PANAGINIP NG ISANG MUSMOS

Ika’y  batang musmos na wala pang muwang
Sa mundong ito’y tila wala pang pakiaalam
Ang maglaro’y tanging hiling mo lamang
Tumakbo, magtago at makihalubilo sa mga kaibigan
                                                                                                                 
‘Di mo alintana ang mainit na panahon
Kahit mainit sa labas, nandon ka maghapon
‘Di rin alintana ang libag, pawis pati na rin sipon
Dahil sa kakalaro’y nalilimutan din ang gutom
                                                                                                               
Dumating ang araw ng iyong kaarawan
Ang hiling mo lamang ay isang laruan
Kotse, Bangka, robot at iba pa’y iyong tangan
Sangkaterbang laruan, ligaya mo’y nakamtan

Kotse ay pinaandar at matulin mong pinatakbo
Nang magsawa bangka naman ang inasikaso
Mga robot at tau-tauhan, tila giyera ang laro mo
Kakaibang damdamin, kahit na ika’y hapong-hapo
 
Sa iyong panaginip ikaw ay may natanaw
Isang malaking saranggola na kulay bughaw
Ikaw ay namangha, galak ay nag-umapaw
Sa iyong paglapit, may-ari ang iyong natanaw

Ikaw ay nagulat sa nakita ng iyong mga mata
Sapagkat ang may-ari, ay ikaw din pala
Binatang ikaw na nagpapalipad ng saranggola
Nagpapakitang gilas sa kasamang sinisinta

Sa paggising mo pinuntahan mo ang iyong ina
Sa kaniya’y  kinukwento ang iyong mga naaalala
Kahulugan ng panaginip, kaniyang ibinida
Saranggola at mga laruan sa panaginip ay hiwaga

Habang naglalakad papasok ikaw ay tulala
Napangiti ka na lamang at sa sarili ay nagwika
“Paglaki ko’y bibili ako ng robot, bangka at magarang sasakyan
At magpapalipad din ako ng saranggola sa kalangitan”

————————————————————————————–

Ang lahok na ito ay upang muling tumugon sa hamon niya sa SARANGGOLA BLOG AWARDS 3

Ang larawan ay mula DITO.


33 responses to “PANAGINIP NG ISANG MUSMOS

  1. goodluck sa entry mong ito kapatid.

    at maligayang kaarawan mul isa iyo…. hehehe

  2. iniimagine ko ang sarili na nagpapalipad ng saranggola. Ni minsan kasi, di ako nakaranas magpalipad…nice poem po! Good Luck sa SBA.

  3. wow tula! astig ah. ito ang kategoryang di ko sinalihan. good luck😀

  4. Wow.. ayos ah. Meron talagang rhyme. Aylabet! Parang gusto ko ring gumawa ng tula for SBA.🙂

    Good luck, Berl!🙂

  5. yehey!! UNANG tula na nabasa ko na kalahok sa SBA3..

    goodluck sayo berl!
    paglaki nung bata eroplano na bibilin nya diba?

  6. huwaw gandang tula.. GOOD LUCK!! belated happy birthday..

  7. san ba pwedeng makabili ng saranggola? pero mas i think mas achievement kung ikaw mismo ang gumawa. hehe

  8. wow makata!! God bless sa iyong entry!

  9. Maganda rin ang iyong likhang lahok para sa SBA. Salamat sa pagbisita sa aking tulang lahok.🙂

  10. nice berl!goodluck!

  11. Ganda po ng tula niyo.. Makabuluhan at makatotohanan.. Kahit panaginip ay ok lang,, ito naman ang nag-udyok sa batang mangarap.. Goodluck po!

  12. wow! lalim! good luck po cuteberl!

  13. mula sa kamusmusan, isang panaginip ng masayang bukas kasama ng sinisinta. naks. panigurado talaga akong isa kang mangingibig. \m/

    goodluck sa entry cuteberl!

  14. ANg galing ng pagkagawa mo ng tula tsong. panalo!
    Nais kong makadaupang-palad ka sa saranggola blog awards ang husay mo.

  15. gud luck sir. thanks nga pala sa pagdaan sa site ko.🙂

  16. Pingback: My First SBA Experience | Nite Writer

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s