2011: Panibagong simula ng taon

 

Go to fullsize image Go to fullsize imageGo to fullsize image

Nangako akong magpoposte sa taong ito. Ang daming nangunguli at naghahanap ng poste ko. Unang araw ng taon ay gumawa na ako ng iipoposte ko kaso di ko ito pinoste at ayun nakalimutan ko ng iposte.

Ngayong 2011, ang ganda ng pasok ng taon sa akin. Kapagod magOT ng magOT pero ayos naman pag sahuran na. PANALO ika nga nila… Yun din ang dahilan bakit bihira akong magposte noong mga nagdaang buwan.. Papasok kasi ako ng ala sais ng umaga hanggang alas dos o alas tres na kinabukasan tapos tutulog ng tatlong oras at papasok uli ng ala sais. Ganyan ang magiging pang araw araw kong ginagawa. Parang pinapatay ko na ang sarili ko noh? Yun din ang dahilan ko bakit di ako nakapunta ng SBA at FEBA na sobrang gustong gusto kong puntahan.

Panibagong taon na at sabi ng ZODIAC SIGN ay taong ng kuneho daw ito. Natiyempong kuneho ang ZODIAC SIGN ko. Sabi nila pag ganoon daw ay suswertehin daw ako. Weh di nga? hahahaha… Ako kaya ang makakakuha ng JACKPOT PRIZE sa LOTTO at Jueteng ngayong taon? Tataas kaya ang sahod ko at mapopromote sa trabaho.  Ano kaya ang magiging malaking gatimpala ang makukuha ko ngayong taon ng kuneho?

Sa ngayon masaya ako. Madaming dahilan eh pero sana kausapin na ako ng mga taong galit sa akin noong nakaraang taon, sana napatawad na ako ng mga taong nagawanan ko ng kasalanan, sana wala naring nagagalit at nagtatampo sa akin. Kasi ako napatawad ko na ang mga taong nakasakit, nakagalitan ko at nakatampuhan. Tinapon ko na ang mga panget ng nangyari sa akin noong nakaraang taon at baon baon ko ang mga bagay na natutunan ko. Pag nangyari ang lahat ng iyan mas magiging masaya pa ako. Sa ngayon hihintayin ko nalang ang kanilang pagpapatawad. Eto lang po masasabi ko galing sa kaibutaran ng aking puso “SANA NGAYONG BAONG TAON BATI NA TAYONG LAHAT.. PATAWAD AT SANA MAGBALIK SA DATI ANG LAHAT”

Ngayong taon ng kuneho… lalampasan ko ang mga bagay na takot akong gawin, lalabas ako sa lungga ko para makiasalamuha sa mundong ibabaw at mundo ng blogosperyo. Tatalon talon na ako sa mga bagong poste niyo. Dadamihan ko din ang poste ko ngayong taon. Makikipagkulitan at makikipagunahan sa pagBASE sa mga unang poste.

Sisikapin ko ding bawasan ang kadramahan sa blog ko, ang aking pangarap ngayon para sa bahay ko ay maging instrumento at inspirasyon sa mga babasa nito. Gaya ng dati..

Salamat sa mga taong naghikayat, nangulit, nagparamdam at sa lahat ng taong bumalik din kagaya ko. Tara nang tumalon, tumakbo at makipaghabulan katulad ng mga kunehong malaya nating nakikita sa mga malalawak na lugar..

2011.. Eto na talaga ito… Weh di nga… Pero di pa ito ang huli ha… Simula palang uli ito…

18 responses to “2011: Panibagong simula ng taon

  1. blessed new year sir berl!

  2. goodluck sa isa na namang bagong taon.

    water under the bridge na ang 2011 so begin with a new slate. hope na matupad lahat ng wishes mo ngayong bagong taon.

    goodluck!

  3. 3rd beys, ahaha sa blog mo lang ako nakiki base din.

    ayus lang naman siguro ang magdrama sa blog. kung ito ba naman eh ikaluluwag ng nararamdaman mo di ba? happy new year cuteberl!

  4. ke haba haba hehe hindi ko binasa, tamad lang…iklian mo sa susunod hehe peace

  5. waw! ang sipag nman! enge nman ng kasipagan mo berlim🙂
    sana gnyan dn aq cguro wla akong mga utang ngyun! ahahaha..madaling sbhn na itapon laht ng bagay sa nagdaang taon pero minsan mhrap dn tlgang gwin, sb nga mangyyri ang lht in time🙂
    bkit masama b ugali mo at mraming galit sayo? heheheh..
    xge poste lng ng poste🙂
    hapi new yr!

  6. wooot!

    happy new year more money at more honey para sayo sir…hohoho

  7. Year of the Rabbit ka pala, alam na, ka-libog.🙂
    Ahahahaha.

    Pinatawad na kita, bati na rin tayo. eh di masaya ka na? Ako hindi pa.😦

  8. duking, ate lambing at dabiid salamat sa pag like…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s