Buwan na naman ng mga Nguso!!!

Parching of Valentines Heart - Original Painting by Karla Ruiz

February na pala. Eto daw yung panahon na uso ang mga MOTELS, HOTELS at buhay ang mga parke tulad ng Luneta. May mga magkasintahan na namang mga linta sa paligid na aaligid-aligid.

Bitter ako sa February o Pebrero sa tagalog. Bakit? Tanungin mo ako. Noong isang taon naalala ko na nagset ako ng date at lumiban sa pasok para masamahan ko ang aking JOWA, GF, KASINTAHAN at Kabiyak sa sinasabing pinakamahalagang araw ng taon para sa mga magkasintahan pero ayun nabigo ako. Sayang ang dala kong BLUE MAGIC NG TEDDY BEAR (malaking TEDDY BEAR yan ha…), TOBLERONE at isang dosenang RED ROSE para sa kanya. May sakit daw siya noong tinawagan ko kaya ayun binalak ko siyang puntahan sa tinutuluyan niyang bahay kaso pagdating ko doon sa kanila, WALANG TAO. Pumunta daw sa kaibigan. Ayos di ba? May sakit pero gumala. Tapos tinanong ko sa kanya kung nasan siya at ang pinakamasakit ay sabihin niyang nasa bahay siya. NAGSINUNGALING SIYA… SAKIT NOON… Di kami nagtagal ng nagging GF ko mga ilangf araw lang ay nagbreak na kami. Noong akala ko ang tunay na dahilan kaya ako nakipaghiwalay ay dahil iba kami ng pananaw sa pagsamba sa Diyos, noon yun, pero ngayon narealize ko BITTER PALA AKO SA MGA NANGYARI KAYA KO SIYA INIWAN. Kaya tuwing dadating ang Pebrero ay naaalala ko ang mga pangit na nangyari sa akin noong huling VALENTINE’S DAY. Saka ko nalang siguro gugustuhin ang ARAW NG MGA PUSO pag meron na talagang babaeng nakalaan ang oras at buhay niya para sa akin. Ang tanong sino ba siya? At kelan ko siya makikilala?

Bakit ganyan ang pamagat ko kasi may mga nguso na namang maghahabaan. May mga linta na naman sa paligid na kulang nalang ay maging twins sila sa higpit at lapit nila sa isa’t isa. Ramdam mo ba ang kabitteran ko? HINDI AKO BITTER.. DI HALATA… hahaha…

Unang poste ko ito sa Pebrero pero kaemohan na naman ang poste ko. Sino kaya ang makakadate ko sa Pebrero? Kaw ba available ka ba? Tayo nalang ang magdate. Payag ka ba?

Sa darating na Pebrero, Magmamahal na naman ang presyo ng tsokolate at bulaklak. Marami na namang offer ang mga hotels at motels ngayong buwan. Madami na namang tambay sa luneta at sa mga mall. At higit sa lahat Pebrero na naman, isang taon na pala nang huli akong nasaktan at iniwanan.

PEBRERO, BUWAN NG MGA PUSO, BUWAN NG MGA NGUSO AT BUWAN NG MGA LINTANG NAGLIPANA SA KALSADA.

22 responses to “Buwan na naman ng mga Nguso!!!

  1. ang saklap nman nun sobrang nageffort ka for the occasion kaso walang nangyare…ang mahal pa namang ng gasolina, pamasahe sa jeep, bus, MRT at LRT , pati bigas, kuryente at pati tubig…tsk tsk Anyway dapat siguro kalimutan mo na ang masalimuot na pangyayaring yun at isipin mo na lang meron pang isang okasyon liban sa valentines day tuwing February… Kung Hei Fat Choi!!! hahaha

    wag ka ng bitter !!!😛

  2. ahhhaaoha!!! nasayang nga ang tobleron ang sarap p nman! :))
    sana kc nung tumwg ka cnb mong my dala kang stuff toy, tobleron at flowers baka maghinayang pa at sumipot ehehe.

    pero seryoso yah sakit nga nun! o well.. my karma nman🙂
    matatagpuan mo dn xa in time…🙂
    kc naniniwla akong ang marunong magmahal ay magiging masaya dn sa tamang panahon😀

    • natagpuan na nga kita este siya pala. hehehe. ayaw kong isipin na makakarma siya, ang akin nalang ay kung saan siya masaya susuportahan ko siya. sabi nga if you really love a person set her free. kaya ayun pinakawalan ko siya at di nga ako nagkamali kasi dumapo kaagad sa iba… Salamat kayedee..

  3. bhezzz,,,, saklap kung sinabihan mo lng sna ako,,, ako n lng…. if my memory serves me right nsa house lng ako nun,, tsk!!! tsk!!! tsk!!!
    Godbless,,,,

  4. ay kagrabe pala nung babaeng yon ano? hayaan mo na sya. basta alam mo sa sarili mo na di ikaw ang nagkulang.

    malay mo naman before 14 eh makahanap ka kagad.

    basta ko, may date na sa valentimes. hihi

    cocontakin ko ex ko.

    ex-classmate.

    happy valentines!

  5. Ako rin hindi ako makarelate sa araw ng mga puso… parang gusto ko Marso nalang kaagad ahihihihi… bitter din ata ako ahahaha😀

  6. Ay?!! siNonG naGsabiNg biTteR toNg p\ost na toH?.. Tae!!! haHahah!! kuLet nAng poSt na toH!! pEdenG panG aMpaLaya aWardeE,,, hEhehE..😀

    naG biBisitA LaNg po! …

  7. LaGi nAMan aKonG naDaAn.. hInDi nGa LanG naCoMmEnt…

    WiNk!!

  8. parang wala naman bahid ng bitterness ang post na’to. walang wala! haha

  9. hahaha bitter ocampo? hahaha hayaan mo na, bakit mo papapaitin ang buhay mo kung ang dami naman sa paligid na pwedeng lunurin ka sa tamis at keso!!! hayaan mo na, may araw din yang mga yan buhahaha!

  10. berl ang drama at bitter! hehe

  11. yes pista nanamaN NG MGA NUSO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s