BUHAY NI CUTEBERL PART 1/2

Ika-9 ng Setyembre may pinanganak na nilalang sa mundo na nagngangalang “-=CUTEBERL=-“. Isinilang sa isang kwarto sa hospital ng JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL. Doon unang ngumawa, natae, at nabigyan ng buhay ang isang nilalang na nagsusulat ngayon ng akdang ito.

Sino nga ba ako? Ako nga pala si BERLIM MABBORANG LIMBAUAN, 22 yrs old(mag23 na…), kasalukuyang nakikitira sa 1130 Arlegui Street, Quiapo, Manila. Ngunit ang tunay na lungga ay sa Marilao Green Subdivision, Loma de Gato, Marilao Bulacan.

Paano ko ba ikwekwento ang buhay ko? Gusto niyo bang malaman? Sige na nga……

Lumaki ako sa 9th Ave. Caloocan City. Batang Galino ang tawag sa amin.Siguro mula bata hanggang ikalimang grado ay doon kami naktira sa Caloocan.

Simple, uhugin, lampa, iyakin, makulit at iba pa…. Iilan lang yan sa tawag sa akin. Matalino daw ako sabi ng magulang ko. Ikaw ba naman ang walang palakol at nakikipagunahan sa TOP 1 eh. (Di ko naman pinagmamayabang sakto lang…). Kaso nabago ang lahat ng lumipat kami sa Bulacan.

Nagtapos ako sa elementarya ng SALUTATORIAN at BEST IN MATH (bawal daw kasi magTOP 1 ang transferee kaya ayun.). Naging taong bahay. Naging tahimik. Halos ayaw makipagkaibigan. Naging bookish na ang naging tanging kaibigan ay si WEBSTER at si ENCYCLOPEDIA. Bahay’t eskwelahan lang ang drama ng buhay ko noon.

Tumuntong ng Hayskul sa isang pribadong paaralan bilang iskolar. Hirap sa una pero napagtagumpayan naman. Halos lahat pwesto sa patalinuhan ay nadaanan ko mula TOP 10 hanggang TOP 2. Isa nalang ang hiling ko noon , mapalitan ko ang pwesto ng magaling naming kaklase pero nabigo ako…

Sa hayskul ko din naranasan ang pinakamasakit na nangyari sa aking buhay at iyon ay nang mamatay ang aking Kuya at PAPA. Sobrang sakit noon na hanggang ngayon ay may parte parin ng buhay ko na nasasaktan.

Nagtapos ako sa hayskul bilang SALUTATORIAN uli, kala ko sa libingan na ako magtatapos kasi sa huling mga buwan ng pagtatapos eh nakaratay ako sa hospital at sa bahay… Di ko expect ang nakuha ko sa dahilang alam ko naman na may mas karapat dapat pa sa akin pero ayon sobrang bait sa akin ni GOD noon kaya ayun sa akin pa din napunta. ACHIEVER AWARD at LOYALTY AWARD ang ilan pa sa mga nakuha ko kasama ng mga sandamukal na iskolarship ng mga walang kwentang Gobernador at Mayor ng aming lalawigan. Di ko din kasi nagamit lahat ng ibinigay nila…

Naisipan kong sa Maynila ako papasok ng kolehiyo kaya naghanap ng paaralan na papasukan. Lintik kasi yung hayskul principal namin di pinasa sa UP yung application namin kaya ayun… sa TIP-Manila ako dinala ng mga paa ko. Natawa ako kasi kasama ko pa si Mama ng nagtatanong kami ng mga requirements eh sa kasamaang palad kumpleto na pala kami tapos ang TIP nagooffer ng iskolarship kaya ayun walang nagawa inenroll kasi ako kaagad ni Mama. Saan ka kasi makakakita na pribadong institusyon tapos dalawang libo mahigit lang ang matrikula. Panalo di ba?

Kumuha at nagtapos ng kursong INHINYERONG PANGKOMPYUTER “COMPUTER ENGINEERING pangit sa tagalog eh.” Di man ako SUMA, MAGNA O CUM LAUDE tulad ni kuya PONG eh kabilang at nakasama sa pinagpilian bilang “ONE OF THE TOP3 MOST OUTSTANDING COMPUTER ENGINEER OF 2009”. Yun nga lang di ako ang naging TOP 1. hehehe pero ayos lang kasi tropa ko naman yung napili…

Sa ngayon, kumakayod ako sa isang pribadong bangko sa MAKATI. Di ko kinukuha ang pambuhay sa aking sarili at minsan pantulong na din sa aking magulang. Ok na ako sa trabaho ko ngayon. Sana ok din ang pagtingin nila sa mga ginagawa ko. hehehe. Masasabi kong “IAM IN GOOD HANDS” na. Di ko na kailangan mag”FIND WAYS” pa. hehehe BDO…

Masyado nang mahaba… sa part 2 itatalakay ko naman ang muli kong kapanganakan. Ito yung pangalawang kapanganakan ko o sa ingles “SPIRITUAL BIRTH.”

