WALANG ITITIRA II: ANU BA ANG RELIHIYON MO?

Bakit nga ba ito ang naisip ko sa pangalawang parte ng buhay ko na bubuksan ko? Siguro maraming nagulat na ganito ang paksa ko. Marami sigurong nagtaka at nagtanong? Oo di kayo nagkakamali yan nga talaga ang aking paksa. Pasintabi lang po sa lahat ng makakabasa. Sana irespeto niyo yung mga sasabihin ko at mga ipoposte ko gaya din ng paggalang ko sa mga sinasabi niyo at pinaniniwalaan. Ito ay base sa paniniwala ko at sa alam kong tama at galing sa BIBLIYA. Simulan na natin….

Ikaw ano ba ang relihiyon mo? Ano ba ang pinaniniwalaan mo? Sa dalawamput dalawang taon ko bilang isang nilalang dito sa mundo. Napakaraming tanong na umiikot sa aking isipan. Ang dami kong tanong lalo na sa RELIHIYON? Kung sino ba ang papaniwalaan ko? Kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo…

Ilan nga ba ang umiiral na RELIHIYON sa Pilipinas ngayon? Tatlo, Anim o higit pa? Di ko alam kung ilan talaga ang bilang nila pero ang totoo sa ngayon wala na akong pakialam kung gaano man sila kadami.

Nakakaurat na kasing marinig sa iba na sila daw ang ililigtas ng Diyos kasi sila ang tamang daan o di naman kaya sila lang daw ang RELIHIYON na ililigtas ng Diyos. Meron naman nagsabi na di daw tayo kasama sa langit kasi sa lupa lang tayo? Tapos meron naman kailangan mong magpunas sa kung anu-anung rebulto para gumaling, humingi ng awa at humingi ng patawad. Tapos meron pa diyan pag BORN AGAIN ka isang relihiyon din daw yun. Nakakalungkot pa niyan pag usapang Diyos na ang paguusapan laging may karugtong na tanong na anong relihiyon mo? Relihiyon na pala ang Diyos. Nakakalungkot. Nakakapanlumo. Nakakatakot talaga ang nakagawian na nating buhay.

Ako masasabi kong may relihiyong akong pinaniniwalaan noon at deboto ako ng isang rebulto noon bago ako binago ng Diyos at itinama ang utak ko sa kung anu ang tama at anu ang dapat at sa totoo lang ayaw ko ng dagdagan iyon.

Ako ngayon ay isang Kristiyanong ang pinaniniwalaan ko na lamang ay ang sinasabi ng BIBLIYA at sinasabi ng Diyos sa buhay ko. At higit sa lahat ang RELASYON ko kay KRISTO. Oo kasama ako ngayon sa isang simbahang alam kong di ako ililigaw at alam kong sa tamang landas nila ako dinadala. Isang simbahang ang tanging pinaniniwalaan lamang ay ang salita ng DIYOS na galing sa BIBLIYA. Kasama ako sa isang simbahang walang relihiyong pinaniniwalaan bagkos ang mahalaga sa kanila ay mapalaganap at maligtas ang mga tao sa pamamagitan ng pagkilala at pagkakaroon ng TUNAY NA RELASYON KAY KRISTO.

Naniniwala kasi akong hindi relihiyon ang paraan para maligtas ka sa mga kasalanan mo ngayon bagkos ang tanging magliligtas sayo ay ang BANAL NA DUGO NA DUMALOY KAY HESUS NG PINAKO SIYA SA KRUS NG KALBARYO AT NG RELASYON MO SA KANYA. Sabi nga sa ingles: “WE ARE NOT SAVE BY THE RELIGION THAT WE HAVE BUT WE ARE SAVE IN THE BLOOD OF CHRIST WHO WAS CRUCIFIED IN THE CROSS OF CALVARY AND WE ARE SAVE IF WE HAVE RELATIONSHIP WITH CHRIST”. Eto yung verse na nagpapatunay niyan. JOHN 14:6 JESUS ANSWERED, “I AM THE WAY AND THE TRUTH AND THE LIFE. NO ONE COMES TO THE FATHER EXCEPT THROUGH ME.”

