KM2: NAIWAN AKONG LUGAMI SA PAGDURUSA

Naalala ko pa lahat ng mga alaala noong kami pang dalawa. Ang pagmamahalan namin noo’y kasing tamis ng pulot-pukyutan na halos lalanggamin na kami sa sobrang tamis. Naalala ko din ang bawat halinghing niya sa tuwing haharutin at kikitiin ko siya sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan yung tipong parang abot kuyukot ang kanya tawa sa sobrang saya. Para din siyang manananggal na tinatanggal ang aking lungkot at pagdaramdam sa tuwing kasama ko siya. Minsan pa nga’y nangangalumata na ako sa kakahintay ng mensahe niya sa “cellphone” at kakaisip sa kanya kung nakauwi na siya ng ligtas.

Kasama ko din siya sa simbahan habang sinasabi ko ang lahat ng hiling, dalamhati, luwalhati at papuri ko para sa Panginoon. Bawat hugot ng hininga niya’y nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siyang nanonood ng nakakatakot na palabas sa sinehan pagkatapos naming magsimba.

Sa pananamit at postura niya’y tila kasama siya sa isang maharlikang pamilya. Maganda, mabait, may magandang kutis, mahaba ang buhok at may takot sa Diyos. Halos lahat ng hinahanap ko sa babae ay nasa kanya na. Kumbaga, wala ka ng hahanapin pang iba.

Madami pa akong naalala sa kanya. May maganda, may pangit, may masaya at may malungkot. Iba-iba pero lahat ng alaalang ito’y tila isang peklat na di na mawawala pa at parte na ng buhay ko. Lahat ng ito’y tila alingawngaw ng kahapon na ayaw ko nang muling balikan pa.

Minsan para na siyang dikya sa paningin ko. Na gusto kong layuan pag nakikita ko. Kasi pag nakikita ko siya nararamdaman ko parin na may natitirang panibugho sa puso ko dahil dalawa pala kami sa puso niya at huli na bago ko pa ito malaman.

Mahigit isang taon na pala simula ng magdesisyon akong iwan siya at mas piliing maging banal at maglingkod nalang sa Panginoon. Masaya na din ako ngayon kasi sa isang taong nakalipas ay nakalaya na din ako sa yungib ng kanyang pag-ibig. Ang tangi kong adhika sa ngayo’y magtiwala sa magandang plano ng Diyos sa buhay ko kasi minsan naiwan akong lugami sa pagdurusa na ayaw ko nang muling maramdaman at maulit pa.

————————————————————————————————–

Dahil sa di inaasahang pangyayari ay kailangan kong muling iedit ang aking lahok sa patimpalak. Buti nalang naisave ko ang huling edit ko.

Kay kua JKUL na may utak sa nasabing patimpalak. Maraming salamat.

Sa lahat ng dumalaw at dadalaw pa, Maraming Maraming salamat.

Sa mga gustong sumali narito ang link http://jkulisap.com/2011/06/km2-daloy-diwa/

GOD BLESS TO ALL…

41 responses to “KM2: NAIWAN AKONG LUGAMI SA PAGDURUSA

  1. Sir Salamat. Para maging opisyal po ang inyong lahok, akin pong hinihiling na kumpletuhin ang mga datos na kailangan.

    Kulang po kayo ng pangalan, lokasyon at email address. Pakibalikan po ang inyong comment sa aking site.

    Salamat Sir Berl.🙂

  2. dahil ginawa mo ito para sa isang taong natatangi sa’yo at iniibig. ngayon pa lang, binabati na kita berl.

    dahil hindi kailanman maaaring magapi ang puso ng taong nagmamahal.

    nawa’y masumpungan mo ang tunay na pag-ibig na inilaan ng kapalaran para sa’yo.

    • isang karangalan ang madalaw at mabigyan ng ganitong papuri mula sa isang magaling na bloggerong katulad mo. Namis ko ang iyong komento kapatid. Salamat sa paglike. Ibang saya ang dulot ng iyong sinabi. Muli salamat..

  3. Hmm… “dalawa pala kamisa puso nya..” nsa ganitong tema akong aking ginawang akda. Naniniwala ako na lahat ng nangyayari sa buhay ng tao, meron tlgang rason. May plano si Lord.

    Naglilibot sa mundo ng blogosperyo at nagbabasa ng entries sa patimpalak ni Ser Jkulisap. Ang gagaling.. nanliit na lang ako bigla.

