WALANG KATULAD ANG GRASYA MULA SA IYO… PANALO(Unang Araw)

Paano ko ba isasalaysay ang nag-aalab kong karanasan sa kakatapos palang na MMC. Di ko mawari ang mga salitang aking ibabato sa posteng ito. Tulad ng iba, ito ang aking unang MMC bilang SFC. Marami na din akong napuntahang mga conference magmula pa noong YFC ako pero siguro ito yung isa sa pinakamahalaga at pinaka masayang dinaluhan ko. Marahil sa MMC na ito dito kailangan kong muling buuin ang nasirang landas ko patungo sa landas ng pagkilala ko sa Diyos ko.Tatlong araw na tila kulang pa kung tutuusin. Nabitin ako sa totoo lang ngunit ayos na din yun sapagkat alam ko na may darating pa.

Bago pala ako pumunta sa Victory Liner ay kailangan kong ayusin ang aking mga gamit na dadalhin. Tulad ng dati marahil ito ang unang pinakamahirap mong katunggali. Hirap pumili ng damit na dadalhin at susuutin. Ang hirap pagkasiyahin ang damit sa iisang bag lang. Mahirap magbuhat ng bag na puno nang damit. Pero wala akong magagawa kailangan ko itong gawin.

Dumating ako sa lugar ng pagkikitaan ng lahat kala ko wala pa sila buti nalang di lang ako ang nauna.

Dahil sa kailangan pa naming hintayin yung iba, ayun kuha ng litrato ang inatupag ko… kuha dito.. kuha doon nalang ang inatupag ko. Buti nalang at pinahiram ako ng kaibigan ko ng magandang camera na magagamit ko.

Bago umalis ay may nakuhaan kamI. Kasama pala namin si kuya Willie sa oras ng aming pagalis. Tignan mo.

At dumating na nga ang oras na kailangan na naming sumakay ng bus at umalis. Medyo may kabagalan ang takbo ni manong drayber at tila parang may prosisyon sa aming harapan. Kaya ayun picture picture nalang ang inatupag namin. Dahil ang SFC ay ayaw sa kamera at ayaw magpost. Eto ang mga kuha.

Tapos may humihirit pa ng solo picture….

Yan ang pruweba na ayaw nila sa kamera at ayaw nila magpakuha.

Balik tayo sa bus na mabagal.Di lang siya mabagal sa kasamaang palad ay mahina ang aircon ng bus na sinakyan namin. Tapos nagawa pang magstop over. Dahil masakit na din puwet namin sa mahabang biyahe ay napilitan na din kaming bumaba. Ayon tulad ng nakagawian. Picture picture uli at di na ako nagpapigil at nagpakuha na din ako.

ang laswa di ba ni bro ver noh… hahaha… tapos tignan mo si sis edna nagutom ata sa biyahe kaya ayan ang takaw.

Tapos ang mga sis na ito todo ang anggulo para makuha sa kamera.

Dapat mga halos tatlo o apat na oras lang ang biyahe papuntang Dagupan pero inabot kami ng anim na oras. Doble sa dapat na oras na aming pagdating. Sa sobrang tagal ay group pics naman ang ginawa namin.

Dumating kami sa hotel na tutuluyan namin ng mga bandang alas otso na nang gabi. Sinalubong kami ng isang banner na ito. Dito palang ramdam mo na ang pagsalubong. 

Kailangan na naming makahabol sa unang araw ng pagtitipon kaya iniwan lang namin ang aming gamit at dumiretso na sa lugar ng pagtitipon. Ayun di ako nagkamali at nagsimula na nga. Tapos na ang Misa at Worship. Rock the Dock Party na. STRONGHOLD ang tema ngayon.

Naabutan na namin ang pagpapakita ng iba’t ibang festival sa Pangasinan at Dagupan at nagpaulan ng pagkain sa nasabing araw. Iba ibang kakanin ang binagsak ng Diyos para kami ay busugin at pasayahin. Puto Calasiao, pinatuyong mangga(dried mangoes) at marami pang iba.

Binago din ng MMC na ito ang nakagawiang pagkain. JAM SWEET JAM ang kinuha nila ngayon. Pahinga muna daw kay JOLLIBEE.

Ayos din ang pagkain medyo matigas nga lang ang kanin dahil siguro sa lamig ng venue ng MMC. Tignan mo si Dai hirap kagatin yung rice.

Di ko mawari kung sweet and spicy chicken ba yun o fish. Tignan mo ito yung tinutukoy ko.

Natapos ang unang araw sa worship. Aminado akong nabitin ako sa unang araw pero umuwi kami sa aming tinutuluyan na puno ng kasiyahan at nananabik sa susunod na araw na mangyayari sa MMC.

at syempre bago umuwi sa tinutuluyang hotel ay picture picture uli. 

Hanggang dito nalang ang unang araw ko sa MMC…. Bitin ba? Ako din nabitin eh…

 

2 responses to “WALANG KATULAD ANG GRASYA MULA SA IYO… PANALO(Unang Araw)

  1. Mahusay ang pagkakagawa at pagsalaysay mo sa mga pangyayari sa unang araw ng MMC kapatid. Ako ay natutuwa dahil nagkasama tayo doon. Pangalawang araw naman…

    • kasalukuyang niluluto na ang poste para sa ikalawang araw ng MMC. Ako din ay naguumapaw ang aking galak sapagkat nakasama ko kayo sa araw na iyon. Pakihintay nalang ang poste. Salamat sa iyong pagdalaw sa aking lungga at asahan mo sa mga darating na araw ay mailalagay ko na ito….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s