Eto pa pahabol…

Naalala mo ba yung bible verse na JOHN 3:16-17? “16 FOR GOD SO LOVE THE WORLD THAT HE GAVE HIS ONE AND ONLY SON THAT WHOEVER BELIEVES IN HIM SHALL NOT PERISHED BUT HAVE ETERNAL LIFE. 17 FOR GOD DID NOT SEND HIS SON TO CONDEMN THE WORLD BUT TO SAVE THE WORLD THROUGH HIM.” Dito pinakita ni GOD na binigay niya ang bugtong niyang anak para sa atin upang magkaroon tayo ng walang hanggang buhay.

Sana naliwanagan kayo. Galing na yan sa BIBLE ha. Di yan galing sa akin. Ngayon alam mo na kung paano ka maliligtas. Masasabi mo pa kaya ngayon na ang RELIHIYON mo ang magliligtas sayo? Masasabi kaya nila na sila talaga ang daan patungo kay GOD? Masasabi mo kayang nasa tamang simbahan kang pinupuntahan? Di ko sinasabing pumunta kayo sa simbahan namin, pero kung gusto niyo pwede din para mas maliwanagan kayo, ang sa akin lang ay gusto kong ibahagi sa inyo ang alam kong tama. Gusto ko lang din na magkaroon kayo ng RELASYON KAY KRISTO hindi RELIHIYON. Kung meron ka man ngayon wag mo nang dagdagan kasi ako ayaw ko na. Ang gusto ko ngayon ay dagdagan pa at palalimin pa ang RELASYON KO KAY KRISTO hindi ang relihiyong meron ako.

Gusto ko rin linawin na ang KRISTIYANISMO ay hindi isang RELIHIYON bagkos ito ay tungkol sa RELASYON MO KAY KRISTO. At ang BORN AGAIN ay hindi din RELIHIYON bagkos ito ay tungkol sa sarili mo na muling binago ng DIYOS. Iniwan mo ang mga maling nakaraan at muling nabuhay na naaayon sa mga salita at utos ng DIYOS.

Hanggang dito nalang muna ang paksang ito. Iiwan ko ang tanong na ito sa inyo? Mas pipiliin mo ba ang RELIHIYONG pinaniniwalaan mo o ang RELASYON kay KRISTO na tunay na magliligtas sayo?

29 responses to “WALANG ITITIRA II: ANU BA ANG RELIHIYON MO?

  1. nice one boss berl!

    i don’t believe in religion, kaya i go for non-denominational.
    relationship matters as it deepens faith in HIM.

    what we believe matters, but what we believe which are true matters most.
    no other salvation than our Lord Jesus

  2. nice post….
    (same thing w/ salbe) ahihihi.

  3. @ Cuteberl..!
    ako din naman…
    di ako pala simba..!
    pero…
    alam ko…
    MAY DIYOS..!
    and…
    natulungan na niya ako..!
    maraming beses na..!
    so…
    I LOVE GOD..!😉

  4. Thanks be to God…

    Maligayang bati muna sa mga kapatid na Iglesia Ni Kristo para sa kanilang Aniversaryo.

    ako ay isang katoliko, at para sa aking, hindi kailangang magpagalingan ang mga tao kung ano at kanino ang magaling na relihiyon, ang panget tingnan na pinatatalunan kung ano ang mas masarap, ang Coke Zero o ang Coke Light. parehas silan Coke kaya parehas lang sila, iisa lang ang sinasamba kaya walang dapat pagtalunan.

    dun ka sa tingin mong magbibigay sayo sa rurok ng pagkilala sa Panginoong Jesus.

