PAGIBIG: KAPAG NAGMAHAL KA NG TOTOO PARANG AYAW MO NANG BUMITAW!

Kung pag-ibig ang paguusapan tila isa itong malawak na karagatan na iyong tatahakin upang makita mo lamang ang islang iyong inaaasam. Parang isang laro na iyong sisikaping pagtagumpayan makamit mo lamang ang iyong gintong medalyang gustong makamtan.

Buksan natin ngayon ang ating isipan sa makamundong aspeto nang pag-ibig. Sikapin natin unawin ang lahat ng mga nangyayari ngayong makabagong henerasyon. Babaybayin natin ang mga istorya ng maling pag-ibig na umiiral sa ating lipunan ngayon.Sadya nga bang magulo na ang mundo? Sadya nga bang baliw na ang mga tao? Babae sa babae nag iibigan. Lalake sa lalake nagmamahalan. Ano nga bang dahilan ng lahat ng ito? Bakit nangyayari ang ganito?

Sa ngayon kung ating titignan ay parang parte nang buhay ng tao ang ganitong mga kaganapan. Sa katunayan naging legal na sa ibang bansa ang ganitong relasyon at pag-iibigan. Ako di ko sila masisisi na magkaganoon sila sa dahilan siguro’y iyon na ang nakalakihan at nakagisnan nila. Ang mga ADAN may pusong EBA. Ang mga EBA kilos ADAN naman. Sa katunayan hindi lang naging korap ang bansa natin sa pisikal na aspeto pati mentalidad ng tao nakorap na din. Nakakalungkot na katotohanan pero sa iba parang normal nalang.

May mga kaibigan ako na nasa maling pag-ibig at relasyon ngayon, sabi nila nagmamahalan lang daw sila at mahal nila ang isa’t isa.Napaisip at napatanong tuloy ako. Sino ba ang nagpasimuno ng maling metalidad at pag-ibig na ganito?. Naalala ko tuloy bigla ang mga nabasa ko sa Bibliya noon.Namana nga siguro natin ito sa mga ninuno natin na ayon sa Bibliya ay nagkasala at gumawa ng mga maling relasyon. Nakakalungkot lang na di nila sinunod ang tamang relasyon at pag-ibig na plano ng DIYOS sa atin. Si EBA ay para kay ADAN at si ADAN ay para kay EBA. Hindi yung ADAN sa ADAN at EBA sa EBA.

Sa totoo nga niyan, sinubukan kong isipin at ilagay ang aking sarili sa kanilang kalagayan. Sinubukan kong tanungin ang aking sarili kung anu kaya kung ako ang nagkaroon ng maling pag-ibig? Ano kaya ang kinahinatnan nito at sino kaya yung taong minahal ko? Kaya upang mas maunawaan ko sila. Ako’y nagsaliksik at nagtanong tanong sa iba. At sa sobrang pagnanasang mas maintindihan ko ang lahat ng nangyayari sa maling pag-iibigan, pati panonood ng INDIE na palabas di ko pinalampas. Hindi ko itatago na halos sa mga napanood kong INDIE film ay may halong sekswal na parte pero sa totoo lang madami din akong napulot na aral sa pagsasaliksik ko. Halos kasi sa INDIE film ay tungkol sa mga totoong nangyayari sa buhay ng tao,tungkol sa maling relasyon at pag-ibig at halos sa mga ito kapupulutan mo ng aral at malilinawan ka bakit nagkakaganito ang bagong henerasyon ngayon.

Simple lang ang napagtanto ko sa pagsasaliksik at paghahanap ko ng kasagutan sa mga tanong ko, na sa buhay pag-ibig mali man siya o tama, iba-iba man sila ng mga panuntunan at mga basehan sa dulo nito isa lang ang naging dahilan nila NAGMAHAL LANG SILA NG TOTOO. Naging totoo lang sila sa mga naramdaman nila. Naging bokal lang ang kanilang paglantad sa tunay na sinisigaw ng puso nila. Oo mali nga talaga ang mga ganoong relasyon at pag-iibigan pero dapat din natin silang irespeto at igalang. Aminado akong gusto kong tulungan sila na maiayos ito pero gaya ng sinasabi ko kailangan lang natin silang irespeto at unawin nalang. Mahalin nalang din natin sila gaya ng pagmamahal ng DIYOS sa kanila at sa atin.

