WAGAS NA KASIYAHAN

Dalawamput apat na taon na pala ako
Kung tutuusin matanda na ako
Pero simula palang ito ng tunay na pagbabago
Simula ng pag-unlad ng buhay ko

Pintig ng puso’y di maitindihan
Sapagkat wagas na kasiyaha’y aking naramdaman
Sa araw na iyon iba-iba ang nadama
Pero aminado akong araw na iyon ay mahalaga

Minsan sa isang taon lang ito mangyari
Na sa isang araw ako ang maging hari
Kaarawan ko’y binigyan niyo ng kulay
Pinasaya at pinaligaya niyo akong tunay

Sa makukulit niyong pagbati aking nadama
Ako pala sa inyo’y talagang may halaga
Nag-aalab ang puso ko sa tuwa
Walang batid ang lihim na pagluha.

Sa totoo mang mundo
O di kaya sa mundo ng blogosperyo
Lahat ay nakigulo at nakisali
Lahat ay nagbigay ng oras na bumati

Idadaan ko nalang sa tulang ito
Ang pasasalamat sa tulad ninyo
Maraming salamat at naging parte ng kaarawan ko
Naging bahagi ng istorya ng buhay ko

Wag sana kayong magsawa
At sa susunod na kaarawan ay muling makisama
Mapuno sana uli ang FB ko ng pagbati
At sana may magtwit din uli na siya din ay babati

Sobrang saya ko din sa mga nagbigay ng oras
Kumuha ng kamera at umanggulo ng wagas
Upang hiling na pagbating may larawan
Ay aking makuha at makamtan

Salamat din sa mga sikretong bumati
Hindi niyo alam kung gaano niyo ako pinangiti
Salamat sa mga tumawag sa aking selepono
Di ininda ang tumatakbo nilang metro

Salamat din sa walang pansit kanton
Na di na mawalala sa aming sirkulasyon
Salamat sa mga kard na may mga mensahe niyo
Salamat din sa keyk na tsokolateng sorpresa ninyo

Salamat din sa Galit na ibon na aking nakuha
Na pagpindot mata ay lumuluwa
Salamat sa mga kaibigan ko dito sa mundo
Salamat din sa mga kaibigan ko sa blogosperyo

Kaarawan ko’y sobra ninyong pinasaya
Binigyan ng kulay at halaga
Sana wag kayong magsasawa
At sa susunod na taon kayo padin ang aking makasama.

———————————————————————————-

ito po ang mga Picture greetings ng mga bloggero at mga greetings dun sa card. Pumili din ako ng mga mensahe sa FB na sobrang nagbigay ng effort na mensahe.

FB MESSAGES:

HAPPY BERLOG DAY!!… WISH YOU… SANA MAKAPAG ASAWA KNA NG MAY UMAYOS NG GAMIT AT BUHAY MO!!! HEHE MAKO 2!!! – FROM MAKOH USING SHANE’S FB ACCOUNT

Isa ka pa nagbirthday di nanlilibre? parehas kau ni weakย Pau Vince Madย hahaha.. Happy Birthday pre.. – Pareng Kevin Mislang

ito message ko, HAPPY BIRTHDAY BERLIM. Laging maging inpsirasyon sa iba
JKul Kulisap

Happy birthday, Berlim! God be with you always.. Hinay2 lng sa pagkaing matataba.. health is wealth! – Ma’am Faith

hi lim…happy bday to you…more blessings.good health and more power to your career….continue to be a good boy always….miss u… – ate aireen

Ikaw na ang cuteberl na may Kaarawan! HAppy Birthday!!!! – rhoda

Happy happy birthday Berlim!!!Ikaw na ang may birthday tapos may bonus pa ayiiiiii God bless you more… – sphere

hi lim..happy b-day..wish you good health & peace of mind.. – kuya nonoy

pinaaabot q ang aking taos pusong pagbati s iyong araw ng kapanganakan..tumanda kna naman..รผ – thejay

Blessed birthday berl!- kuya pong

HAPPY BIRTHDAY MULA SA ALABANG :D- otep

Tatay Happy Birthday! You’re one of my greatest spiritual mentor. Continue inspire people. Pray and Smile. lift up! apir! – nak allen

Happy birthday kuya berl! Alam ni God kung gano kita tinetreasure bilang kuya ko.. Ansaya ko at meron akong kuya berl dati sa yfc, at ngayon sa sfc.. Stop being emo na ha? Ngayon pang amoy lablayp ka na.. Hahaha. Godbless kuya, (at alam kong ibbless ka pa Nya talaga) Continue being a blessing to others. Thanks for inspiring me. Salamat salamat! Enjoyin mo ‘tong araw mo ha? Hehe. Happy birthday ulit!๐Ÿ˜€ – RM

happy birthday brad………. we always thanks God for letting us to know somebody like you……. God bless always – GARRY

advance happy birthday. ingat kayong lahat jan. kumusta kay mama mo, lola mo, at kay ali -AUNCLE ENSU

ANG KARD

 

32 responses to “WAGAS NA KASIYAHAN

  1. Birthdays are meant to be festive…

    It is indeed a blessing that you had a blast and that so many people remembered you and took their time out for the efforts to give you their greetings (picture greetings, cards, FB messages, etc)…

    Well, it’s probably because you have an impact in their lives one way or another… Continue doing that Bro, and you’ll be an effective tool for evangelization, not more so with words but with deeds…๐Ÿ™‚

    Here’s to another fruitful year ahead!

  2. glimbrom salamat sa pagbati…

  3. Happy happy Birthday Berlim!!!! Ikaw na ang may birthday tapos may bunos pa ayiiiii God bless you more๐Ÿ™‚

    ayon parang inulit ko lng?

    xD

  4. muli, maligayang kaarawan sa yo!! masaya ako’t nakilalal kita sa personal. God bless.๐Ÿ™‚ More blessings and happiness

  5. happy happy birthday uli sayo!!! sorry di ako nakasend n pic greet bawi nalang ako next year! hehehe God bless berl!

  6. cuteberl, Happy birthday berl, sori hnd ako nakapagpadala ng picgreet..alam ko hnd sapat ang bsta bsta pgsasabi lng ng HAPPY BIRTHDAY..dapat me ksamang effort. kya…HAPI BDAY BERL..effort..effort..effort!!! hehe

    • HAHAHA,… oh ayan mommy ha… approve siya mabagal lang… effort effort effort… yun ba ung nilalandingan ng eflane? hahaha… salamat kasi kakulitan ko po kayo sa mundong ito… nga pala mommy nakita ko yung gumagalaw dun sa blog mo.. ang kulit tignan.. nakakatuwa…

  7. happy birthday ulit engineer! haha. paulit-ulit?๐Ÿ˜€

  8. bigay sa akin ni iya_khin ang gumagalaw na yon.. hehehe

  9. HBD. Ang dami nating ginawa noong malamig na panahon ng december. hehe.

  10. ulit, belated happy birthday. lahat ng araw, ituring mong birthday para laging masaya, laging may natutunan, tapos hanggang sa mamanhid tayo sa pagdadagdag ng age.hehe!

  11. Belated happy birthday sir.๐Ÿ™‚

    salamat sa pagdalaw.

  12. belated happy birthday cuteberl!

  13. hello! belated happy birthday sa iyo…๐Ÿ™‚ marami ba silang nalasing mo? ahaha. ๐Ÿ™‚

  14. ahaha, wagas na ‘yon…๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s