WALANG ITITIRA III: BERLOG’S WORLD: Paano ka nga ba nabuo?

Sa paglalakwatsa ko sa totoong mundo dito ko nakasalimuha ang isang nilalang na sobrang tahimik at laging gustong mapag-isa. Di ko na babanggitin ang pangalanan niya sa dahilang baka magalit pa lalo siya sa akin. Matagal na akong bloggero. 2007 ata ng una kong halughugin ang kuta ng mundong ito. Siguro kilala niyo ang bloggerong si Fjords at ang blog niyang HIRAYA. Sa kanya ko unang nakilala ang mundo ito pero nagsimula ako sa mundo ng BLOGGER.COM. Doon ko unang inilimbag ang mga laman ng utak kong sobrang likot. Doon ko binato ang unang mga kataga na nabuo sa isip ko. Pero iniwan ko iyon upang makisalamuha sa  bagong mundo at ito ang WORDPRESS.

Mabalik tayo doon sa taong unang naging dahilan bakit nabuo ang BERLOG’S WORLD. Sa dahilang gusto ko din makilala siya binuo ko ang mundo ko sa WORDPRESS at iniwan ang mundo sa BLOGGER.COM. Matagal na din akong di nagbloblog at noong araw lang na yun sinubukang magbalik bilang isang bloggero. LIBRE LANG MANGARAP ang kataga ng mundo niya. Sa lungga niya ako unang nagiwan ng komento at unang nakisalamuha sa mundo ng WORDPRESS. Sa lungga niya rin unang nakilala ang dalawang makukulit na bloggero. Si Kuya Pong na sobrang astig magpayo at ang walang kakuspas kupas na si J. Kulisap.

Sa pagsunod ko sa lungga ng dalawang matatanda, este magagaling na bloggerong ito marami din akong nakasalamuha. Nandyan ang kala ko na masungit na si Geylii na di naglaon ay napagtripan kami at nagkaroon na issue. Sina Joyo, Jongskie721, Aninipot, Len at Kayedee na parang mga diwata din sa mundo ng blog. Magaganda at mahilig magiwan ng komento sa lungga. Si Arnie naman na naging kakulitan ko at isa sa pasimuno ng issue sa amin ni GEYLII. Tapos napadaan din sa lungga ni Duking: na siyang salarin kung bakit di kami nanalo kasi sa pangalawang patimpalak ni JKUL siya pa rin ang nanalo. Papaabangan ko nga yan sa kanto para mabawasan ang mga katunggali ko. Biro lang.

Sa mga patimpalak ni MR. LIBRE LANG MANGARAP at ni JKUL, marami na din ang dumaan sa lungga ko na halos ang email ko ay mapuno at umabot na sa anim na libo. Walang halong biro. Dito ko nakilala din si DIONISCIO na taga Bulacan din pala at mahilig magkamot ng BA___. Na halos ang poste ay may halong kalibugan at kakulitan. Pwede nga sila magsama ni Romeo ng Roomboy1987 pero mababait naman sila. Kumbaga sa hayop eh kahit papaano domesticated naman.

Nandyan din si YIN na noong patimpalak sa sobrang tinamad magkomento ay copy at paste ang ginawa. Magpapahuli ba sina livingstain, ಞ badet , Lambing na parang kabuting susulpot na lang sa poste mo. Dahil sa walang magawa. Naisapan kong maglakwatsa at pumunta kaya naisipan kong magMRT nalang. Kaya sumakay ako at nagpaalon sa dumaragasang tao sa nasabing sakayan.

Bumaba ako sa BONISTATION para saglit lang na umihi. Tapos sumakay uli ako. Sa MOA ko balak sumulat ng mga pitak at tula para maging isang daydream believer na kung saan ay parang nangarap ng gising habang nagiisip ng mga pamagat sa gagawing posteng ito nang biglang may napansin ako sa pader na MACHONG BUTIKI at nasabing “Taragis.com may nakalimutan ata ako”. Laking gulat ko din ng may nakita akong taga-bundok na napadpad sa MRT station upang hanapin ang alagang TIMANGKEY at  Jasonhamster.

Habang naglalakad at papunta na ako sa MOA ay may nakita akong PINOY NA PINOY kainan at ang specialty ay Beeftapa. Natuwa naman ako kasi sobra na talaga yung gutom ko. Kaya naisip ko na kumain na doon. Di ako nagkamali at sobrang sarap ng beeftapa nila. Sa pagpunta ko ng MOA may nakita din ako na building at may nakalagay na Dorm Boy: From Men’s Dorm to Real World. Natawa ako kasi tama naman ang nakalagay doon kasi dorm yun at paglabas REAL WORLD nga. Tapos wag ka may nakadikit pang Chevybo: Part time. Ano kayang part time yun? At parang familiar sakin yung name. Ah si CHEVY kung love triangle namin. Ahahah. Makapagapply na nga lang. Kaya imbes gumala ay humanap ng computer shop para gawin ang RESUME ko. Sakto sa isang sulok ng MOA ay nakahilera ang mga shop na ito: raspberryreich, onesoundrum, iamronel.com at sunnystarfish. Naisipan kong doon nalang pumasok sa IAMRONEL.COM. Dali dali kong binuksan ang email ko pero iba ang bumungad sa akin at ito ay ang sangdamukal na updates na mga dinalaw kong blog kaya sabi ko wag na nga lang akong magapply at magbloblog nalang ako. Kaya ayun. Back to blogging.