Naalala ko tuloy ang binitawan na salita sa pagtatapos ng isa sa huli kong napanood na INDIE film at ito ang magiging huling parte ng aking sanaysay. Ang sabi niya ay ganito “Kapag nagmahal ka nang totoo, makakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo. Pero handa kang harapin ang kahit ano basta magkahawak kamay kayo. Dahil kapag nakita mo na ang taong para sayo, ayaw mo nang bumitaw…”.

————————————————————————————————————————

Eto ay ang aking lahok para sa patimpalak ni Kua JKULISAP sa kanyang KM Espesyal na Edisyon.

Sa mga magiging hurado at sa mga babasa nito, sana magustuhan niyo ang poste kong ito. Kay Kua JKULISAP salamat sa dahilang may mga ganitong patimpalak na binubuksan ang aming kamalayan upang ito ay maging malaya.

To GOD be the GLORY… GODBLESS…. ENJOY BLOGGING….

120 responses to “PAGIBIG: KAPAG NAGMAHAL KA NG TOTOO PARANG AYAW MO NANG BUMITAW!

  1. Nakakatuwang isipin na minsan sa buhay ko ay sobrang nagmahal ako sa puntong walang tama o mali. Walang matalino, walang bobo. Naniwala akong sa pagmamahal ang kailangan lang ay nagmamahal. (copy paste lang ito sa blog ko kasi swak na swak sa tema ng pagibig mo)

  2. ayun meron ka din pala…basahin ko mamaya medyo busy lang…🙂

  3. Berlim, malawak ang kapasidad ng puso..masamang lumalaki ang puso pero ngayon, ang lunday na pag-ibig at ang hinutok na kaalaman mula sa iyong kapaligiran ang nagpapatunay na walang kasarian ang pag-ibig.

    Mahusay at I love you Berlim.

  4. Pabisita Cuteberl. Ang lalim ng tema ng iyong poste ng pag-ibig…medyo maselan…maraming katanungan ika nga. Ang sweet naman ng iyong nasambit na:

    —-“Dahil kapag nakita mo na ang taong para sayo, parang ayaw mo nang bumitaw…”. at talagang totoo ito.

    • yup. ang buhay pag kasama natin ang taong para sa atin at magkahawak kayo ng kamay parang safe ka na sa piling niya. salamat sa pagbisita superlolo. isa ka sa bagong blog na dumalaw. salamat. balik ka lagi. add na kita blogroll ko.

  5. sorry, binura ko ang lahok ko kay jkulisap, hindi ko nalinawan na sanaysay pala ang kailangan nya.

  6. minsan kasi kapag nagmamahal tayo emosyon ang pina iiral naten.. kaya kahit mali jinu justify naten mapagbigyan lang yun gusto mong maramdaman.. pero kailangan din natin basahin ang biblya kapag mali mali at ang pag gawa ng mali ay pag suway sa Diyos kahit nagmamahal ka lang.

    pipiliin ko pa rin gawin ang tama dahil doon nalulugod ang Panginoon.

    • oo naman po kahit naman po ako mas pipiliin ko ang tama. Pero syempre po need natin irespeto sila. Ang tanging mgagawa natin ay upang iparamdam sa kanila na mahal sila ng DIYOS at soon to be naman marerealize at kakatukin ng DIYOS ang bawat puso nila. ONLY GOD KNOWS KUNG KELAN YUNG BASTA MAGING INSTRUMENT LANG TAYO FOR HIS GLORY.

  7. hi poh
    ganda ng post mo
    reality talaga xa.
    nangyayri talaga xa ngayon.🙂

  8. Kapag nagmahal ka nang totoo, makakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo. Pero handa kang harapin ang kahit ano basta magkahawak kamay kayo. Dahil kapag nakita mo na ang taong para sayo, parang ayaw mo nang bumitaw… – totoo ito..ang gawa mo’y tlgang nangyayari sa realidad..

    eye-opener.

  9. haha! d ko alam, hindi pa ako nagmamahal ng totoo😀

  10. kailan ba masasabing mali ang relasyon? kapag minahal ni eba si eba at ni adan si adan?

    kala ko ba walang mali sa pag-ibig, pero naisip ko din na walang mali sa pag-ibi, sa relasyon meron.

    • Hmmm. Paano ko ba sasabihin ito. Mali po talaga ang same sex love eh. Wala po talagang mali sa pagibig as long as sa tamang tao ka. kung babae sa lalake dapat at kung lalake sa babae. Salamat sa pagbisita. tagal mong nawala sa blog mo ah. maligayang pagbabalik.

