LUHA “SIGAW NG PUSO”

Bumuhos ang malakas na patak ng ulan
At ikaw ay isang basang sisiw na walang masilungan
Wala man lang nagkukusang tulungan ka
Wala man lang matapang na bigyan ka ng awa.

Hinahayaan ka ng mundong ito
Hinahayaang maglakad lakad ng di alam kung san papatungo
Hindi mo iniinda ang mainit na araw at malakas na ulan
Siguro’y dahil alam mong wala silang pakialam

Ramdam ko ang sumisigaw mong puso
Ramdam kong sinasabi nito “TULUNGAN NIYO AKO”
Ngunit tila yata naging madamot ang mga tao sa mundo
Tila naging bulag ang mga ito sa tunay mong estado.

Wala naman akong magawa upang tulungan ka
Sapagkat tulad mo isa din akong dukha.
Pulubi din ako at walang makain.
Umaasa din sa mga taong maaawa sa akin.

—————————————————————————————————-

Ang posteng ito ay upang makigulo sa pakulo ni IYAH

ANG KUHA AY MULA SA LINK NAITO:  www.flickr.com/photos/pixelburn/2855042106/

12 responses to “LUHA “SIGAW NG PUSO”

  1. Salamat po sa pakikilahok…nkakaantig ng puso ang iyong tula..tunay ngang paraming taong naghihirap…wala man lang pumapansin sa kanila…haaay

  2. ikinalulugod ko po ang pagsali sa iyong patimpalak…

  3. astig na tula, para sa isang pulubi. hehe. ^_^

  4. nice one… goodluck sa contest..

  5. ganun ang buhay..hindi pare pareho..ayos din itong entry mo na ito..

  6. Wow. Ang matyur ng post mo Utoy. Like.

    Hinugot sa iyong pagmamasid sa ating lipunan. Ayos na ayos

  7. handa akong magpaligo ng mga pulubing kagaya ng nasa larawan, 24 years old to 32. hahaha!

    congrats, tol berl. sa pagsali at sa isang straight forward na tulang tumatalakay sa mga pulubing gaya nila at gaya natin.

    paputol naman ng tinapay kapag meron ka, ha?

    • maraming salamat ginoong duking sa pagdalaw. kamusta naman ang babae sa tagaytay? hehehe…

      natawa ako dun sa magpapaligo ka ng kagaya ng nasa pic. nakita mo lang na maganda eh papaliguan mo na. wag ganun…

      cge share ko pag meron… papadamihin daw ni GOD ang tinapay na meron ako…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s