Kasabay ng pagbabasa ko ng mga librong “AL-KAPON: Ang Bagong kabanata ng buhay ni Alberto Kapondoy”, “JEX: WHO I AM”, “kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI”, “NEIL DALANON: KAPE AT KWENTO”, “Nikka: The Journey”, “Rovic’s Simple Mind”, “The Daily Blah: Stop Talk-Talking That!”,” the odd one out: from the inside looking in”,”The Y Files”, “Ysae: Serv Easy” at “Leemi” ay ang pagbabalik ko sa pagsusulat at paglalathala ng mga akda at mga bagay-bagay na napapanahon at mga bagay na makatotohanan. Parang nasa telebisyon lang noh.

Kaya sa bandang huli makikipagunahan pa din ako kanila salbehe, Sphere, ETCHOSERA at sa ibang mga kakilala kong bloggero sa pag base ng mga bagong poste. Magkokomento, mangaasar, mangungulit at maglalambing sa mga inyo. Kaya sa muli kong pagbabalik humanda na kayo.

Paano nga ba nabuo ang BERLOG’S WORLD? Simple lang. Ito ay nabuo sa dahilang may mga taong dumaan, nakipakulitan, nakiBASE at sumabay sa trip ko at sa alon ng blog ko. Salamat sa inyo.

———————————————————————————————–

Ikaw. Ikaw nga na di naisama sa mga nasa itaas. Di ko man kayo naisama ay parte parin naman kayo ng blog ko. Dalaw lang ng dalaw… At yung bandang huli ginawa ko lang yan di totoo… imahinasyon kumbaga…

56 responses to “WALANG ITITIRA III: BERLOG’S WORLD: Paano ka nga ba nabuo?

  1. naaliw ako paano mo napagtagpi tagpi ang mga link mo at naging isang kwento.

    magaling sir berl!

    keep on writing not because you are oblige to but because you love it!

    be blessed!

  2. ohlala.. wow naman kuya berl.. astig to.. grabeh ang likot talaga ng isip mo at nabuo mo itong maimahinasyon mong poste.. salamat rin po dahil nailink mo ako..

    God bless po..

  3. galing naman! blog for a reason and a purpose!

  4. Binasa kong mabuti dahil kapag nakalimutan mo ang pangalan ko ay babatukan kita. Hahaha. Joke lang. Maraming salamat sa mention. Hindi na ako makapagbase, busy me much, hintayin mo ang aking petiks mode sa last week ng Sept, mangingibabaw na naman ako sa pag-ba-base. =)

  5. Boss, matagal ka na palang nagsusulat sa blogesperyo.

    Akin pong karangalan ang mapabilang sa kuta ninyo.

    Magandang umaga po.

    • oo kuya jkul matagal na pero bigla akong nwala sa dahilang naging busy sa pagaaral noon kolehiyo ako. tapos noong nakilala ko si MR. LIBRE LANG MANGARAP eh nagbalik uli bilang bloggero.

  6. Hinanap ko pangalan ko dahil kung wala uutusan ko si Jess na abangan ka sa kanto mura lng kc bayad sa kanya 2500 isang ulo pero dalawang ulo 4000k diba may discount ahahaha joke lng Berlim🙂

    salamat at bakit walang kape don sa kusina? yung duyan putol ang tali, ung betsin nakalagay don sa garapon ng para sa asukal, yung lata ng MY biscuit nawawala🙂 pagbalik ko dapat may nakahanda na ang almusal, tanghalian ang hapunan syanga pala dito maghahapunan sila kumare mag totong its kami ahahaha wala lng wala akong masabi nahilo kasi ako nakipaghabulan ako don sa camel kanina bago pumasok nakakapraning pala ang….. to be continued

  7. wooot!

    andun nga pala naman ang pangalan ko…

    nasabi na nila lahat ng compliment…watelse you want to hear sir????hehehehe
    🙂

  8. nag-update ka ng blogroll?😆 hehehe… kung san-san man tayong lupalop ng mundo … nagkakasalubong pa rin tayo sa mundo ng blogosperyo…

  9. Nakakatuwang nahabi mo ang isang kwento batay sa iyong karanasan dito sa blogging world. Ang akala ko nga noong una ay anibersaryo na nitong blog mo kaya inalala mo ang pagkakabuo ng Berlog’s World.

