Minsan kailangan ko din pala ng maiiyakan…

Ang tagal ko na palang nageexist sa mundong ito. 23 years na kung susumahin ang edad ko. Kelan nga ba ako huling umiyak? Ang natatandaan ko lang ay noong college ako dahil sa project.

Sa ngayon aminado akong minsan kailangan ko din pala ng masasandalan at maiiyakan. Minsan kailangan ko din ng kaibigan na nandyan para alalayan ako, o di kaya kapareha na pwede kong mayakap kapag nalulungkot ako, pero higit sa lahat mas kailangan ko ng magulang na magpapayo at iintindi sa akin.

Sa nangyayari sa buhay ko parang di ko alam kung eto ba talaga ang plano ng Diyos sa buhay ko o baka hinahayaan kong kontrolin ako ng mga plano ni Taning. Naubos na ata ang faith ko o sadyang hinahayaan kong maubos ito. Nawala na ata ang pagiging totoong Kristiyano ko kasi siguro mas nangingibabaw na naman ang natural na mundo sa buhay ko.

Masyadong demanding ang mundo. Dinedemand akong ubusin ang oras ko sa maraming bagay, dinedemand akong mapagod sa kakagawa ng mga trabaho ng boss ko na ang kinikita ko naman ay pang empleyado lang, kapag binuo mo lahat ng demand ng mundo isa lang ang makikita mo dinedemand ka ng mundo upang makalimutan mo kung ano talaga ang silbi mo sa mundo na naayon sa plano ng Diyos mo.

Sabi ko nga. Gusto ko ng simpleng buhay. Payak. Masaya. Matiwasay at higit sa lahat masagana. Pero kabaliktaran ang lahat. Ang mundong ginagalawan ko, msyadong demanding, masyadong malawak, minsan masya din naman pero kadalasan magulo at higit sa lahat madaming mahihirap at nagugutom. Tapos ang dami pang sakunang nangyayari. Hays…

Gusto kong iiyak ang lahat ng ito sa Diyos ko. Gusto kong sabihin lahat ng hinanaing ko at isigaw sa Diyos pero naalala ko yung sabi ni BOB ONG “Wag mong tignan ang korap na gobyerno tignan mo ang magagawa mo para mabago ito”.  Tinamaan ako. Tama siya. Kung gusto kong ng tahimik, payak at simpleng buhay nasa kamay ko din naman ang solusyon kumbaga ang trabaho ng Diyos ay ibigay lahat ng kailangan ko pero kailangan ko din magtrabaho.

Kailangan ko din pala talaga ng maiiyakan. Kailangan ko din pala baguhin ang sarili ko. Kailangan ko din uling maibalik ang faith ko. At higit sa lahat mas kailangan ko ang pagmamahal ng Diyos.

Buti nalang nabuo ang blog. Naisigaw ko sa blog na ito ang mga dinadala ko. Di ko na dinagdag ang kwento ng pagkakaroon ko ng bronchitis at ang lintik na kagat ng aso at ilang linggong turok. Sige hanggang dito nalang muna baka wala na akong maipost sa mga susunod na blog post ko.

Sa kabila ng lahat, eto paring verse ang sandigan ko: PSALM 27:13 “IAM STILL CONFIDENT OF THIS, I WILL SEE THE GOODNESS OF THE LORD IN THE LAND OF THE LIVING… “

Siao. Uwian na pala….

6 responses to “Minsan kailangan ko din pala ng maiiyakan…

  1. pwedeng daanin sa redhorse yan.. redhorse sabay iyak.. hehe

  2. hehehe. di na ako umiinom eh….

  3. Be still and know that HE is GOD!

  4. Salamat sa pag add sa FB.. pinsan? hehehe….

    Cencya ka na madami akong pinsan na hindi ko kakilala….

    Kasi mostly wala ako sa probinsya namin….

    Ingats ka lagi…..

    Ito ung luma kong blog…Heto yung bago, krisjewel.wordpress.com…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s