Naging masaya ako sa Taciana’s Boarding House… Salamat mga Kulapo at mga Kulusa..

Habang tinitipa ko ang posteng ito. Naalala ko ang lahat. Naiiyak ako kasi ang tagal na din pala at sobrang napamahal na sa akin ang boarding house at ang mga tao dito.

Balik tanaw sa simula ko sa boarding house ni Ate Thess.

November 2005 nang simulan ko ang buhay boarder. Naglakas loob ako na malayo sa aking mga magulang at nakipagsapalaran dito sa Maynila. Mahirap din talaga ang buhay mag-isa, aminado akong natuto ako ng magboard ako at maging independent.

Una kong naging kasama sa kwarto sina Kuya Kirk, Monsi, at si Nowel. Makulit silang tatlo na sobrang nakabonding ko. Halos tatlong taon din bago lumipat ng kwarto si Mon at si Nowel naman lumipat nang ibang boarding house.

Marami akong naging kaibigan sa boarding house. Di naman kasi ako yung tipo ng tao na mahirap pakirasamahan. Eto yung mga pangalan ng mga naalala ko:

Ate Angie, Ate Sheila, Ate Belle, SI Vanessa(ang crush ng karamihan sa amin), si Norilyn, yung magkakapatid na babae na nakalimutan ko ang name, si Ate Jhen, si Chris, si Lazaro, si Eddnie, si Duen, si Mean, si Ambal na di ko makakalimutan kasi nanggulo pa bago umalis, si Kuya Gerry at Jacob na saglit lang tumira, si Ate Loding(Melody), si Mean, si Osang, si Larah, Si Emz, si Aries, si Gendel, si TJ, Si Jonas, si Eurika na kinuhaan namin ng rambutan noong nagbakasyon kami kanila Ate Angie, si Kuya Prince, si JR, si Andrew, si Julie, si Pearl at Lyka, si Angel na makulit, si Gladys na laging nakikitulog at marami pang iba. Sa 6yrs ko sa bahay ni ate ang dami kong naging kaibigan at nakilala na halos makalimutan ko na ang name ng iba. Pasensya na sa mga di ko naalala.

2010 o malapit na magtapos ng 2009 ng bitawan ni ate ang isang parte ng bahay na kung saan dun ang room namin kaya napilitan kaming lumipat sa kabilang boarding house na hawak pa din ni ate. Nagabroad kasi si Kuya Alex at walang magbabantay sa mga bata kaya binitawan ang isa. Noong una nakakalungkot pero di naglaon ay ok na din at nagbalik ang sigla ng boarding house.

Napunta ako sa apatan tapos naging animan at naging sampuan at bago namin tuluyang iwan ang boarding house sa isahang kwarto ako. Bago kami maghiwalay hiwalay ay nagdespedida party kami. Konti nalang pala kaming natira. Sa sampuan, si Marvs, si Jhess, si Elmo, si Matt, si Carlo, si Toper. Sa apatan si BJ, si Eric, si Rey at si Rayden. Sa isang apatan naman, si Macky, si Nino at si Jeck2x. Sa 2nd Floor syempre ang room ni ate at ang animan. Dito sa animan ay sina Mako, Monsi, Emman, IPPO, at Cheenalyn. Tatlo nalang ang natirang babae si Daphine, Michelle at si Shanak.

Habang nagsasaya kami di ko maiwasan ang maging emo at malungkot kasi alam ko matapos nito magkakahiwalay na kami. Nakakalungkot, nakakaiyak at kahit papaano talagang mamimis ko ito.

Marami akong babauning ala-ala mula sa bahay ng anim na taon kong tinuluyan. Dito na ako grumaduate at di kalaunan ay dito parin ako ng magkatrabaho.

Mamimis ko ang tawag na Kuya, ang asar, ang lait, ang tawa, ang puyatan, ang kulitan, pero higit sa lahat mamimis ko sila. Mamimis ko ang mahabang pila sa CR, ang magalit kasi may nakialam ng gamit ko, si Alyssa na anak ni Ate Thess. Nandito ako sa kwarto ko habang sila ay nagsasaya sa baba. Habang ginagawa ko ito ay unti unting tumutulo ang luha sa aking mga mata at di ko kayang pigilan ang mga ito. Luha ng lungkot, luha ng saya at luha ng anim na taong pinagsamahan at pagiging isang pamilya.

Sa katunayan mas naging pamilya ko na silang lahat na halos karamihan sa kanila kapatid na ang turing ko. Di ko kasi masisi ang sarili ko, bunso kasi ako. Mamimis ko ito. Mamimis ko ang kwarto. Mamimis ko ang bonding. Mamimis ko ang lahat.

Sa lahat ng mga nakagalit ko at nakaaway, pasensya na. Sa lahat ng naging kaibigan ko, salamat sa anim na taong naging parte kayo ng buhay ko at alam kong di naman magtatapos yung dito. Tama ba ako? Kahit mag-iiba iba na tayo ng landas alam ko na magkikita pa din tayo balang araw.

Kay Ate thess, salamat sa tiyaga, salamat sa pagiging nanay, salamat sa lahat, pamilya na ang turing ko sa inyo. Goodluck and God bless sa bago mong karera. Alam kong mapagtatagumpayan mo yan. Di ko masabi ito ng personal pero napamahal na kayo sa akin. Ate Thess I Love you. Thanks for being a second mom to me.

November 18, 2010, Kasabay ng pagtatapos ng posteng ito ang pagsasarado ng yugto ng buhay ko sa Taciana’s Boarding House at pagbubukas sa panibagong pakikisalamuha at pakikisamaha sa mga magiging bagong kaboardmate sa  bagong boarding house na tutuluyan ko.

Sa lahat ng PINOY BIG ATE’S BOARDER. Kita kits nalang sa FB. Sana walang magbabago. Sana di niyo ako makalimutan. Mamimis ko kayo. Kelan ba ang reunion. Hahaha. Parang adik lang.

Sabi nga if a door is close there will be another door that will be open for you. Di man tayo magkakasama I pray that God will bless you all. I LOVE YOU GUYS AND GALS. I WILL TRULLY MISS YOU ALL. MWAHHH…

2 responses to “Naging masaya ako sa Taciana’s Boarding House… Salamat mga Kulapo at mga Kulusa..

  1. base kua! hehehee…..

    uu naman nakakamiss talaga yung ganyan…..

    kaya lang nasa pinas ka pa, try mo silang dalawin paminsan minsan…

    ingats and goodluck sa bago mong magiging boarding house…

  2. try natin punuin ng pictures ang blog na ‘to. try lang. for a change. hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s