Gallery

PUYAT + PAGOD = MALAKING SAHOD

Naniniwala ka ba na pag nagpuyat ka at nagpagod sa work mo sa bandang huli ay magkakaroon ka ng  malaking sahod. Ito ang tinatawag na “OVERTIME o OT”. Simula last year naging busy na ang inyong lingkod sa trabaho kaya hindi masyadong makapag poste at makapagkalat sa mga blog-hay niyo.

Alas otso ang pasok ko at kailangan kong bumiyahe ng isang oras papunta sa trabaho kaya ala-sais palang ng umaga ay gising na ako para maligo, kumain at ayusin ang sarili bago bumiyahe. Sakay ng bus tapos bus uli tapos dyip. Tatlong sakay mula sa bahay-upahan na tinutuluyan ko hanggang sa pinapasukan ko sa Makati. Kapagod. Mahabang biyahe pero kailangan tiisin ang lahat ng ito.

PUYAT + PAGOD = MALAKING SAHOD. Ito ang narealize ko sa mahigit dalawang buwan nang puyatan at dagdag oras ng trabaho. Kung ang pasok ko dati ay alas otso hanggang alas singko ng hapon ngayon ang hanggang alas dos ng umaga kinabukasan. Kayo nalang bahalang magbilang kung ilang oras ang ginugugol ko sa trabaho. Adik di ba? Kapagod di ba? Pero okey naman ang kapalit nito sa bandang huli.

Kumalap ako ng mga isasagot ng mga kaopisina ko sa tanong kong puyat + pagod = malaking sahod, ano ang gagawin mo sa malaki mong sahod? At narito ang sagot nila…

KAOPISINA 1: PAMBAYAD SA GAMOT NG SAKIT KO!!!

KAOPISINA 2: PAMBAYAD SA ATAUL KO!!! HAHAHA.. MALAPIT NA KASI AKONG NATIGOK EH..

KAOPISINA 3: PAMBAYAD SA UTANG NG MAGULANG KO DAMI KASI NAMING UTANG DATI

KAOPISINA 5: PAMBAYAD SA LOAN KO. BAKIT MO BA TINATANONG?

KAOPISINA 6: PANLIBRE SA SARILI KO… PINAGPAGURAN KO KAYA YUN… HAAHAHA….

Ilan lang yan sa mga sagot na nakalap ko. Nakakatawa talaga ang mga sagot nila pero halos lahat tama sila. Bakit kamo eto ang aking panig. Malaki nga ang sahod mo pero ipambabayad mo din naman ang mga ito sa gamot dalhin pag hindi ka sanay sa 2 linggong sunod-sunod na “OT” tiyak magkakasakit ka. Pambayad din ito sa sarili mong kabaong pag di ka nakaligtas sa sakit na nakuha mo sa kasipagan mo. Tapos halos karamihan sa mga nakausap ko yung tatlong huli ang sagot. Katulad ko. Buti nalang wala na kaming utang at laking pasasalamat ko doon. Tapos pambayad ng “salary loan” na kinuha ko sa trabaho ko ngayon at higit sa lahat siyempre maluho akong tao kaya panlibang na din at pambili ng mga bagay na trip kong bilhin.

Pero kahit puyat at pagod lagi ayos lang di pa naman ako nagkakasakit at sa totoo lang madami din naman akong natutunan lalo na ngayon lumalabas ako sa apat na sulok ng kwarto ng opisina namin. Pero alam mo ba kung ano ang pinakagusto ko sa trabaho ko… Pag natiyempuhan mong may tao sa branch na pupuntahan mo at may magagandang “teller”, “new accounts”, “branch operation officer o BOO” at isama mo pa ang ibang “branch head” na panalo. Nakakawala ng pagod. Hays.. Sa atin atin lang yun ha… Kaw lang ang nakakaalam ha… Huwag ka maingay…..

Paano hanggang dito nalang muna… Babiyahe pa ako… Ayos panalo na naman ang araw na ito… Kaw ba ano ang magiging sagot mo?

16 responses to “PUYAT + PAGOD = MALAKING SAHOD

  1. Malaking sahod pero walang pagod at puyat, kung meron namang ganun bakit kailangang magpagod at magpuyat aber?

    Kasarap kaya magblog kesa magtrabaho. Ahhihihih.

    The more na lumalaki ang kita, mas maraming naiisip na gastos. Kung malakas pa ang pangangatawan mo, huwag mong ubusin ang pera sa luho, mag-ipon para oras na nangailangan ka, may madudukot.
    🙂

    • hehehe.. isang malaking check. tama…. hahahaha. kamusta ka naman kuya? ayan ha.. nagpoposte na uli ako kasi sabi mo pare parehas lang ang title. hahaha. dahil ikaw ang unang beys. kiss nalang kita… hahaha…

  2. wow panlibre sa mga kablogger dapat boss…hahaha

  3. Hehehe.. cge cge pag yumaman na ako boss…

  4. kung paminsan-minsan,hindi masama. kailangan mo rin syempre ng sapat na pahinga at oras para sa sarili. there are things that money can’t buy. hahaha! parang commercial lang ng mastercard.

    ingat at goodluck sa pagsa-sight seeing sa mga tellers:-)

  5. hahaha.. metrobank mastercard ba yan?

    gusto mo sama ka… tara sight-seeing na…

  6. may attitude si KAOPISINA 5. haha

  7. i think okay na ang pagod, wag lang masyadong puyat.
    bibihira lang naman siguro ang trabahong walang pagod para kumita at ng malaki-laki.

    pero kung labas yung matinding pangangailangan, mas gusto ko yung okay lang yung sahod basta okay ang katawan ko. ang career ay isang aspeto lang ng buhay, mga 50% hehehe!

    in fairness pansin ko sa mga teller magaganda ang kutis. bibihira lan yung di kagandahan.

  8. ayos lang mag puyat at mapagod para magka pera, malakas pa naman e.
    🙂

  9. hindi ako naniniwala. hahaha kasi walang bayad ang OT dito! pambira. wala rin effect ang special holidays.. pag late may kaltas, pag OT wala. ba yan. haha

  10. ay naku sana overtime pay rin yung sa amin… kasi kami madalas pinag-oot tapos sinasamantala pa palagi ang lunch break namin pero laging O-TY!

  11. lipat na ng bagong bakod. hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s