SARAH GERONIMO… MAUREEN MARCELO…. ANGELINE QUINTO

Habang naghahanap ako sa youtube ng performance ni Angeline noong linggo. Marami akong nakuhang info na sobrang kinagulat ko. Narito ang aking nasaliksik

Si SARAH GERONIMO ang nagwagi sa kauna unahang singing kompetisyon sa bansa. Ito ay ang STAR FOR A NIGHT ng Channel 13. Pagkatapos noong nagsulputan na ang kabi-kabilang singing kompetisyon. STAR IN A MILLION… SEARCH FOR A STAR… SEARCH FOR A STAR IN A MILLION… PHILIPPINE IDOL at ang pinakabago ay ang STAR POWER.

Bakit ko nabanggit ang mga ito kasi si ANGELINE QUINTO na champion ng STAR POWER ay kalaban din ni Sarah sa STAR FOR A NIGHT. Ibang iba na siya ngayon kesa sa dating itsura niya. Mas gumaling… Mas maganda na ang boses at gumanda na. Iba talaga mag-alaga ang ABS-CBN.

Pero di lang yan ang dahilan ng poste na ito dahil noong una palang bago pa manalo si ANGELINE ay alam ko nang naging magkalaban sila. Ang dahilan bakit ko nagawa ang poste kong ito ay nagulat ako na si MAU MARCELO na 1st PHILIPPINE IDOL ay naging kalaban din nila… O di ba? Kakagulat…

From SARAH GERONIMO(STAR FOR A NIGHT) to MAU MARCELO(PHILIPPINE IDOL) at ngayon ay si ANGELINE QUINTO na… Lahat sila nagwagi sa singing contest pero lahat sila galing sa unang singing kompetisyon: ang STAR FOR A NIGHT…. Galing noh….

Bakit ko naposte ito kasi una si MAU MARCELO pala yung babaeng kumanta ng BETTER DAYS noong SFAN days pa na sobrang nagalingan ako.. Nagulat lang talaga ako at ngayon ko lang nalaman na siya pala yun..

Narealize ko lang na may tamang araw talaga kung kelan ka magiging kampiyon sa isang kompetisyon. Katulad ni SARAH na pinalad kaagad na manalo.. Katulad din ni Mau Marcelo na hindi din tumigil sa kanyang pagkatalo sa SFAN at nagwagi sa PHILIPPINE IDOL. Ngayon naman si ANGELINE na ang bagong nanalo. Sabi nga sa final song niya na “PATULOY ANG PANGARAP”. Naniniwala siya.. Di siya titigil hanggang makakaya at aasa siyang unti-unting mararating ang kanyang pangarap. At ngayon eto na siya ang STAR POWER GRAND WINNER..

Eto ang pinakagusto kong linya sa kanyang kanta “DI PARIN MAKAPANIWALA SA AKING NAKIKITA. LAHAT NG PANALANGIN KO NGAYO’Y MAY KASAGUTAN. LAHAT NG PINAGDAANAN AT PINAGHIRAPAAN NAGBIGAY NG KALAKASAN UPANG MARATING ANG ISANG PANGARAP. AKOY NANINIWALA. AKO AY LILIPAD AT LAHAT AY MAKAKAKITA SA ISANG PANGARAP”.

MANGARAP… MANIWALA… MAGPURSIGE… MAGSIKAP AT DARATING ANG PANAHONG PATUNGO KA NA SA MARAMING TAGUMPAY NG BUHAY MO….

14 responses to “SARAH GERONIMO… MAUREEN MARCELO…. ANGELINE QUINTO

  1. Hindi ko matandaan si Angeline.
    Maganda ang realization mo dito Boss.
    May kaniya-kaniyang panahon basta patuloy lamang nangangarap.

  2. hai po!gusto ko maging katulad nila ate sarah!
    taga butuan po ako…
    16 po kaming mag kapatid,gustoko po talga maging isang artista!!!
    bunso po ako,walang btrabaho ang ama ko,at ang ina ko ay isang grvmnt employee…
    gusto ko proud talaga sila sakin!!
    salamat po!

  3. Tama Berl. In God’s time ay matutupad ang lahat. Basta….”But seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you.” -Matthew 6:33 . God Bless!

  4. dati akong suki nyang star for a night na yan sa ch 13. kilalalang kilala ko sila lahat si angeline lagi yan kasale, pero si mau nasan na kaya.?

  5. hai po!
    salamat po …god knows!

  6. Hello po I am Vincent Christian Suhayon 23 years old po from Davao City…Mahal ko po kayong lahat po…

  7. hindi naman star for a night ang kauna-unahan… magagalit sina bert marcelo at pilita corales nyan, hehehe

    pero siguro yung star for a night ang nagpauso ulit sa makabangong panahon. sa tatlong nabanggit mo si angeline quinto ang di ko maalala noon. si mau kasi kakaiba na dati kaya medyo particular na ako sa kanya. alam ko may isa pa e na taga star for a night ang nakapasok o nanalo sa isang contest, Born Diva ata ang title.

  8. its mean na tinalo ni sarah clang lahat!!!!siya ang pinalad eh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s