TAKBO NG BUHAY KO

“ Gaano ka ba kabilis tumakbo? Gaano kalayo pa ang kayang marating ng paa mo? “ Isang tanong ng aking kabataan na hanggang ngayon ay naaalala ko pa. Tanong na kung titignan mo maraming pwedeng maging sagot.

Bata pa ako noon ng magsimulang maisipan ni Papang lumawas ng ibang bansa upang kumita ng pera. Marami kasi siyang pangarap para sa amin. Maliliit palang kami ay iniisip na niya ang kinabukasan namin. Unang alis niya noon ay papuntang Guam.  Mas malaki ang kita niya doon kesa dito. Mas maganda din ang buhay namin noong nandun pa siya. Noon kasi pagdating niya galing abroad ay may dala dala siyang tsokolate at pabango. Syempre di mawawala ang mga damit at pabango sa balikbayan box na dala niya. Marami ding mga kamag-anak na dumadating at sumasalubong sa kanya. Parang fiesta lagi noon sa bahay.

Si Papa nga pala ay isang atletang tulad ko. Sa kanya ata namin namana ang hilig namin sa isports. Kung di mo itatanong pamilya kami ng mahilig sa isports. Si Mama, ate at ako nakahiligan namin ang larong  balibol. Pero mas hilig ko talaga ang tumakbo sa dahilang malaya kong napupuntahan ang mga lugar sa pamamagitan lang nang aking mga paa. Pero ngayon di na ako nakakatakbo kasi hinihingal ako kaagad.

Mula bata hanggang maghayskul na ako hindi ko nakasama at nakabonding  si Papa. Lagi kasi siyang nasa ibang bansa, nagpapakapagod at nagpapaalila sa mga banyagang lahi. Hindi ko naman siya masisisi kasi alam ko para din sa amin ang ginagawa niya. Nasanay na din kasi akong wala si Papa. “Mama’s Boy” daw kasi ako sabi nila ate.

Ganun umiikot ang buhay namin. Dadating si Papa dala ang sangkatutak ng pasalubong. Pupunta ang mga kamag-anak. Magiging fiesta uli ang bahay. Magtatagal lang ng isang buwan at babalik na naman at iiwan na naman kami pero nagbago ang lahat ng iyon. Nagsimulang manahimik ang mundo namin.

Naalala ko pa ang lahat. Nobyembre noon ng dumating si Papa galing Brunei. Ang araw na iyon ang isa sa pinakamasayang araw sa aming pamilya. Halos lahat ng gusto namin pinabili ni Papa. Pinapili kami ng mga bagay na gusto namin. Halos lahat bago sa amin pagdating ni Papa. Bago ang “CP” ko, bago ang damit at pants, bumili rin kami ng bagong TV, REF at ang pinaka di ko makakalimutang bagay sa aming bahay “ANG WASHING MACHINE” na binili ni Papa para kay Mama para di na mapagod sa paglalaba ng aming mga damit. Ito rin kasi ang pinaka huling gamit sa bahay na nahawakan at nagamit ni Papa.

Matapos ang masayang araw na iyon, dinala si Papa sa hospital. Halos tatlong araw din ang tinagal namin doon. Aminado akong di ko noon kayang makita si Papa na may nakasalpak na tubo sa bibig at ilong niya. Masakit pala ang ganoong eksena pero mas masakit pala ang magdesisyon na wakasan ang lahat. Ginapo ako ng sarili kong desisyon ng araw na iyon. Para akong nilamon ng malalim na balon na di ko alam kung mabubuhay pa ako. Sobrang sakit makitang unti unti nagkukulay talong ang pinamamahal kong AMA.

Ang dating fiestang bahay namin ay napuno ng lungkot at hinagpis. Ang dating masayang pamilya ay nabawasan at ngayon ay kinakaharap ang isa sa pinakamahirap na hapon ng aming buhay. Ang daming nakiramay, ang daming nakisimpatiya. Lahat sila ay may kanya kanyang pangako. Naaalala ko ang bawat pangako nila. Tutulong dito. Tutulong doon. Pero lahat ng iyon ay isang pangakong napako sa hangin. Aaminin ko. Mas nasaktan ako. Aaminin kong umasa din ako kahit papaano. Alam ko kasing mahihirapan noon si Mama na paaralin ako sa kolehiyo. Pero naigapang ako ni Mama. Nakapagtapos din ako ng kolehiyo.

Kung dati ramdam kong parte kami sa sirkulasyon ng angkan nila Papa ngayon parang hindi na. Buong tapang kong sasabihing pinamuka nila sa amin na mahirap na kami. Yung tipong akala nila uutang kami ng daang libo. Oo aaminin ko na minsan naisip namin na manghiram sa kanila upang maigapang ang kolehiyo ko pero hindi namin itinuloy kasi nahihiya kami. Hindi ko nilalahat kasi alam ko may mga tumulong talaga sa amin. At laking pasasalamat ko din sa kanila. Hindi din kami pumupunta sa reunion kasi hindi din naman kami imbitado o di kaya imbitado nga huli na ang lahat. Naaalala ko pa ang sabi sa akin nitong umuwi kaming lahat sa probinsiya. Yung tipong ang dating ay hindi kami dumadalaw sa kanila kasi mas gusto daw namin sa mga kamaganak ni Mama. Napangiti nalang ako noong araw na iyon at sinabi ko sa aking sarili “Oo MABBORANG ako hindi LIMBAUAN kelan ko ba naramdaman na kabilang kami”. Hindi ko isinisisi ang lahat sa kanila kasi alam ko buhay namin ito pero nahihiya ako sa Papa ko dahil sa kanila. Sa harap pa kasi ng puntod ni Papa sila nangako. Sana di nalang sila nangako para kahit papaano hindi ako umaasa. At hindi ako nagkaroon na galit sa kanila.

