KELAN KAYA?

 

Kelan kaya muling sisibol ang halaman?
Kelan kaya muling bubuhos ang ulan?
Kelan kaya muling sisikat ang araw?
Kelan kaya maririnig ang puso kong sumisigaw?

Kelan kaya uli makakatikim nang duriang matamis?
Kelan kaya manganganak ang buntis?
Kelan kaya malalabhan ang mga maduduming damit?
Kelan kaya magagamot ang puso kong may sakit?

Kelan kaya matatapos ang trabaho?
Kelan kaya tataas ang aking sweldo?
Kelan kaya gaganda ang buhay ko?
Kelan kaya muling iibig ang sugatang puso ko?

Kelan kaya ako muling tatakbo?
Kelan kaya ako magiging CEO?
Kelan kaya ako yayaman ng husto?
Kelan kaya makikilala ang taong magpapatikbo uli ng aking puso?

Kelan kaya malalaglag ang dahon?
Kelan kaya titigil ang panahon?
Kelan kaya luluma ang damit sa kahon?
Kelan kaya maibabalik ang pag-ibig natin noon?

Kelan kaya iiyak ang batang gutom?
Kelan kaya matutusok ang kamay nang karayom?
Kelan kaya sasabog ang tinanim na bomba?
Kelan kaya muling makikita ang kaakitakit mong mukha?

Kelan kaya puputok ang lobo?
Kelan kaya mawawalan ng tinta ang bolpen ko?
Kelan kaya lalamig ang kape sa baso?
Kelan kaya titigil ang tibok ng aking puso?

Kelan kaya matatapos itong tula?
Kelan kaya titigil ang pagpatak ng luha?
Kelan kaya matutuyo ang pawis?
Kelan kaya matatapos ang aking paghihignagpis?

15 responses to “KELAN KAYA?

  1. ang daming kelan! hehe! baka mamaya or bukas.. haha! im bak! miss ko itong bahay mo..

  2. hahaha emo pare?

    kelan kaya magiging ok ang lahat😦

    *mas emo* heheh

  3. Ang daming tanong.πŸ˜€

  4. Kelan kaya malalaman kung sino panalo sa PEBA sa category ntin hehehe

  5. hays, i feel this post!😦

    hhmm, ako, kelan kaya ___πŸ™‚ chos!

    patambay din!πŸ™‚

  6. kailan ka kaya titigil sa pagiging emoberl? heheπŸ™‚ joke!

  7. ang dami mong tanong!!πŸ˜›

  8. Puro kelan… try mo naman yung ano? saan? paano? hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s