Nandiyan lang ako lagi sa tabi mo…

Makulimlim ang kalangitan
Nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan
Wala akong payong na dala
Malayo din aking lalakaring kalsada

Kelan kaya ito hihinto?
Kasabay ba nito ang paghinto ng pagluha ko
O baka mas lumakas pa
Mas lumala pa ang aking sakit na nadarama

O Diyos, ihinto mo na ito
Ihinto mo na rin ang pagdurugo ng aking puso
O Diyos, alam kong naririnig mo ako
Alam ko din ramdam mo ang aking siphayo

Ilang oras na din pero di pa din humihinto
Nagbabakasakali ding ikaw ay makita ko
Pero nabalot ng ulan ang kalsada
Kasabay nito ay mawalan ng pag-asang muli kang makita.

Mukhang di ata nadinig ng Diyos ang aking hiling
Nawala na din ang aking pag-asang ikaw ay makapiling
Bumabaha na sa kalsadang dadaanan ko
Puno na din ng luha ang mukha ko sa paghihintay sayo…

Bahala na kung mabasa ng ulan ang damit ko
Basta lang makarating ako sa bahay mo
Tumakbo ako sa kalsada ng mabilis
Baka sakaling maabutan kita bago ka umalis

Saktong dumating ang rumaragasang dyip
Sana umabot ako para ganda mo’y aking masilip
Ang bilis ng takbo ng dyip na aking nasakyan
Pero tila lahat ng tao’y di ako nasisilayan

Malapit na ako sa lugar mo
Pumara ako kay manong pero binalewala ako
Naiyak ako sa nangyari at parang ako’y napipi
Di ko alam bakit parang di nila narinig ang aking sinabi

Bumalik ako sa lugar na aking sinakyan at pinagmulan
Nakita ko ang aking sarili na nakahandusay at duguan
Nasagasaan pala ako pagtawid ko ng kalsada
Habang nagmamadali na ikaw ay aking makita

Habang buhay na kitang makikita
Pero sa kasamaan palad ako’y di mo na makikita
Masasamahan na din kita sa mga pupuntahan mo
Ako na ang papara sa dyip na sinasakyan mo.

Tumila na din ang malakas na ulan
Kasabay nito bumigay na din ang aking katawan
Nawala na din ang baha ng kalsada
Kasabay nito nawala na din ang aking presensiya

Paalam na sayo aking sinisinta
Sana makakita ka nang bagong tao na sayong magpapasaya
Di ko alam kung kelan hihinto ang bagong biyaheng ito
Pero lagi mong tatandaan na nandiyan lang ako lagi sa tabi mo.

18 responses to “Nandiyan lang ako lagi sa tabi mo…

  1. Ulan sa Tag-araw?!?!?!?!?!!

  2. Oh.. how sad. Hindi talga natin malalaman kung paano at kung kelan tayo mamamatay.. kaya habang andito pa tayo sa world, gawin natin ang makakakaya natin, gumawa ng mga makabuluhang bagay.. hindi lang para sa ikabubuti natin kundi para sa ikabubuti ng nakakarami.. At.. sabihin na rin sa tong minamahal na siya’y ating minamahal.. Kasi nga, baka bukas, wala na tayo.. So let’s all tell everyone we love that we love them.. and then let them feel that we love them.. Life is too short and too PRECIOUS, to let it go to waste.

    Salamat sa pagbasa ng blog ko (though hindi ka napakomento, okay lang.. heheh).. andito ako at nagbisita.

    My Tasty Treasures
    Ako si LEAH
    Everyday Letters

    • di ko pa kasi natatapos eh pasensya na po… salamat sa pagbabasa at pagdalaw…

      hehehe.. natutuwa ako kasi affected lahat sa postend ito. etong tulang ito biglaan lang lumabas sa isip ko kahapon..

      muli salamat…

  3. nice nerl. kaso parang scary yung dulo. hehe

  4. ang lungkot nito..😦

  5. krisjewel po ito….

    insan….ang lungkot naman ng poem po…..

    habang my buhay my pag asa..wag kang mawalan….dadating din ang taong para sayo…

    love is just all around you….hehehee….

  6. sabi na nga ba eh.. nasa dulo ang twist.. hehe

  7. oha! isang magandang tula ito ng kabiguan at malungkot na katapusan at simula ng buhay.

  8. Makulimlim. Malungkot, naghahanap, umiibig ng tapat.

    Alam mo namang natutuwa ako sa mga panulat na ganito.

    Tula ng buhay pag-ibig, maligaya man o malungkot.🙂

  9. oh wow..watta poem..nakakalungkot naman..Ganun talaga ang buhay..nice poem..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s