STANDARD o SPECIAL?

File:Nokia evolucion tamaño.jpg

Banana type… Sabon… at Pamato…

Familiar ba sayo ang mga tawag na iyan? Mga tawag na nakilala sa mga nakalipas na panahon. Mga katawagan sa mga luma at unang seleponong(Cellphone) lumabas sa ating bansa.

Anu nga ba ang unang selepono mong gamit? Paano ito nakatulong sayo at anu ang gamit nito sa buhay mo?

Naaalala ko pa noon, “Banana type” na selepono ang unang gamit ng aming pamilya. Ito yung malaking seleponong ang tanging gamit lang ay pantawag at di pa uso noon ang pagpapadala ng mensahe. Tatlo ata ang ganoong namin sa bahay. Nokia 999 ata yun. Di ko na talaga matandaan. Matagal na kasi iyon. Balik nalang tayo sa kwento ko.

Pangalawang selepono ko ay ang Pamato. Ewan ko kung ako lang ang nagpangalan sa seleponong ito pero alam ko yun talaga ang usong tawag sa kanya sa panahong iyon. Sa tibay ba naman kasi niya na halos basag na ang tagiliran ng “battery” nito ay gumagana pa din. Sa itsura pa niya ay tila isang pamato sa larong tantsing. Ang tinutukoy ko ay ang NOKIA 5110. Ito pinakaunang seleponong pwede nang magpadala ng mensahe at pantawag pa. Ito din ang unang seleponong nalalagyan na ng “LOAD”. May antenna pa pala ang seleponong ito. Ewan ko ba bakit nilagyan nila ng ganun pero sabi nila pampalakas daw ng signal.

Pangatlo ang Sabon, NOKIA 3210 laban sa ALCATEL.  Ang dalawang selepono na iyan ang unang itsurang sabon na lumabas sa pamilihang bayan ng ating bansa. Ito marahil ang simula ng pinaliit at pinagandang itsura ng selepono sa bansa. Hindi ko nagamit ang seleponong ito kasi si ate ang binili ni Papa nito. Mas sumikat noon ang NOKIA at nawala sa ere ang ALCATEL sa di ko alam na dahilan. Pero katulad ng 5110 ay may nagustuhan ako sa 3210. Ang parehas na NOKIAng ito ay may tunog na kilala sa tawag na“STANDARD at SPECIAL”.  Ikaw anu ang gamit mo?  Alam mo ba ang tinutukoy ko?.

Ako kasi mas tinangkilik ko ang paggamit ng “SPECIAL” kahit na ingay na ingay sila Mama noon sa tunog niya. Tapos itotodo ko pa sa LEVEL 5 yung lakas niya yung tipong rinig buong baranggay ang tunog at nagmamayabang na may kilala akong selepono. Ganun ako tuwang tuwa sa mga dating selepono.

Sa ngayon madami na ang lumabas. May mga kamera na. May mga koneksyon sa WIFI at marami pang iba pero di pa din nitong kayang tumbasan ang saya at ala-ala ng mga sinaunang seleponong talagang tinangkilik ng bansa at ng masang Pilipino. Mga antigong selepong nagpakilala at nagpakinang sa NOKIA noon hanggang sa ngayon.

Kung tatanungin mo ako kung sakaling gagamitin ko pa ang mga ito sa ngayon kung meron pa sila sa mga tindahan, buong pagmamalaki kong sasabihin na OO. Sino ba naman ang hindi gagamit sa mga matitibay na seleponong unang naimbento ng NOKIA.

“Tinintintin tininin…. tinintintin tininin…”

O siya hanggang dito nalang magtext pa sa selepono ko. Basta lagi mong tatandaan. Luma man ang selepono mo o bago ang mahalaga nagagamit mo ito at napapakinabangan mo ng husto. At higit sa lahat dapat NOKIA ang gamit mo kasi mula noon hanggang ngayon hindi ka nila bibiguin sa tagline nilang ”CONNECTING PEOPLE”.

—————————————————————————————————

ang lahok na ito ay upang sumali at sumuporta sa Nokia Essay Writing Contest ng PEBA 2011. 

39 responses to “STANDARD o SPECIAL?

  1. ayus ah … namiss kong maglaro ng snake gamit ang N5110 ..heheh

  2. Aw. Naalala ko.. Yung pinakauna ko yatang cellphone eh yung Nokia5110. Sumunod yung Nokia3210. Paborito kong cellphone yun.. matibay. Ilang beses na atang nahulog, pero oks pa rin. Yun nga lang.. ninakaw. haaaayy..

    Ayos ang mga cellphone noon.. wala masyadong arte. TALK and TEXT lang tlaga.. Very basic. Ngayon, dami na.. internet, wifi, gps, etc.. Nagbago na rin sa pagbabago ng panahon.

  3. hahaha meron ako lahat nyan dati pwera lang sa alcatel hehehe! at pinapalitan pa yung logo ng signal! astig!

