WALANG ITITIRA PART I: MAY TUNAY KA BANG KAIBIGAN?

 

pics from http://www.funzug.com 

Kasabay ng bagong tema ng aking blog BERLOG’S WORLD: BETTER THAN LIFE at bagon theme sa blog. Bubuksan ko ang aking sarili para sa mga tao dito sa blogosperyo…

Ibubuhos ko na lahat ng gusto kong sabihin. Ilalathala ko na lahat ng mga salitang gusto kong ilabas. Wala akong ititira. Wala akong itatago.

Sa artikulo kong ito gusto isiwalat lahat ng mga saloobin ko sa mga bagay-bagay. Mga hinanakit ko sa mundo. Mga bagay na hilig ko. Mga bagay kung saan ako napapangiti at napapasaya.

Alam ko maraming magkokomento, maraming magagalit at magtatampo lalot na yung mga kaibigan ko. Malamang sa malamang.

Hindi ko sinulat ang posteng ito upang makasakit ng mga kaibigan ko bagkos gusto ko lang mulatin ang isipan nila, ikaw at ako sa mga tunay na nangyayari sa isang magkaibigan….

Simulan na natin…

Sa tinagal tagal ko na dito sa mundo parang wala akong masasabing tunay na kaibigan. Kahit na marami akong kaibigan. Iba kasi yung tipong kilala ka sa loob at labas. Matagal na akong naghahanap ng tunay na kaibigan sa katunayan may dalawang “besfren” ako. Isang babae at isang lalaki pero aminado ako di pa nila ako kilala.Kasi nga di pa din nila kilala ang parents ko at di ko din kilala parents nila. Gusto ko kasi yung tipo na kahit labas pasok ako sa bahay nila ok lang kasi kilala nila ako at parang yung tipong parte ka na rin ng buhay nila. Para kasi sa akin ang tunay na kaibigan sa lungkot at saya karamay mo siya.Siguro nagtanong ka no? Bakit sila ang besfren ko pero di ko pa din sila tinuturing na tunay na kaibagan . Malay ko ba di ba kung totoo ba talaga sila at hanggang sa huli?

Meron din akong dalawang tropa sa bulacan na masasabi kong kahit papaano kasangga at karamay ko pero di ko pa din masasabi kung tunay ko talaga silang kaibigan kahit na kilala na sila ng magulang ko at ganun din naman ako sa kanila. Marami pa kasi silang di alam sa buhay ko. Kumbaga may ibang parte ng buhay ko na di nila alam.Pero kung titignan ko sila yung medyo malapit na sa katotohan.

Di naman ako naghahanap ng perpektong kaibigan kasi sa totoo lang di naman ako mapili sa kaibigan. Di ba nga sabi ko kanina madami akong kaibigan pero kadalasan sa kanila ay nakilala ko lang, nakakwentuhan, lagi mong nakikita sa simbahan, pero halos karamihan sa kaibagan ko ay prang kakilala lang. Para sa akin kasi iba yung kakilala sa kaibigan. Pagkakilala mo lang kasi yung tao may parte ka ng buhay niya alam mo; Pangalan, address at iba pa pero pag kaibigan yan yung tipong kasama mo lagi, kakwentuhan at kadamay mo sa lahat pero di mo pa din masasabing tunay na kaibigan. Alam mo kung bakit? Kasi ganito yun.

Para sa akin ang tunay na kaibigan ay yung tipo ng hindi mo alintana kahit gamitin mo yung kutsara niya pag makikiagaw ka ng pagkain sa kanya, makiinom sa baso niya kahit gamit niya na ito at kahit umutot ka sa harap niya pagkatapos mabusog ay ayos lang pero syempre mahiya ka naman di naman magandang asal yun.

O di kaya makikigamit ng mga bagay na personal sa kanya tulad ng short at damit, huwag na brief kasi mahiya ka naman pati pa ba naman yun hihiramin mo pero siguro pwede din mangyari yun o siguro boxer short nalang ang hiramin mo kung saka sakali.

Yung tipo na di kayo mahihiyang magkatabi sa pagtulog pag nasa bahay niyo siya o kaya ay nasa bahay ka nila kasi nga  tunay kayong magkaibigan. Na halos parang magkapatid na kayo at inuluwal sa iisang nanay.

Meron pa masasabi ko lang na tunay kong kaibigan ang isang tao kung kaya niyang ibuwis ang buhay niya para sa akin. Matanong nga kita kaya mo ba? Ako dati aminado ako di ko kaya pero ngayon ayos lang sakin na mamatay para sa kaibigan ko mapatunayan ko lang na tunay akong kaibigan sa kanya.

Di lang yan ang basehan marammi pang iba depende kasi yan sa tao basta ako isa yang mga yan sa basehan ko.

Medyo mahaba na ito. May susunod pa… hintayin niyo nalang…. Ngayon siguro napatanong ka? Napaisip at napakamot sa ulo… Inisa isa mong isipin ang masasabi mong tunay na kaibigan… Ang tanong meron ka bang nakita at masasabi mo si ganito ay tunay kong kaibigan?