  5. Ano ba relihiyon ko?

    …. hindi relihiyon kundi relasyon sa DIYOS ang meron ako. hindi naman kasi relihiyon ang makakapag ligtas sa atin. ako’y isinilang muli. I’ll accept HIM as my personal savior.

  6. Hold on to your faith. For your faith matters most.

    • oo naman kua jkul. yun nlang pinanghahawakan natin. pero sabi nga sa bible faith without action is dead. kaya kailangan ng kumilos at baguhin ang pananaw ng mga tao.

  7. nahirapan akong mag comment.

    i was raised a catholic.sa roman catholic church ako bininyagan.by dafault,yan ang religion ko.i would say sa limitado kong nalalaman na religion is base on faith.ngayon,i still got this faith.not in the promise of eternal life but faith to life itself.i just keep living happily and if chance came up,i’m trying to spread that happiness.

    ang lawak nang simpleng tanong mo,berl.again,limitado ang kaalaman ko.

    someday,if god ask me what i have done in this life.i’ll just smile and say that i just spend most of my time being happy or at least trying to be happy.the rest is up to him.

    • hehehe. salamat sa pagdalaw duking. Tama na faith mo ang pinairal mo kasi ganun naman dapat. Malay mo tulungan kita sa mga tanong mo. ROMANS 6:23 mo makikita pano mareceive yung eternal life. Text mo lang ako sa number ko if you really want to kone more of Him. 090087049533, Godbless.

  8. August 05-06, posting date ng entry ha Utoy? Salamat ha? ha?

  9. faith is a profession of what (and who) you believe in and religion is an integral part of that building process, just my two cents😉

    pero tama ka – it’s our relationship to Him that counts most.

  10. salamat sa pagdalaw. hehehe. i respect your idea. inadd na kita sa blogroll ko. add mo din ako. thanks. dalaw ka lagi. GOD BLESS.

  11. aaminin ko hindi ko na masyado binasa yung iba hanggang 3 stanza lang ata ako. hehehe

    para sa akin ayoko makipagdiskusyon sa relihiyon mas mahabang usapan yan next to politics. ang masasabi ko lang ay it is good to have God and faith in your life. i believe pag wala kang ganyan you have no sense of direction. at kahit feeling me you are victor in everything parang may something pa rang kulang. mararamdaman mo pa rin ang emptiness. I’m Catholic but i think may chance na pumayag akong mag-Born Again Christian. sa impluwensya ng kuya ko.

    ang mahirap lang sa pagko-convert ay yung confusion. there were times hindi na ako nagsimba for several months and i had nightmares. para kang dumaan sa identity crisis. good thing though i’m still practicing Catholic may mga iba na akong di ginagawa like yung pagpapahid-pahid sa mga Santo. masaya naman ang pagiging Catholic. kahit anong relihiyon mo balewala yon kung wala sa puso mo ang pananampalataya. its more of personal relation to God.

    mabuhay!

    • dapat po tinapos mo para mas naintindihan mo. anyways pwede mo naman uling balikan. you dont need to convert naman eh kasi CHRISTIANITY is not a religion its more on RELATIONSHIP kay GOD. Nasa topic na ito yung mga explanation dapat basahin mo lang.

      Good for you na naenlightened ka pag dating dun. Ako din dumaan sa ganyan. DEBOTO AKO DIN AKO NG ….. pero ayun binago ang pananaw ko.

      Wag kang mapagod na baguhin ang naging maling kultura natin. Open yout heart to the change that GOD is doing in your life. Lahat tayo dumaan sa ganyan. Di ka nag-iisa. Salamat sa pagdalaw. Dalaw ka lagi….

  12. Gawa 17:29 yamang tayoy mga anak ng dios.huwag nating akalain n siya ay tulad ng isang larawang ginto.pilak.o bato n pawang likha ng isip at kamay ng tao. Mahabng panahon di pinansin ng dios ang di pagkakilala sa kanya ng tao. Ngunit inuotos nya n magsisisi silat tatalikdan ang kanilang masamang pamumuhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s