BIYAHENG BLOGGERO: IBALL PART 1

May nakita akong poste sa U-Blog tungkol sa isang IBALL sa EK ng mga iilang bloggero. Si ginoong SupladongOfficeBoy ang may pakana ng nasabing iball. Sinubukan kong magkomento at magtanong kung pwede sumama pero limitadong tao lang ang pwedeng sumama. Di na ako nangulit kasi hindi naman ko ugali ang ipagsiksikan ang sarili ko at sinabi din naman niya ang dahilan bakit pili lang ang kasama. Halos isang linggo nalang ata bago ang nasabing gala ng biglang nagposte uli ng komento si Ginoong SOB sa nasabing link na iyon ay tinatanong ako kung gusto ko daw sumama. Noong una nag-iisip ako kung sasama o hindi sapagkat siyempre aminado akong buo na ang kanilang pagsasamahan kahit sa mahiwagang mundo ng FB at blogosperyo sila nag-uusap at nagkukulitan at siyempre tinatansya ko ang perang gagamitin sa gala kahit na aminadong may darating na sahod. Naglakas loob ako at sinabing sasama ako kahit noong araw na iyon ay wala pa akong pera. At ayun tinanong ko kay Ginoong SOB kung pwedeng siya muna ang mag-abono sakin at ibibigay ko nalang ang pera pag nakita na kami ng Sabado. Umoo siya kaya ayun natuloy ako. Laking pasasalamat ko din kay Xander kasi siya talaga ang bumili ng tiket namin.

At dumating na nga ang Sabado, Maaga akong gumising kasi hindi pa nga akong nag-aayos ng gamit na dadalhin. Kaya ang ginawa ko ay nagdala ako ng konting damit at shorts na pampalit kasi hanggang Linggo daw ang nasabing iball. Malakas ang ulan at aminado akong nagdadalawang isip na sumama. Maaga akong dumating sa Buendia at naisipang kumain muna sa Jobee. Doon ko na din hinintay ang padating na si Ginoong SOB kasi limang minuto lang daw ay nandun na siya at ayun nakita ko na nga siya. Semi kalbo, maporma at mukhang mabait pero siyempre tinatantsa ko pa din, ayaw ko naman na mag”feeling close” kaagad. Medyo seryoso pero kahit papaano ay nakangiti siya noong pagdating niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nandun na daw sila Bino, Ate Mhel at Ate Leah sa terminal kaya pumunta na kami ni Ginoong SOB dun. Hindi kaagad namin sila nakita bagkos ang nakasalubong namin ay si Xander(maporma din, makulit, bungisngis at mukha ding mabait). Tapos ayun na nga, dumating na si Ate Leah (malambing siya, mabait at medyo nahihiya pa), Bino (hindi naman pala siya suplado, mabait at makulit. Siya yung tipong makakasundo ko. Yung hindi masyadong seryoso at marunong magbiro), si YOW(Joshua pala ang pangalan niya. Matangkad sobra nanliit nga ako, tahimik, mukhang mabait din at sobrang magalang) at si Ate Mhel (tahimik pala siya sa personal, mabait at siya yung tipo ng taong parang di magagalitin).

Kala ko wala ng hinihintay yun pala meron pa. Hinintay namin si Desole Boy (DB, pero Erik ang totoong name niya, medyo maangas ang dating niya at aaminin ko “Nosebleed din ang blog niya”, ngumingiti ngiti din at mukha namang mabait.) kasi natraffic sa LRT. At ilang minuto nga dumating na siya at ayun na nga buo na kami. Susunod nalang daw kasi si Jay Solemar sa EK. Tuloy ang maitim na balak kahit parang galit ang panahon sa gala namin at nakikisawsaw si bagyong Mina sa aming biyahe.

Unang biyahe namin ay sa mahiwagang mundo ng ENCHANTED KINGDOM. Marahil may hiwaga talaga ang lugar na ito sapagkat kahit ilang beses na akong nakapunta dito ay tila isang bata akong sabik sa mga rides nila. Aminado akong hindi alintana sa amin ang nagngingitngit na si bagyong Mina. Mabasa man ang sapatos at damit tuloy pa din ang ligaya.