    Gandang gabi po.🙂

    • Wag kang manliit. lahat tayo ay may kanya kanyang galing sa pagsulat. Tama yung ginagawang mong pagdalaw sa iba ibang blog gawain ko din yan dati medyo busy nga lang ngayon. Madami ka kasing matututunan sa bawat blog. Enjoy blogging kapatid. naadd na kita sa blog roll ko. to GOD be the glory. God bless..

  4. Natuwa ako sa pagtitiwala mo sa Panginoon at sa kanya. NAkakatuwang isipin na may mga taong maging ang buhay pag-ibig o iba pang detalye ng kanilang buhay ay ipinagkakatiwala sa Diyos.

    be blessed s pakontest sir!

    • Naiiyak naman ako. Namis ko talaga kayo sa lungga ko… Salamat kuya pong sa pagdalaw at paglike. Pasensya na super busy ko at nagloloko ang magaling kong laptop. Namis kita kuya. Namis ko kayong lahat.

      Oo naman kuya. Lahat ay ipagkakatiwala ko sa Kanya. Siya ang center ng buhay ko eh.

  5. hmmmm wala akong masabi…
    😦

  6. pagmamahal na nauwi sa panigbuho na nauwi sa tuluyang pagsuko at magpasyang humiwalay na lamang ng landas at maglingkod at dinggin ang tawag ng Panginoon… Naks

    Good Luck sir bossing Berl…
    😀

  7. Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 18

    18 KM2: NAIWAN AKONG LUGAMI SA PAGDURUSA
    Cuteberl Maynila

  8. mas nanaig ang pag-ibig sa DIYOS… dakilang pag-ibig..

  9. pagibig na nakasamo sa may kapal!

    ayos sir at gudluck sa entry mong ito.

  10. how nice naman po……wala ng hihigit pa sa pag ibig ng ating ama..

  11. cute berl,, mukhang may pinaghuhugutan a…

    as usual,,, mahusay pa rin ang iyong panitik…

    • kaw pla yan lipad laya…. hmmm… meron nga… saktong sakto nga si jkul kasi gagawa ako ng poste for this month ayun eto na un… salamat sa papuri kaw din lipadlaya magaling ka din.. salamat sa pagdalaw..

  12. Ayos, madaling maitindihan..malinaw ang mensahe…nakapahinga rin sa wakas ang utak ko…hehe..ayos to parang true story.

    • salamat sa papuri kaibigan… salamaat din sa pagdalaw… napahinga na ba? ako nasa kalahati palang… kuyukot pala title mo sa entry… tama ka totoong istorya yan…

  13. hi cuteberl! tagal ko na hindi nadalaw dito ah. biglang naging broken link ang blog mo. o bago na ito? anyway, good luck sa iyong entry!

    • salamat sa muling pagdalaw. naging hiatus mode lang ako sa dahilang naging busy busyhan lang ako kaibigan. namulat lang uli ng imessage ako ni ginoong kulisap na sumali uli sa kanyang patimpalak.

  14. Merong mas ïnsert adjective here” na taong nakalaan sayo na mas deserve sa pagmamahal na kayang mong ibigay.

  15. ang galing kahanga hanga ang inyong mga salita na ginamit., sa isang banda sabi nga habang my buhay may pag asa. God bless din po.

  16. Magaling. Gumawa ng puntos.

    Good luck

  17. Pasasaan ba at makakaahon ka sa pagkalugmok. Sa piling Niya sigurado ang ligayang walang katumbas.

  18. Hi Berl.

    HIndi mo pa rin ako pinahihindian sa mga paanyaya ko. Mas kahanga-hanga iyon.
    Ang matibay na paniniwala mo sa Kaniya ang iyong pinakamabisang sandata para harapin ang buhay na puno ng pag-ibig sa kapuwa.

    Maraming salamat.🙂

    • Siyempre naman kuya JKUL. Isa ka sa mga naging inspirasyon kaya hanggang ngayon buhay pa ang blog na ito… salamat.. di man ako pinalad sa patimpalak mo. Masaya pa din ako kasi nakigulo at dumami ang dumalaw sa blog ko… Ayos.. Season 3 na ba?

  19. good luck sa iyong entry cuteberl. kung nasan man si girl eh tingin ko naman ay naging maganda naman ang alaala niya sa iyo.

    mabuhay at sana after mong makuha ng award ay makakita ka rin ng bago mong gagawan ng entry. yung masaya naman hehehe

    • oh di ba ngayon lang ako nakapagiwan ng komento. salamat sa pagdalaw hoshi. promise magpopost naman ako ng masama.. napansin mo bang puro emo post… muli salamat..

  20. anlungkot neto ah. haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s