    • salamat sa pagdalaw. mukhang di ka nakalink sa blog ko h… hehehe. nagustuhan mo ba? isa kasi ang alcatel sa una kong cp.. pati banana type meron ka din… yung pwedeng pampukpok…

  4. hi, cuteberl.

    ang una naming selepono ay ‘yong malaki, sinlaki halos ng lumang landline, yong itim na may tote bag pa? binibitbit sa balikat na akala mo ay camera sa shooting, ahaha… sikat noon ang bahay na may gano’n.🙂 gamit ‘yon ng buong pamilya at pantawag at pantanggap tawag lang ang gamit nya.

    ang una kong personal na selepono ay ang NOKIA 3210, haha. sabay pa kami ng kapatid kong bumili noon. nang panahong iyon ay may 8210 na sa high-end ng cellphones. pero dahil bumibyahe lang kami sa pagpasok, wika nami’y mas maigi na ang phone na nagagamit na sa pagtawag at text pero di masyadong sasama ang loob mo, sakaling manakaw, haha. matibay ‘to. nasira lang ito noong mag-ondoy. di ko na ipina-revive, hehe.

    matagal bago ako nakumbinsing mag-cellphone ng personal, eh. napilitan na lang ako noong napansin kong sa parties at functions na pinupuntahan ko ay ako na lang ang wala. yon ang kwento…

    mas matibay nga ang mga gawa ng CP noon at dii nakakaturete ang dami ng features, ahaha.🙂

    • maraming salamat sa blog mo este komento pala.. mukhang napasarap sa kwento… ako din matagal bago nakumbinsing bumili ng bago… si ondoy talaga ang daming kasalanan satin ahahaha.. si ate lang ang 3210 ang gamit ako 5110 pero i really enjoy it kasi pag may ganun ka dating cp ay sikat ka…. dalaw ka lagi ha…. slamat ng madami…

  5. aughh, those were the days, namiss ko tuloy ung 3210 ko nung hayskul na nanakaw,😛

  6. ‘yung huling nokia phone ko eh ‘yung supernova 7610 series. tapos pagbaba ko ng bus, wala na pala sa bulsa ko. tae lang.

  7. 3210,3310 at ang ever reliable kong 6630. na saturate na halos ng nokia ang phone market pero nagbago na rin ang playing field nung naglabasan ang mga china phones at humabol ang mga brand names pagdating sa mga features na kailangan sa pasosyal na pasosyal na life style ng tao.

    still, nokia ang household name para sa cellphone. so next time na bibili ka ng phone, mapapatawad ka ng tindera kapag sinabi mong, pagbilan nga po ng NOKIA, yung I-pod!

  8. Natuwa naman ako sa pagdaan ko dito🙂 Ako din, 5110 ang unang una kong naging cellphone, sunod ang 3210 at ang isa pang sabon na 3310😀

    Tuwang tuwa pa akong magtype na capitalized lahat. At ang 300 na load ay nauubos lang sa pagpapalit ng logo sa loob ng dalawang araw🙂

    Napadaan lang po🙂

    • mmc masayang balikan ang nakaraan di ba lalo na pag ito ay magagandang ala-ala… salamat sa pagdaan. bukas lagi ang aking lungga upang papasaukin ka… salamat…

      • Korek🙂 Sa totoo’y medyo mas gusto kong gamitin minsan ang mga ganung uri ng telepono. Matagal pa malobat😀

        Maraming salamat sa pgpapatuloy dito. Nawa’y makadaan ka din sa aking tahanan paminsan ^^

      • oo nga dati ang tagal bago malowbat.cge cge exchange link nalang tayo,,, Para kahit papaano may connection. wag ka sanang magsasawang bumisita sa blog ko. Pwede mo din akong iadd sa FB mo search mo lang name ko. at sa twitter @iamcuteberl. Dumadalaw ako sa blog mo hayaan mo magiiwan na ako ng komento sa susunod. muli maraming salamat…

  9. uo nga. may malaki pa ata dyan? nalala ko merong parang sapatos dati eh. hahaha.pero parang ang trend is mula malaki–tas paliitan tas ngyn lumalaki uli.slim nga lang, di bulky gaya ng dati.😀

  10. naalala ko yung unang cellphone ko, 5110. first year high school ako nun. talaga namang todo tipid ako nun kapag lunch time para makabili ng load. hahaha

    • oo nga mahal pa kasi ang load noon at walang mga freetext kung hindi card ang gamit mo. wala ding mga promo at plan.. hehehe salamat sa palaging pagbisita sa aking lungga.

  11. Maraming salamat. Nasa links ko na po kayo at finafollow ko na kayo sa twitter🙂

    Magandang araw! ^^

  12. nakakamiss nga ung naunang selepono…ung pamato kung 321O
    lab na lan ko yun hehehe
    pangkalang sya kung tawagin.

    asan na kaya ag first selepono ko matapos ko syang ibenta.ibeneta din kaya sya?hehehe

    at nakakamiss maglaro ng snake

    • salamat jay.. naibenta mo din ba? dalawa lang babagsakan noon. basurahan o junk shop. biro lang… ako nga din sa lahat ng nanakaw at naholdap kong cp, cnu na kaya ang bago nilang amo… namis mo ba ang maglaro ng snake? hehehe… buhay o cyber na snake?

  13. Tinatry ko naman ibalance ang time pero yung time ang walang balance sa’kin. charot🙂 hehe.

    Magandang araw!

  14. daming klase nga…special talaga ang sound

  15. 🙂 tanong q lng guyz bakit tayo ng hhello sa telephone o sa cellphone bakit un ung usually ginagamit ntin work hehe tnx.

  16. Hello there! I know this is kkinda ooff topic but I’d figured I’d
    ask. Would you be interested in exchanging links or
    maaybe guest writing a blog articlee or vice-versa?

    My website addresses a lot of the same subjects as yours and I believe we could greatly benefit from each other.
    If you’re interested feel free to send me an email.
    I look forward to hearing from you! Fantastic blo by the way!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s