala di ba?. Naniniwala ako sa dahilang napatunayan ko din naman ito. Noong mga panahong nagresign ako sa dating trabaho ito ang pinaniniwalaan ko na sa pagsasara ng lumang trabaho ko ay may magbubukas na panibago. At di nga ako nagkamali sapagkat heto ako ngayon nasa bagong kumpanya at bagong trabaho. Mag dadalawang taon na din ako dito. Ang tagal na din pala. Sa ngayon aminado akong nagdadalawang isip ako. Naramdaman ko ito simula mapagtanto ko na kaya ko pang kumita ng mas malaki sa ibang kumpanya. Di ko alam kung isasarado ko na ang pinto ko dito at maghahanap ng panibagong pinto ng kumpanyang magbibigay ng mas maganda at mas malaking sahod. O di naman kaya ay tatanggapin ko na ang alok na magturo sa institusyon kung saan ako ay nagtapos. Pero lumalaban pa din kasi ang puso ko at umaasa na baka may ialok silang magandang oportunidad. Ewan ko. Bahala na. Basta pag umabot na dun sa araw na ibinigay kong palugit at walang nangyari ay siguro panahon na upang isarado ko na ang pinto at buksan ang pinto nang ibang kumpanyang matagal nang naghihintay.

Sa pag-ibig din ay may bukas at sarado ng pinto. Isasarado ng taong nasaktan ang pinto ng puso niya hanggang dumating ang panahon na maghilom ito at handa nang muling buksan para sa panibagong magpapatibok nito.

Ako ilan na ba ang lumabas at pumasok sa puso ko? Tatlo kung bibilangin. Noong una ay sinaktan lang ako at dahil una iniisip ko nalang na “PUPPY LOVE ” lang ang nangyari. At dahil doon ay halos mahigit isang taon kong isinarado ang puso at ginawa itong bato upang di muna umiibig muli. Pero pagkatapos noon ay nakilala ko ang pangalawang babae sa buhay ko. Sa kanya ko muling binuksan ang pinto ng puso ko. Kala ko magtatagal kami pero hindi nangyari iyon. Di kasi kami parehas nang pinaniniwalaan tungkol kay Jesus kaya ayun iniwan ko siya sa paniniwalang mali ang magmahal dahil iyon ang sinabi ng lider ko sa komunidad na iyon pero sa bandang huli napagtanto ko wala naman sa relihiyon iyon eh. Kaya ayun nasa huli ang pagsisisi. Yung huli ay nangyari lang nitong nakaraang buwan lang. Katulad ng dati kala ko siya na ang babaeng para sa akin pero ayun marahil hindi pa siya. Marahil aminado akong may pagkakamali ako dahil kadalasang wala akong oras para makasama siya. Pero parehas lang din naman kami. Nagkulang din siya. Sa mga panahong iyon kasi naramdaman ko na di pa talaga siya nakamove on sa “EX” niya. Umikot ang relasyon naming lagi niya akong ikinukumpara doon sa dati niyang karelasyon. Ang masama pa nito naging kaibigan ko ang dati niya. O di ba? Pero ok na kami ngayon kasi nagkasundo na kami na maging magkaibigan nalang. Ilalaban pa daw niya ang pag-ibig niya sa dati niya. Ako ito pansamantala ko munang isinasarang muli ang puso ko. Sabi ko nga sa poste ko sa FB na ibabaon ko muna sa hukay ang buhay pag-ibig ang maghihintay sa taong makakahukay nito. Di ako ampalaya ha. Gusto lang muna ang buhay na walang dyowa.

Sa pagkakaibigan din. May mga kaibigang papasok sa pinto ng buhay mo. Yung iba maag-iiwan ng magagandang ala-ala matapos nilang umalis. Yung iba naman ay sinaktan ka at nag-iwan nang sakit at pait sa puso mo. Meron din na labas pasok lang sa buhay mo yung tipong parang napadaan lang. Meron naman dumating para gamitin ka lang sa sarili nilang kapakanan. Halos lahat sila pumasok at lumabas sa pinto ng buhay natin. Lahat sila’y dumating at umalis. May kokonting naiwan. May iilan na talagang mapagkakatiwalaan. Pero mas pinabilib ako ng mga kaibigan na sa oras ng kagipitan ay nandyan at di ka iiwan.

Sa lahat ng pinagdaanan ko natuto din ako. Malay ko ba kung ako din ay ganun sa iba. Napadaan lang. Nakitambay lang. Pero sana meron din akong naiwang magandang ala-ala. At sa mga naiwan ko ng sakit at pait sa puso nila. Sana mapatawad nila ako.

Ngayon, ang pinto ng buhay ko ay bukas sa lahat ng taong gustong maging parte nito. Kung gusto mong maging parte ka nito wag kang matakot na kausapin ako. Di naman ako suplado. Di naman ako siraulo. Ang masasabi ko lang ay totoong tao ako. Wala itong halong biro.

Handa ka na bang pumasok sa pinto ng buhay ko? Tara pasok na… Sana mas makilala kita at makilala mo ako.

15 responses to “Pinto ng Buhay Ko…

  1. Ganun naman talaga ang buhay. Pag may mawawala o magsasarang pinto para sayo, aasahan mo’t may bagong pinto na magbubukas pa sa iyo. Salamat!😀

  2. laging bukas naman ang pintuan ko for you heheheh

  3. in short WANTED GF! haha taragis! astig ng mga muni muni sa buhay!

  4. Sino kaya yong nakarelasyon mong magkaiba kayo ng religion hehe! tsismosa lang..

    natawa ako sa comment ni loydi (bino)

  5. ang mahalaga tayo ay natuto🙂

  6. naks, sana swerte ang dala ng papasok sa pinto ng buhay mo. dumadalaw lang cuteberl!🙂

  7. Kris Joy Saludadez

    🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s