  11. walang mali sa pagmamahal hanggat wala kang tinatapakang ibang tao =)
    un lamang po …

    elow berlim =)

  12. nice post po.. base yan sa realidad na nangyayari sa mundo natin.. nakakalungkot nga dahil hindi nasunod yung tamang relasyon na plano ni God sa atin.. di ko rin masisisi ang mga eba na nagmamahal ng kapwa eba at adan na umiibig ng kapwa adan.. bugso ng kanilang damdamin yun.

  13. Para sa mga kapatid kong naligaw ng landas sa pag-ibig, salamat sa pang-unawa, berl. =)

    • hehehe ate kuhracha salamat sa pagdalaw sa aking munting mundo. patuloy ko silang uunawain at mamahalin at tutulungan ko silang maayos ang mali sa buhay nila….. love you ate kuhracha and GOD loves you more.

  14. para sa mga taong nagmamahal ng lubusan at totoo…maging ito man ay mali at kakaiba sa paningin ng ibang tao at sa lipunan kanilang ginagalawan ay balewala lamang itong maituturing…sabi nga nila ang isang bagay na pinaguugnay ng pagmamahal ay higit pa sa anumang bato ang tibay at anumang unos ang dumating at maranasan tiyak na kanila iyong maaalpasan sa tulong at paggabay ng bawat isa..

    Mali man sa paningin o hinahamak man sila ng mapanghusgang lipunan patuloy parin ang mga ganitong relasyon sapagkat sila ay nagmahal lamang ng totoo at wagas…
    🙂

    • wow lalim ah. mukhang may pinaghuhugutan boss ah. hehehe anyways, oo tama ka kasi naging ganoon ang mentalidad nila eh. minsan nakakalungkot pero minsan din mamangha ka kasi kadalasan sa kanila mo pa makikita ang tunay na pagmamahalan. ewan ko ba.

  15. Pingback: Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin

  16. ay FTW ito… sabi nga ni merkado kapag nagmahal ka ipaglalaban mo ang isang tao kahit di na masakyan ng kahit sino…

  17. gusto ko ung quote sa dulo lalo na yung “Pero handa kang harapin ang kahit ano basta magkahawak kamay kayo.”

  18. pag-ibig na totoo…may respeto…
    at buong pusong nagmahahal.

    napadaan lang po.
    ‘gandang araw!

  19. kailanman walang maling pag-ibig.
    kailanman hindi pwedeng ijustify ang isnag bagay na mali dahil kuno sa pag-ibig.
    dakila ang pag-ibig at dalisay.

    be blessed sir berl
    maganda ang entry mo

    • uo naman kuya pongskie. (hahaha. gumawa ng sariling tawag kay kua pong.) minsan nagiging mali lang dahil sa relasyon di naaankop sa paningin ng DIYOS.

      Masaya ako kasi dumalaw ang isa sa pina idolo ko ngayon pagdating sa blog.

  20. sabi nila, walang mali at walang tama pagdating sa pag-ibig. kung lahat lang sana marunong magmahal ng tunay at totoo, para sa kapwa tao, wala na sanang gulo. ano sa tingin mo?

    padaan…

    • tama ka doon jongskie. Minsan di man natin maintindihan ang tinitibok ng puso natin wala tayong magagawa kasi eto talaga ang nararamdaman natin. Only we can do is to love and be honest and sincere to the people around us. salamat sa pagdalaw. balik ka lagi ha.

  21. namarkahan ko na…

    bagamat sumobra ng mga salita sa talagang sinasabi sa panuntunan, wala akong makitang iba pang dahilan para ikaw ay matalo, magaling.

    • salamat. nagbigay na pala si kua JKUL ng listahan ng paglalagyan ng marka. di ko pa kasi nadadalaw ang aking email. muli salamat. namarkahan ko na din ang mga entry niyo kasi pinirint ko lahat tapos gumwa ako ng sarili kong excel file. muli salamat.