Banggaang walang hanggan ang una naming napagtripan. Para kaming mga bata sa pagpihit ng mga kanya-kanyang manibela. Sumunod ay nakiduyan kami sa malaking barko ng EK, ang ANCHOR’S AWAY. Naaalala ko dati dito ako nagsuka pero ngayon hindi na medyo hilo na lang. Naawa ako kay ate Leah sapagkat para siyang hilong talilong matapos ang nasabing pagduyan ng barko. Hindi pa kami nakuntento at sumakay pa kami sa umaagos na kahoy “Jungle Log Jam ”. Makalaglag panga at baga. Hindi lang yan kasabay ng basa ng ulan ang tilamsik ng di ko mawari kung madumi o malinis na tubig ng ride na ito. Ang saya lang talaga…

Matapos noon ay pahinga at lamon muna ang aming inatupag. Oras din yun upang makapag-usap at makapagpapektyur kasama ang mga bloggero’t blaggera. Salamat sa KARATE KID kasi nabusog ako sa murang halaga. Medyo tumagal din an gaming pahinga at nang mahismasmasan na ang lahat tuloy ang ligaya.

Iniwan muna kami ni Ate Mhel at Ate Leah dahil sa isang mahalagang bagay. “ITS A GIRL THING” ika nga nila. Kaya kami muna nila DB, Bino, Carlo(SOB), Joshua(YOW) at Xander ang sumakay sa mga rides. Parating palang kasi si Jay ng mga oras na iyon. Wala pa ding tigil ang ulan at talaga namang parang tuwang tuwa si Bagyong Mina sa pagbabagsak ng malalaking patak ng ulan. Ang masama nito ay tuwing nakasakay kami ng mga rides na may bubong ay hihinto at pag natapos na ay bubuhos uli. Parang nakikipaglaro, parang nananadya.

Marami din kaming nasakyan na rides bago uli naming nakasama sila Ate Leah at Ate Mhel. Lumipad kami na nakaupo sa “Flying Fiesta”, nagpabasa at nagpasukob sa alon ng RIO GRANDE,  Sumakay sa pinatigas na kabayo ng “GRAND CAROUSEL”.

Matapos ang mga ito ay nakasama na uli namin silang dalawa at ngayon kasama na nila si Jay (isang napakasimpleng tao, tahimik at mabait). Buo na uli ang tropa at nadagdagan pa.

Una nilang sinakyan ang uod na paikot ikot di ko alam ang tawag doon. Di na ako sumama sapagkat medyo umiikot pa ang aking mundo sa mga rides na sinakyan namin at sinamahan ko nalang si ate Leah na mukhang hindi pa nakakarekober sa duyan ng ANCHORS AWAY.

Matapos noon ay bumili muna kami ng kapote kahit na basa na kami ng ulan. Parang tanga lang di ba? Huli na kasi bago namin maisip yun. Marami na din kasi kaming nasakyang rides at basang basa sa ulan bago ang nasabing pagbili ng kapote. At nakuha pa naming magpapektyur na nakasuot ang bago naming kapote. Tignan mo…

Kumpleto kami dito.. Ang saya di ba?

Nagpaikot ikot, pabalik balik kami hanggang sa matiyempuhan na naming bukas ang “RIALTO”. HAPPY FEET ang palabas. At syempre pektyur pektyur ang tropa. Kinapalan ko talaga ang mukha ko kay ate na nagbabantay sa RIALTO upang makuhaan kami ng kumpleto. At ito ang kuha. Nang-iingit lang.

Nakadalawang balik nga pala kami sa Jungle Log Jam pero ngayon kasama na si Jay. At sumakay kami sa makaiwang kaluluwa na “EKSTREME”. Maniniwala ka bang lumakas lang ang loob ko dahil sa taong ito. Sa edad niyang yan ng tinanong namin kung sasakay siya ang sabi niya ay parang ganito “Oo, magbabayad na nga ako eh. hehehe..”

yan si Nanay Shirley..

Mag-gagabi na ng maisipang bumili ng tsinelas ang mga kasamahan namin na nakasapatos pero bago yun ay sumakay muna kami sa CAROUSEL. Dahil na din sa nakasandals ako ay nagpaiwan nalang ako at sila Jay, SOB at di ko na maalala kung sino pa yung nakasama naming naiwan (kung meron man) at sumakay uli sa RIO GRANDE habang hinintay ang pagbabalik ng mga kasama namin na nagWALTERMART pa para bumili ng tsinelas. Sobrang mahal kasi ng tsinelas sa EK parang hari ang aapak dito sa kanyang presyo.

 Nakadalawang balik ata kami bago sila dumating. Noong una medyo basa lang ako kasi nakaligtas mabasa pero noong pangalawa ay hindi na ako pinayagan ng mga alon at ng bumabagsak na tubig. Ako ang biktima at si SOB.