    Maraming salamat at nadamay ang blog ko sa mga tinuran mo. Hindi man ako naging gaanong aktibo sa blogging at bloghopping nitong mga nakalipas na buwan, ako’y nagbabalik sapagkat natapos na rin ang ilang personal na pinagkaabalahan. Asahan mong isa sa mga madalas kong dadalawin ay itong blog mo.

    Salamat uli. Be blessed!

  10. kasalanan mo rin kung bakit ako nanalo.at least man lang,dapat binigyan mo ako ng zero.hahaha!

    salamat ulit.

    parang pelikula lang ito na pinoy action movie.

    ‘walang ititira part 3’

    kaning lamig sa kaldero ang pumapasok sa isip ko.hahaha!

  11. naks! namen… tagal mo na palang blogger .
    ikaw si Fjords? or friend mo din yun? sa naalala ko, sa taong yun, kasabayan mo ang mga makukulit na sina gasti, badudels at jeck (astiging mamon)… at may WP Pinoys forum pa ata noon eh.

    ay, naalala ko lang po naman.

    gandang araw berl😀

    • tubi. si fjords batchmate ko yun. parehas kami ng university na pinagaaralan. 6yrs ko nang kaibigan yun. hehehe. bigay mo sakin email mo para bigay ko sayo luma kong kuta. hehehe. buong pangalan ko kasi ang andun.

  12. hmm… cge.. pakisend nalang sa email add na nkalagay dito sa pagcomment ko.😉

  13. cuteberlllllllll,,, gawa ka naman ng part 3. hehehe.

    sama mo na tong link na to.

    http://lipadlaya.wordpress.com

  14. @ Cuteberl..!
    ang galing naman..!
    napag sama sama mo lahat yun..?
    hahahahahahahaha..!😉

  15. tmGbfK capigugvlbnb, [url=http://hvtlrcxaxlpq.com/]hvtlrcxaxlpq[/url], [link=http://owgimjszhhgn.com/]owgimjszhhgn[/link], http://kyyyhanldycc.com/

  16. @ Cuteberl..!
    lagi akong naandito..!
    di man ako nag iiwan nang komento..,
    lagi kong inaabangan ang…
    mga sinusulat mo..!
    miski nung…
    pansamantala kang nawala..!
    bumabalik ako..!
    i’m sure…
    makikita mo yan sa…
    blog stat mo..!
    anyway…
    ikaw nga ang hindi bumibisita sa akin eh..!
    hahahahahahhahahaha..!
    infact..,
    iniisip ko nga kung bakit..!
    dahil ba..?
    hmmm..?
    bakit ng ba..?😉

    • alam ko naman un eh. pagpasensyahan mo na ang aking malimit na pagdalaw. bibihira din ako makadalaw sa iba. madami kasing inaasikaso. Nakikita ko ung stat at dumadalaw ka talaga. mali siguro ung pagkakaintindi mo dun sa sinabi ko kanina. ang gusto kong sabihin doon dalaw ka lagi at wag kang magsasawa. salamat. hayaan mo dadaan din ako.

  17. wow i’m so tats naman at nailathala na pala bilang libro ang aking blog. wahahaha

    thank you rin sa pagbisita sa aking mga hoshilandia (SR & JR), ang makatanggap ng comment ay nakakatuwa lalo na kung sincere. and for me, ang mga comments mo ay okay sa alright.

    basta, what i can say in my almost three years of blogging. hindi mo lang nai-express yung ideas and opinion mo, mas napapalawak mo yung pang-unawa mo kapag nagbabasa ka rin ng ibang blog. at the same time, nakakilala ka ng iba’t ibang tao na magpapangiti sa yo kahit man lang sa pag-open mo ng pc. ayeee

    mabuhay!

  18. huwaw!ang saya ko naman at namention ung blog ko sa post mo, hehe

    thank you po ng madami!napadaan na naman ako, (^_^)

  19. Tama ka Berl yan din ang simula nung ako ay nag-blog dahil dahan-dahan ay may nakapansin kaya ayun tuloy-tuloy na…maraming nakipagkaibigan…masaya magshare ng kabutihan…God Bless!

  20. nabasa ko na to kahapon eh , d ko palang natatapos.
    muka bang masungit si geylii ? haha ! sunugin! haha .teka tapusin ko muna

  21. wow!
    ang ganda ng pagpapahalaga sa friendship!

    sana makasama din ako dito kuya! hehe

  22. wow nasali ako! ehehe
    pacenxa kna kuya minsan lang ako nadalaw😀 ehehe
    happi beerday powh!
    jejejeje😀

    nakakatuwa at naging parte ako ng berlogs world😀 hehe😀

    HAPPY BEERDAY UET ! MOA MOA MOA

    chixmax : ikaw ah, may issue pla kea ni geyli.. hehe ngayon ko lang nalaman yun ah, asarin ko nga yun😀 tahahaha

  23. hehehe…. pasaway ka badet bkit dito ka nagreet. hehehe anyways thanks to you,….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s