  22. @ Cuteberl..!
    ooppss..!
    parang di ako makapag comment..!
    hahahahahhahahahahhahahahahahahaha..!
    bigyan ko na lang ng grade..!
    kung ito ay…
    theme nang student ko…
    bibigyan kita ng 90 %..!
    goodluck sa contest..1😉

    • hehehe. nahiya naman ako sa markang binigay mo parang napakataas naman po. salamat po sa marka. di ko man matumbasan yung ibinagay mong marka ang puso ko naman ay naguumapaw sa saya sa dahilang naranasan ko na ding maramdaman ngayon na akoy isang bloggero sa dahilang marami nang dumadalaw sa aking maliit na mundo at isa ka na doon. muli salamat.

  23. Hello po! tama kayo, sila ay nagmahal lang ng totoo.. pero sa aking pananaw, pagdating sa pagibig, walang tama, walang mali.

    Nagbigay puntos! gudlak po!

  24. Hmn… same-sex relationships.
    Love conquers all sabi nila… homosekswalidad man. marumi at labag sa batas ng Dakilang Lumikha. Ngunit sino tayo mga ginawa rin ng Diyos para manghusga?

    Yung quote… napanuod ko nga rin yan sa movie. Si Joel Lamangan ata direktor nun. Ewan ko. Haha!

  25. Kapag nagmahal ka nang totoo, makakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo. Pero handa kang harapin ang kahit ano basta magkahawak kamay kayo. Dahil kapag nakita mo na ang taong para sayo, ayaw mo nang bumitaw…”.

    <<< hmm ang ganda nito Berl. Totoo yan handa ka sa maaring idulot ng pag-ibig dahil kasama na sa pag ibig ang masaktan at pag kakamali

    • etchosera salamat sa pagdalaw. kuha ko lang yan dun sa dati kong napanood na INDIE film. medyo mahalay na palabas pero kung tutuusin madami kang mapupulot na aral sa film na iyon.

  26. walang mali siguro sa PAGIBIG ewan ko naguguluhan na ako sa dami ng binabasa ko tungkol sa PAGIBIG ahahaha si Jkul kc🙂

  27. hi sphere. ako din sa dami kong binasa eh halos mabaliw na ako sa mga ginawa ng ating ibang mga kalahok pero ang dami kong natutunan.

  28. hmmm, sigor nga walang mali sa pag-ibig, pero hindi pwedeng kalimutan na may responsibilidad na kaakibat nito..minsan gugustuhin nating magpakalunod pero ang tanong?..kaya ba nating maging masaya kung hindi rin nman tahimik ang pagsasama?..

    tanggapin man o hinddi, reyalidad ng tao na kelangamng matanggap ng lipunan kung ano sya, walang mali sa personal na pamantayan dun nalang titingnan kung sino ang maaapektuhan..

    pampamulat ng mata ang entry mo.

  29. malalim. nakakahiya ang entry ko. hahaa

    • walang mali at tama sa mga entry. ito ay dahil may kanya kanya tayong interpretasyon sa pag-ibig. ang mahalaga bigyan natin ang bawat isa ng suporta at respeto. nabasa ko na ang blog mo bagkos hindi ako makapagiwan ng komento sapagkat ikaw ay nasa blogspot. Magaling din naman ang gawa mo. Malawak. Malikot na isipan at malalim na isipan ang meron ka.

  30. Sadyang maraming para ipamalas ang salitang pag-ibig.

    ipagpatuloy mong hasain ang kamalayan mo sabay ibalik din sa iba. sa pamamagitan nun. ipinamalas mo na sa iba ang pag-ibig

    • salamat jex. salamat sa pagdalaw sa aking mundo. oo di po ako magsasawang ipamalas ang aking talento at ishare sa iba kung anung meron ako. Akoy nalulugod sa dahilang dumalak ka sa poste ko. muli salamat ng marami.

  31. isa siguro ko sa mga taong aayon sa iyong pananaw mula sa mga nailimbag sa taas. totoong parang naging normal na ang ganitong usapin, nasa sine, nasa internet, sa mga babasahin at kung saan saan pang medyum ng komunikasyon, at nakakabagabag ang ipinapakita ng mga surveys. mahirap magsalita, ngunit mahirap din tumahimik. pero nais kong sabihn na hindi ako pabor sa ganong bagay. ngunit naniniwala din ako na ang lahat ay may pagkakataong magbago. hindi ko hinuhusgahan ang mga taong katulad nila, sa katunayan, madami akong kaibigan na involve sa ganong uri ng relasyon. wala din naman akong magagawa kundi samahan at kaibiganin ng sagayon kahit papaano ay makatulong pa rin ako in bringing out the best in them.

