LETTER TO MY GOD

JUNE 26, 2011

Dear God,

Dalawampu’t tatlong taon na pala simula ng ako’y iyong nilikha sa iyong wangis at anyo. Dalawampu’t tatlong taon na pala akong nabubuhay sa mundong ginawa mo para sa aming mga tao. Dalawampu’t tatlong taon na nga pala ako.

Sumulat pala ako sayo para sabihin at wakasan na ang dinadala ko sa aking dibdib. Sumulat ako upang makipag-usap sayo. Halos maglilimang taon na din pala mula ng una kitang makilala. Nakisabay ako sa mga taong nilaan mo upang ako ay tuluyang magbago. Naalala ko pa ang araw na iyon. Tatlong araw na nakinig sa iyong mga salita. “YOUTH CAMP” ang tawag nila dito. Dito ko unang narinig ang tawag mo, dito ko unang nasaksihan ang sinabing pagmamahal mo sa aming mga tao. Ang araw na iyon ay tila isang panaginip na ayaw ko nang magising pa. Ang araw na iyon ay sobra saking mahalaga.

Madami ang nangyari pagkatapos noon. Naging aktibo ako at naramdaman ko talaga ang pagbabago. Dalawang taon din akong naglingkod sayo ngunit sadyang malakas ang pwersa na dati mong butihing anghel na si Santanas, ako’y nahila niya at bumalik sa dating ako na makasalanan. Patawad God kasi sa pagkakataong iyon nagpalinlang ako. Paulit ulit kong ginagawa ang mali na akala ko noon ay tama. Para akong baboy na masayang naglalaro sa putik ng lansangan. God sorry talaga.

Nagseserve pa din ako sayo noon kahit na may mga mali akong bagay na ginagawa ng patago. Pero magaling ka talaga kasi pinakilala mo sa akin ang isang bagong kaibigan na tutulong sa akin upang magbago uli. Mr. Right nalang ang pangalan niyang ipapakilala ko sayo. Alam ko naman kasing kilala mo siya at inilaan mo rin siya para sa akin. Si Mr. Right ay isang kasama ko sa tinutuluyan kong bahay noong nag-aaral pa ako. Isa siya sa mga tinuturing kong kapatid. Ipinakilala niya ako sa isang komunidad na ibang iba. Laking Katoliko ko at sobrang marami ang pagkakaiba ng komunidad na ito sa nakagawian ko. Dito ko din nalaman na hindi ako masasave sa relihiyon ko bagkos dahil tinanggap kita bilang Diyos na tagapaglitas ko. Binago ng komunidad na ito ang ibang paniniwala ko. God sa totoo lang noong una akong dumating doon sabi ko ito na ang nilaan mo para sa akin pero isang taon lang ang tinagal ko doon at tuluyang iniwan ang komunidad na iyon. Masakit. Nakakalungkot pero aminado ako na ako ang may mali. Tama ba ako GOD?

God bakit ganun? Habang naglalakad ako patungo sa landas na patungo sayo, feeling ko mas lumalayo ako sayo. God miss ko na ang bawat bulong mo sa tuwing pipikit ako at luluhod sa harap ng altar. Miss ko na yung dating ako. God di ko alam bakit ako nagkaganito? Di ko alam bakit ang gulo gulo ng buhay ko ngayon? Di ko alam kung parusa mo ba sa akin ito o paraan lang ito ni SATAN para ilayo ako sayo? God nahihirapan na ako. Di ko alam kung ano talaga ang plano mo sa buhay ko. Di ko alam kung para saan ang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon?

GOD talk to me again please. Kailangan ko uling marinig ang tinig mo. Kailangan ko uling maramdaman ang pagmamahal mo. Gusto ko ng tuluyan magbago. Gusto ko nang tuluyan wakasan ang lahat ng pighati ng puso ko. Gusto kong magserve sayo ng walang dinadalang mali. Gusto magserve sayo ng parang isang sanggol na inosente sa makasalanang mundo ito. Gusto kong tulungan ang iba na magbago pero di ko magagawa ito kung hindi ko isusuko ang buong buhay ko sayo. Di ko magagawa ito kung hindi ko bibitawan ang mga maling nakaraan ko. God please talk to me again please. Talk to me please.