Pagdating nila ay nagyaya si YOW na magSPACE SHUTTLE, nasiyahan kasi siya sa una nilang sakay kaya gusto pa nilang umulit. Kill joy ako pag dating sa ride na iyon di mo ako mapipilit kasi baka mamatay ako ng di oras. Kaya kesa mamatay ako ay nakinig nalang kami ni Bino sa kanta ng SIDE A. Oo di ka nagkakamali sa iyong nabasa SIDE A nga. At may nalaman ako, avid fan si BINO ng SIDE A. Itama mo ako bino kung mali ako? Di ba? Di ba? Avid fan ka nila?.

Malalim na din ang gabi kaya ang iba ay nagdesisyon ng magbihis pero kami ay hindi pa kasi pag-uusapan pa namin kung san kami tutuloy kaya nagpaiwan nalang kami sa tent. At itong si Bagyong Mina mukhang namiss kami kaya ayun nagpaulan na naman ng malakas. Tagaytay ang sunod na biyahe. Malapit ng magwakas ang mahika ng EK pero may hinihintay pa kaming mangyari at ito ay ang FIREWORKs DISPLAY. Ang ganda ng mga ilaw na lumilipad sa langit. Sumasabay ito sa saliw ng tugtog. Nakikiindak sa sayaw ng hanging binubuga ni Bagyong Mina. Sobrang saya talaga. Sobrang nakakawala ng pagod. Sobrang ganda ng mga nangyari at di pa tapos ang nasabing biyahe sapagkat bukas ay TAGAYTAY naman ang aming bubulabugin.

At ayun natapos na ang isang maulan, makulit, mamasa masa, malaglag panga at kaluluwa, nakakahilo, nakakapanlamig at higit sa lahat nakakapagod na gala sa mahiwagang mundo ng EK.

Sobrang haba na ng posteng ito kaya hanggang ditto nalang muna. Salamat sa mga bago kong kaibigan. Salamat sa isang maganda at masayang bonding. Abangan ninyo ang pangalawang poste.

ITUTULOY… HAHAHAHAHA….

Pahabol ang pektyur ko kasama ang mga iball blogger friends:

AKO AT SI SOB

AKO AT SI YOW

AKO AT SI DB

AKO AT SI XANDER

AKO AT SI BINO

AKO AT SI JAY

AKO AT SI MHEL

AKO AT SI LEAH

May nakuhaan kaming magandang gawan ng istorya… Kaw ano masasabi mo dito?

Katuwaan lang po ha… Wag maging suplado SOB at ate Mhel….

15 responses to “BIYAHENG BLOGGERO: IBALL PART 1

  1. ang haba heheh detalyado hehehe…slamat at nakilala at nakasma kita cuteberl….sana maulit pa…

    sa pic sa baba parang may pagnanasa si sob kay ate mel na pinagtatarayan namn siya nito…LOl

    oh di naman kaya

    sinisigurado ni sob kung kuto nga ba yung nasa ulo ni ate mel or nunal?juk!LOL

    • mahaba ba kaya nga ngayon ko lang natapos jay eh… tulad ng sinabi ko sa bawat poste niyo. masaya ako kasi may mga bago akong kaibigan… salamat…

      pwede.. pwedeng pwede ang ideya mo… hayaan mo ilalagay ko sa mga option ng magiging title ng pic na ito

  2. SOB had a (almost similar) post about this. Kaka-inggit nga. LOL.

    Talagang story-telling. Very detailed.
    🙂 Sana naman one of these days ay makasama ako sa mga ganitong events.

  3. ayy astig si Nanay Shirley blogger din? haha joke.. Nanay Shirley kung saan ka man ngayon matuwa ka kasi na feature ka sa blog ni Cuteberl.. Ang saya. Nakangiti ako habang binabasa ito at binalikan ang alaala na tayoy magkakasama. Ang saya talaga. Walang katulad ito. Promise… Sana ulitin natin ito at tayo parin ang magkakasama kung madagdagan man tayo mas masaya.

  4. Hahaha! Saya naman!😀 Never been to Ek kahit nagtrabaho ako sa Sta Rosa ng 4 years LOL

  5. ang cute ng last pic…. parang teaser poster lang ang dating😀

  6. naks talaga ng may mga picture bawat blogger with you! kitam sabi ko sa yo di ako suplado hahahaha. may pagkashy din ako di lang halata. nice meeting you! next time uli😀

  7. Ay.. It’s a girl thing.. Ano yun? nyahahaha!! Lokong carlo, akala ko sinekreto yun, sinabi pala? Lols..

    Ang saya ng EB! Ulitin naten!! And sana this time, hindi na umulan. hihi..😀

  8. gud eve cuteberl.. ganda din itong mga pictures mo..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s