Nilalangaw na blog…

Katulad ng dati sa umpisa lang madaming dadalaw tapos sa bandang huli wala na. Tinamad akong bisitahin ang lungga ko for almost 1 month ata kasi wala akong makitang bumibisita. Dumadalaw naman ako kaso di ako nagpopost.

Aminado akong super busy ko sa work at sobrang tinamad ng magpost. Feeling ko kasi wala namang babasa at wala namang halaga ang blog kong ito…

Almost six months na since i have started to create this blog and from this moment i want it to be deleted, namis ko lang siguro yung mga taong kumilala at nagbigay inspirasyon sa akin upang buuin ang blog na ito…

Ewan ko ba… bawi nalang ako sa 2011. Sa ngayon eto nalang muna ang huli kong post… Magiging busy na din sa darating na new year at kaiinis kasi walang signal ang smartbro sa bulacan.

Godbless mga bloggers… Merry Christmas and happy new year nalang….

20 responses to “Nilalangaw na blog…

  1. heto ang flytrap hehehe manliligaw ka ulit kay ______e_______ di ba? dadami ka ulit maisusulat, imbes na langaw, mga ibon na ang dadalaw hehehe

  2. if ronalee is right, then it is so. if not, then it^s gonna be __a_____e____ wahehehe good luck! if they aren^t, then maybe you could just leave crumbs, seeds or some kernels for the birds, they^ll take care of the flies… :d at least some vagrants like me would have something to discover parang easter egg hunting lang :d

  3. good luck to you then. sana maliwanagan ang isip at maantig ang puso ni R…. O… … … hehehe. mapupuno ng tubo na dito hehehe at makakapag-iwan ka na dito ng mais yiihii para sa bagong taon, bagong pag-asa, panibagong tibok, panibagong kibot haha

  4. Happy Holiday~ enjoy mo lang… at hindi naman nangangahulugan na nakalimutan ka ng mga kaibigan mo dito sa blogworld…

    tulad ko busy rin ako kaya wala masyadong maipost, ang matalik kong kaibigang si Jkul sia ang dahilan kung bakit ako gumawa ng blogsite, pinursige nia ako hehehe, natuwa naman ako samga naging friend ko dito…

    Wag na u malungkot, sigurado busy lang ang mga tao ngaung buwan…😀

  5. @ Cuteberl..!
    happy new year..!😉

  6. Madrama, 2011 na.

    Nagpupunta din ako dito, hindi mo lang alam, hindi mo lang alam pero oo oo oo.

    Happy New Year.🙂

  7. Blessed New Year!

  8. ako rin kaya, nagpupunta rin ako dito pero since wala naman bago at same din naman sasabihin ko pag ipo-post ko pa diba? para rin yang tindahan e, kung yun at yun ang paninda at matagal na, hindi nga malabong langawin.

    saka payong kapatid cute, wag ka mag-blog for comment and hits unless nagba-blog ka for money or biz. blog ka lang ng trip mo na alam mong magbibigay ng inspiration/information/entertainment din sa iba. kusa silang aaligid sa’yo. although siempre masaya yung mataas ang hits at maraming comments. mabuhay and happy new year!

  9. Wala pang bagong update?

    Ikaw nga ang hindi nagpupunta lagi sa bahay ko eh. Madaya ka.🙂 Hihihihi

    • anong hindi jkul.. hahaha… dumadalaw ako. bibihira lang. nagkomento pa nga ako doon sa puro pangalan at buong buo ang name ko doon. may bago akong poste. padalaw nalang po ha..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s