    • tama ka Gino. We are here to let them feel the love of the Lord. Kaya natin yan. Wag kang mapapagod na tumulong sa iba. Sabi nga ng pastor namin. We just need to plant the seed of Greatness to our friends, classmates, and specialty to our family. Just always remeber the two greatest commandment of GOD: LOVE GOD and LOVE PEOPLE.

  32. hisnameisdencios

    basta nagmamahal ka at masaya ka, may karapatan ka!

  33. pag nagmamahal ka naman, wlang tama o mali..basta nagmamahal ka, edad man, estado, o kahit sekswalidad.
    nahihilo nako kaka judge. hirap din pala. gagaling nio kc.😉

    aw.

  34. basta din kapag nagmahal ka, maging sinu pa sya!😉

  35. “Kapag nagmahal ka nang totoo, makakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo.”

    Komento lang po, hindi ba dapat kapag nagmamahal ka ng totoo e mas dapat wala kang pagsisisihan?

    Ako ay napadaan, nagbasa, nagbigay ng puntos at nag-iwan ng tanong. lol.

    • “Kapag nagmahal ka nang totoo, makakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo. Pero handa kang harapin ang kahit ano basta magkahawak kamay kayo. Dahil kapag nakita mo na ang taong para sayo, ayaw mo nang bumitaw…”.

      yan po ang buong sinabi. kung puputulin mo kasi mawawala ang meaning niya simplysaycheese.

      Mali kasi yung relasyon nila pero mahal nila ang isa’t isa kaya nung sinabi yan nung isa sa mga karakter ay kasama niya yung mahal niya ay magkahawak kamay sila. Mas maiintindihan mo yan pag pinanood mo yung movie.

      Salamat sa puntos. Mataas ba ang aking nakuha?

  36. mahirap idepensa ang ganitong kaselang bagay, marami talaga ang tutuligsa. Dati hirap kong intindihin ang ganyang bagay ngunit simula ng mamulat ako sa reyalidad, isa lamang ang napagtanto ko tao pa rin sila at bilang tao kailangan natin silang irespeto, at itrato bilang tao. Kung maging bukas lamang ang lahat ng tao sa ganitong bagay at hindi paiiralin ang pagkutya magiging maayos sana ang lahat. Hindi lamang sa seksual na paraan, madami. Sabi nga ni papa Jesus kung sino ang walang kasalanan sya ang unang bumato. Isang pagninilay. Mahirap ipakilala sa mga saradong isip ang ganitong klase dahil kung ano ang paniniwala wala ng saysay pa para magpaliwanag… kahit umabot pa ng baranggay… ang galeng kua cuteberl…

    • tabi-tabi po… ang tamaan… di na kailag. churi man pu!

      • salamat sa pagdalaw. may kanya kanya tayong pananaw sa kung anu ang tama at mali pero dumedepende yan sa lawak ng ating mga isipan sa tunay na realidad ng buhay. Ang magagawa lang siguro natin ay mahalin talaga sila gaya ng pagmamahal ni HESUS sa kanila. Walang halong pangungutya. Walang halong panghuhusga. Kasi naniniwala ako na darating din ang panahon na bubuksan nila ang puso nila sa pagbabago.

  37. Palong palo.
    Natutuwa naman ako. Dahil talagang nagbabasa ang mga contestants cum hurado.

    • hahaha block ka na naman kua JKUL. Syempre kailangan naming basahin ang lahat. una para na din matuto at pangalawa para makilatis ang bawat isa. Pero sabi ko nga sa pag-ibig walang mali at tama… UMIIBIG LANG SILA NG TOTOO.

  38. NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    padaan berl. perstaym ko dito.

  39. sa pag ibig hindi naman siguru mali ang magmagahal ng same sex, oo sa ibang bagay at may nakatalang MALI talaga, peru pinaguusapan ang pag ibig, itu ay nararamdaman at hindi inuutos ninuman, masamang bang magmahal? hindi naman yun krimen na iyung nagawa, nagmamahal kalang naman diba? marami kasing ganyan ditu sa bansang pinagtatrabahuhan ko, halos magkasama na talaga sila sa iisang bubong, at isa pa, walang batas sa kanila na bawal yun, ( hindi nga lang pedeng ikasal ) peru napaka open sa knila ng ganung sitwasyun, tulad ng nakausap ko “nagmamahalan kami, wala kaming pakialam sa sasabhin ng ibang tao” so let us respect nalang kung anu gustu nila, at lalo na yung nararamdaman nila, diba? hays, nadala naman ako..🙂

    • Wow. sumabog ang emotion ni ate lhen. Galing sa puso. Oo naman ate len we respect naman. sabi ko nga

      “Aminado akong gusto kong tulungan sila na maiayos ito pero gaya ng sinasabi ko kailangan lang natin silang irespeto at unawin nalang. Mahalin nalang din natin sila gaya ng pagmamahal ng DIYOS sa kanila at sa atin.”