Sana bago ako sumapit sa ika-dalawampu’t apat na taon ko maramdaman uli kita. Maramdaman ko uli ang saya simula nang una kitang makilala. God kayo na po ang bahala sa bawat desisyon na gagawin ko. Kayo na po ang bahalang magbigay at magpakita sa akin ng landas na tatahakin ko. Basta ngayon GOD hinihingi kong muli sayo ang pagpapatawad. Simula bukas sisimulan ko ang araw na kayo ang una at huli kong kakausapin. Ibabalik ko lahat at di ako magsasayang ng oras para kausapin ka. Magsisimula uli ako na parang bata sa lansangan na wala pang muwang at nakikipaglaro lamang. Ganun din ang gagawin ko Panginoon. Makikipaglaro muna ako sayo at hindi kay Satan. Magpapaagos ako sa alon ng iyong pagmamahal at makikipagkulitan sa mga anghel na pinadala mo mula sa langit. Ito ay ang mga kapatid ko sa pananampalataya sayo GOD.

Salamat GOD kasi kahit papaano ay bukas naniniwala akong may bagong BERLIM M. LIMBAUAN na nagmamahal, naniniwala at maglilingkod sayo. Lord GOD, hihintayin ko ang araw na muli kang marinig. Sa ngayon masaya na muli ako kasi nararamdaman ko muli na nandito ka uli sa puso ko. Aalagaan kita dito sa puso ko at di ko hahayaang may pumasok na balakit sa pagmamahalan nating dalawa. Iuukit ko sa puso ko ang araw na ito GOD. Ang araw na sinuko kong muli ang buhay ko para maglingkod sayo. Sa pagkakataong ito. IKAW AT AKO MUNA. TAYO MUNANG DALAWA. Aminado kong ayaw ko nang magpari pero still Lord God kasi alam ko dinala mo uli ako pabalik sa SFC upang maglingkod sayo. Buong buhay ko from the moment na sinulat ko itong sulat ko para sayo, Maglilingkod ako para ipakilala ka sa mundong ito. Mahal na mahal kita GOD. Hihintayin ko ang oras at araw na muli kong marinig at bulong mo sa akin.

“This is my cry… My one desire… Is to be where you are Lord now and forever. Its more than a song, My one desire. Is to be with You. Is to be with you JESUS……”

Ang iyong nagbabalik na disipulo,

CUTEBERL

14 responses to “LETTER TO MY GOD

  1. Hindi ka naliligaw Berlim.
    Marahil kailangan mong dumanas ng pait bago mo matikman ang tamis.
    Marahil kailangan mong dumanas ng kamatayan para maramdaman mong mahalaga ang buhay.
    Kailangan nating malungkot para malaman natin ang kaligayahan
    All is well. Ang kagandahan sayo, alam mo kung nasaan ang daan patungo sa Kaniya.

  2. Maraming salamat kuya JKUL. You always impress me with your words. Kaw ang unang nagcomment dito. Salamat sa laging pagdalaw.. dinalaw ko nung nakaraan yung poste mo pero wala pang update.. heheh. Philippine Blog Awards na… Inonominate kita dun..

  3. God will always be there for you. He is the Rock of your Salvation.

  4. Ang sarap sumulat sa Kanya. Ang sarap Niyang kausapin.🙂

  5. hayaan mong manguna ulit sa buhay mo c Lord brod , kung may mga kasalanan tayo ask for forgiveness , and also learn to forgive yourself. Pintawad ka na ni LOrd ,pnahon na para patawarin mo na din ang sarili mo kung ano man yun.

    HE is there always waiting for us to hold HIS hand again😀

    Godspeed.

  6. That’s one of my fave song. Godbless.😉

  7. Amen to that..😀

  8. Lucifer is the angel of light kaso dahil sa pride nawala siya at naging fallen angel. Same as true sa atin lahat tayo may liwanag na bitbit, si lucifer ang magandang example na di dapat tularan, Just go to the cross, yan naman ang turo sa atin parati di ba sa ministry? Lahat nagkakamali, nagkakasala at nafe-fail, ang mahalaga nakakabalik tayo at natututo tayo. Unless we don’t learn, paulit-ulit ang cycle until we reach the learning point, pero di rin naman dapat umabot sa ganun kasi may mga sharing lessons learned naman eh.
    I bless you with God’s wisdom as you take the road again.
    Blessed birthday to you, too.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s