Siyam na taon na ang lumipas. Pero heto padin ako. Dala dala ang lahat ng ala-ala ni Papa. Siguro dahil sa sobrang daming nangyari at nagbago sa buhay namin di ko kayang makita ang aking Mama na nahihirapan dahil sa amin at mas masakit ay maramdaman na di man lang ako makatulong sa kanya. Marahil din ay dahil aminado akong di ko pa din tanggap ang lahat. Sobrang miss ko na din talaga ang magkaroon ng amang gagabay at magtuturo sa akin ng lahat. Hindi ko man lang kasi siya nakabonding at nakakwentuhan. Marami pa naman sana akong ikwekwento sa kanya.

Malayo pa ang tatakbuhin ng buhay ko. Mahaba ang mararating ng mga paa ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito pero ang alam ko. Hindi kayang sukatin kung gaano kalayo ang mararating ko pero naniniwala akong dadating ang panahon na magbabago ang lahat. Makakaahon din kami. At naniniwalang darating ang araw na kaya na naming humarap sa kanila. Hindi na kami mahihiya. Hindi na kalianman kayang maliitin nila.

Ang dami kong natutunan sa pagkawala ni PAPA. At ang lahat ng ito ang naging dahilan kung bakit ako lalong nabuo. Mas tumibay. Mas tumapang. At higit sa lahat mas lalong kumapit sa pagmamahal ng aking pamilya at ng Poong Maykapal.

Ako nga pala si Berlim, at ito ang takbo ng buhay ko….

=======================================================

Ang posteng ito ay upang sumuporta sa PEBA 2011. Sana ay maging inspirasyon sa mga babasa at maghatid ng pagbabago sa iba… Salamat PEBA sa mga ganitong patimpalak…

18 responses to “TAKBO NG BUHAY KO

  1. makabagbag damdaming post ng…

    goodluck sa entry mong ito sir cuteberl…

    • makabagbag damdamin ba jay? marahil ang katotohan ay masakit pero pag napaglampasan mo ay magagamit mo para maging isang buong tao. salamat sa pagdalaw kaibigan… kasali ka din ba sa patimpalak?

  2. napakalalim pinsan…..

    isang magandang post…..

    goodluck….
    🙂

    • kasali ka pala insan. nakakahiya naman di ko nadadalaw ang poste mo dahil ngayon lang kita nailink kaya pala sabi ko bakit wala akong update sa poste mo… goodluck satin….

  3. nice post, pang winner yung kwento.. tagos sa puso🙂 good luck bro!

    • thanks bro. pangpanalo ba? bonus nalang siguro yun. ang mahalaga sakin ay nailathala ko ang tunay kong saloobin na tinatago ko noon. maraming salamat sa pagdalaw. kamusta naman kayo ni wordpress girl? hehehe. issue…

  4. Tuloy tuloy lamang ang buhay. Kapain mo ang kaligayahang dulot ng pait ng pagkawala. Damhin mong minsa’y pinatatag at pinasusulong ka ng alaalang iyan para makatakbo ka pa, hanggang doon..doon.
    🙂

  5. ang hirap saka nakakalungkot na kailangan ng karamihan sa atin na pagdaanan ang ganitong mga sitwasyon. pero ang mahalaga, nakuha mo naman yung aral,sir.

    talaga yatang apoy ang kailangan para padalisayin ang ginto, ika nga sa kasabihan.

    • tama ka duking. at yung gintong tinutukoy mo ay magniningning sa tamang panahon. hinuhulma at binubuo. salamat sa patuloy na pagtangkilik sa aking bahay. nosebleed ako sa huling poste mo….

  6. natouch ako sa istorya bro…

    sana magkaron din ng puwang sa puso mo para patawarin ang mga kamaganak ng papa mo. Mas gusto niya yun.

    hawakan mo ang iyong pangarap.matutupad din yan….

    matutupad din natin ang lahat ng pangarap ntin para sa ating pamilya ..

    • hehehe salamat at natouch ka sa buhay ko. matagal ko na silang napatawad jhay at alam ko na gusto din ni papa na maging close din ako sa kanila. oo naman naniniwala naman ako dun na kaya kong matupad lahat ng pangarap ko kasi alam kong tutulungan ako ng pamilya at mga kaibigan ko at higit sa lahat ang DIYOS ko.

  7. Sometimes talaga mas mabuti nang hindi na lang magsabi at gawin na lang kesa naman mangako na napapako lang.

    Iba-iba talaga ng mga pamilya minsan at mahirap makalimutan ang pait. Pero sana you feel better about this now kasi you need to free yourself from all the pain and make sure na gawin mong fuel ung badtrip mo sa mga ganung tao para mapasaya mo ang sarili mo.

  8. ramdam ko mawalan ng isang ama , kaya nakakarelate ako sa blogs nyo. salamat po. Ganyan talaga yung life go lang ng go. In every trials matapos maresolve ung isa expect na na meron na namang dumating pero huwag mabahala bastat alam nating andyan si God as navigator. Congrats kuya!

  9. nice reading ur entry🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s