      We just need to trust the plan of GOD to them.

  40. masarap magmahal.yan lang ang una kong masasabi.

    tapos,susubukin kayo ng mundo,huhusgahan at susukatin ng lahat.hahamunin na tila walang katapusan.tutuksuhin ng paulit ulit.pero ang pag-ibig ay pag-ibig.manatili man siyang bigkis nyo o paghiwalayin kayo,at least,once in a lifetime,naranasan mo.

    • so duking anu yung pangalawa? hahaha.

      tama ka susubukin tayo ng tadhana pero alam kung anung mahalaga na kahit anung unos o bagyo ang dumating sa tao basta alam niyang kasama niya ang taong mahal niya at nagmamahal sa kanya. kayang kaya nitong suuin ito at lampasan at makaahon sa isang rumaragasang alon.

      salamat sa pagdalaw. GODBLESS sa iyo… Galing ng entry mo wala akong masabi.

  41. anong meryenda dito boss berl?

  42. Clap clap clap at isa pang clap!

    Una, isa siyang sanaysay. Maraming lumabag sa panuntunang ito.

    Pangalawa, malinaw ang pagkakahayag sa napiling PAKSA.

    Pangatlo, napapanahon.

    In short, CONGRATULATIONS!!!! Idadagdag na kita sa mga bets ko hahaha…(O hayan ha sinagot ko na ang tanong mo)

    Goodluck sa’yo parekoy at sa lahat na lumahok!

    PS: Pag nanalo ka pwede palitan ko na lang ng isang bag na cloud 9 ang relo? LOL

  43. pATIKIM NG pinya

    95 98 100 82 76 84

    ayan.

  44. Outch. may 76 ako? pero ayos lang sakin yun. hehehe. salamat sa mga nagbigay ng marka. buti nalang nagadjust ako. buti nalang 80% ang naging sealing ko. buti nalang di ako nagbigay ng 75%-79%. Nkakaexcite madalaw nga lahat ng sumali at dumungaw sa nakuha nila.

    Aaminin ko nalungkot ako sa 76 pero ayos lang yun may kanya kanya tayong gusto at irerespeto ko yun. heehehehehe. TO GOD BE THE GLORY.

    SALAMAT SA PATIKIM NG PINYA MO KUAY JKUL. MAY PARTENG MAASIM AT MAY SOBRANG TAMIS NAMAN. HALO-HALO ANG LASA.

    • livingstain di ko alam eh. Only GOD knows kung sino pero manalo at matalo masaya pa din ako kasi alam ko madaming magagaling na sumali at enough na, na makita ang comments dito na umabot sa 100+. bakit mo binura ang entry mo maganda naman siya ah.

  45. Uy, contest piece ba ito? Parang nasabi na yata nilang lahat ng pwedeng ikomento rito. Good luck! At kapag nanalo, balato hehehehe

  46. A Poem for you.

    Ikaw ang dahilan ng aking kalungkutan
    Ikaw ang nagdulot ng aking kabiguan
    Ngunit hindi magawang sa iyo’y magalit man lang
    Dahil ang pag ibig sa iyo’y wagas kailan man

    Ngunit tila ang pagkakaibigan nati’y naapektuhan
    Sa ginawang pag amin ng nararamdaman
    Oo nga’t ang pag amin ko sayo’y isang kahibangan
    Dahil kailan ma’y hindi mo ito mapupunan

    Mali man ang aking naging pasya
    Ngunit huli na upang ito’y bawiin pa
    Ang pagmamahal sa iyo’y namumukod tangi sa iba
    Kahit sabihin man ng iba na ito’y mali

    Para sa akin hindi mali ang mahalin ka
    Kaya salamat sa magagandang ala ala
    Ito’y babaunin ko hanggang sa ako’y mawalan ng hininga
    Pagmamahal ko sa iyo’y hindi mawawala

    pa post lang po..
    I can relate to this topic

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s