——————————————————————————————————————–

Pwede ba akong manghingi ng regalo sa inyo… Hindi pera o gamit kundi simple pag bati lang yung katulad ng hiling ni kayedee(hehehe peace kayedee nainggit lang ako…). Sana mapagbigayan niyo ako.. Hanggang alas dose ng gabi ng Ika-9 NG Setyembre ko hihintayin ang regalo niyo ha…. salamat…. Pasend nalang po sa email ko…. berlim_limbauan@yahoo.com…. SEPTEMBER IS BOTH MY PHYSICAL AND SPIRITUAL BIRTH KAYA IAM BLESSED….

54 responses to “BUHAY NI CUTEBERL PART 1/2

  1. base! ahaahha!!
    xge na ikaw na ang matalino!! ahhaalol!!!
    waw!!WEBSTER at si ENCYCLOPEDIA.!! neird! jowk! ahahalolz!

    aysus! yun lang pla eh!! teka.. bad timing nman! my pimples ako sa ilong! bwahhhh!! peo xge ihihide ko nlang! ahahalolz!

    belated!!! mwahh!

  2. Wow! Achiever talaga!! Maipagmamalaki ka ng sinumang magulang!!!

    Ang galing mo! Ipagpatuloy mo yan! Malayo ang mararating mo! Tiyak yon! Magsumikap ka lamang hehe

    Maraming salamat po! At susugod kami sa inyo para makibertdey hehehe

    maligayang kaarawan, berl! Para sa matiwasay, maunlad at masayang buhay!!

  3. advance haberdei sa iyo sir berl
    achiever ka pala, to God be the Glory

    ang TIP ba ay hindi state college?

    anyway, mapalad kami at nakilala ka namin at sa pagiging matapang mo.

    sabi ko nga keep on blogging and inspiring others!

    be blessed!

    • Hindi kuya.. Institusyon yun. Mas mapalad akong nakilala ko kayo. Malulupet at magagaling na bloggero. Sa inyo nabuhay ang katawang bloggero ko… YOU ROCK MY WORLD ika nga ni Ai Ai.

      Natuwa kasi ako sa post mo kaya naisipan ko nang wag itago ang pangalan ko total pinaglantaran na ni kayedee at tatang JKUL yung fisrt name ko eh nagiisa lang ako sa mundo kaya madaling hanapin…

      Salamat sa pag dalaw…

  4. Anong gusto mong regalo,’yong larawan ko na tanging putik lang ang nakatakip sa maseselang bahagi ng aking katawan? O iba pa?

    Bakit ang tatalino ninyo? Bakig gay-on?

    Sa buhay ko wala akong na-achieve pero palong-palo ang buhay ko.

    Magsasabi ka lang na birthday mo, maghahanda ka din? Saan?

  5. wow. mag bertday ka na! huwaw naman.

    ay pareho kayo ng course ng bunso kong kapatid ang galing ah!

  6. Shaks! katalino naman palang bata nire🙂

    Happy Birthday Berlim!!!

  7. lapit na bertdey!

    haberdei naman!

  8. habertdey!!!🙂 hehe . pa comment muna.

  9. naks naman oh…ganda ng credentials..mr. genious pala si Berlim…

    advance happy bertday ulit Berl…

  10. Nagpadala na ako ng pagbati cuteberl. Kasing cute mo pramis

  11. happy birthday. sana september na lang ako ipinanganak, baka sakaling naging matalino ako hehe
    🙂

    • wala naman po yan sa buwan kung kelan ka ipinanganak eh sa sipag mo po yan na magaral. salamat sa pagdalaw. aasahan kong lagi ka nang bibisita. muli maligayang pagpasok sa aking mundo..

  12. una sa lahat hapi bertdei!!!!……salamat sa pagdaan sa haws ko…meron na pala akong new post…entry ko sa patimpalak ng saranggola blog awards….

  13. Happy na birthday pa!!! Have fun😀

  14. maligayang kaarawan berl.

  15. Maligayang kaarawan Berlim.

  16. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ! booooom boooom *fireworks* whooosh!!!!
    HAPPPPPPYYYYYY BIRTHDAAAAAAY !!!!!! booooooom boooom !!!! ang usok . hahaha . bertdey to yuuuu berliiiiiiim😀

    – gayle^^

  17. sasaglit lang at babati ng isang mapagpalang araw ng kaarawan sa iyo sir berl. God bless

  18. happy birthday cuteberl!

    galing-galing naman, achiever ka pala.

    alam ko kung saan ka nagwo-work yan ang bangko ko e. saka yung inaaway mo. wahahahaha!

    pareho naman kasi kayong top banks in the Philippines.

  19. happy birthday berlim!!!! mwaaaah!!!

  20. papapahuli ba naman ako jan, happy bertday cuteberl.

  21. 5 days late na pero happy birthday pa din

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s