Kilala mo ba talaga ang kaibigan mo at kilala ka nila? Masasabi mo kayang tunay mo siyang kaibigan at tunay kang kaibigan sa kanya o baka naman isa sila sa mga taong  iiwan ka din tulad ng karamihan o di naman kaya ikaw ang mangiiwan…

Iiwan ko yang mga tanong na iyan sa inyo kasi kahit ako tumitingin pa ako sa mga taong nasa paligid ko ngayon na masasabi kong tunay na kaibigan. Di lang ung besfren dahil nakasama mo ng sa iskul ng matagal o kaibigan na nakasama mo sa kalokohan at kasiyahan.

21 responses to “WALANG ITITIRA PART I: MAY TUNAY KA BANG KAIBIGAN?

  1. Ang taas ng standard mo para maging tunay na kaibigan mo. Hindi ko yan kaya, pwede bang maging kaibigan mo lang? Wala na yung “tunay”. =)

    Para naman sa akin, ibat ibang level ang kaibigan. May kaibigan na nakakasama mo lang kapag nanonood kayo ng movie (movie buddy), kaibigan na nahihila ka kapag may inuman, kaibigan na nasasabihan ka kapag problema o kailangan ng pera (user), kaibigan na kilala ka since elementary days, kaibigan na kilala ka hanggang singit, kaibigan na kung ituring ka ay hindi tao, kaibigan na kung ituring ka ay buong pagkatao.

    Sabi mo nga, iba iba tayo ng basehan.

    Apir sa napakagandang post! Apir sa new theme!

    BASE!

  2. wow nakakagulat at si ate salbehe ang nakabase ngayon. salamat sa pagdalaw. kulit ng basehan mo pero karamihan diyan kaparehas sa iba kong basehan na di ko nilagay. hehehe. salamat sa papuri.. TO GOD BE THE GLORY….

  3. what a post!! minsan para maka gain tayo ng totoong kaibigan kailangan din nating buksan yung sarili natin para sa kanila. sa kaibigan naman, nandyan ka dapat may kapalit o wala. maswerte ang taong makakasalubong mo sa buhay kasi alam mo ang baway kahulugan ng totoong pagkakaibigan, alam mo ang pagpapahalaga at mga pamantayan..

    magkaiba talaga ang acquaintance sa friends.. marami tayong nakikilala pero hanggang duon lang yun, it really takes time to win a friend, sometimes it takes a lifetime, pero pag may totoo kang kaibigan yun na! sarap gn feeling, kilala ka inside out tulad nga ng sabi mo kahit ano kapa kahit ututin kapa ayos lang sa kanya kasi nga nakakaintindi sila.haha.

    anyway, salamat dito mahaba pero its a moving post.. na renew ang apreciation ko sa mga totoong kaibigan ko na nasa tabi ko lang kahit anong oras..

    sabi nga

    “real friends are like blood”..though they are not visible always but they came out when we are wounded.

    • salamat kuya bon. hehehe. haba din ng comments mo pero dagdag info sa mga babasa ng blog ko. sabi ko nga baka sa blog ko na makilala kung magiging tunay kong kaibigan. malay ko ba? salamat sana maging kaibigan din kita. dalaw ka lagi kuya bon. GODBLESS.

  4. pang above-friendship naman standard. hahaha!

    naranasan ko naman lahat yan, pero syempre hindi sa iba-ibang tao.hiram ng short, syempre sa barkadang lalake. magpapasubo ng pagkain, sa kaibigang babae naman. hindi nman pwedeng all in one. na-try mo na ba uminom ng juice na lahat ng prutas e present? hindi kasali ang four seasons kase apat lang un.

  5. @ Cuteberl..!
    ako..,
    ilan lang friends ko..!
    pero…
    alam ko…
    tunay silang lahat..!
    maganda itong naisip mo..!
    buksan mo ang buhay mo…
    sa tao..!
    susubaybayan kita..!😉

  6. ehem muna.(bwelo) ahaha. OK!
    kung ndaanan mo ang mga poste q sa wp q eh my mga frnshp dn pero anyweiz.. pano b?(hnd q alm pnu ccmulan) ahaha.kc naman npka mhalagang bagay skin ang pagkakaibgan. mdli lng dn aq kaibganin,mrmdaman q lng na mahal moko mahal n din kta! kya naman mrmi akong kaibgan. pro ung mga inilaborate mo, kung palitan ng dmit oo my mga kaibgan akong gnyan, sbay p nga kme maligo(babae ha) ahaha.. at ung sa baso wlng problem yan kht kutsara gnyan kme.pero pagtutbras sa bf q lng aq nkikishare ahaha.(teka nksama b un s mga cnb u?) ahahaa.
    at hnd lng sa mga bf q aq give lht ng love jkht s mga frns q din.. kesyo isanla q alahas q pag nid nla ng money at away q ang kaaway nla! gnun aq ka loyal sa mga true frenz q..
    at ni aask mo kung nkahap nko ng true fren?? i gez.. kc almo wla namang perfect fren kc wlng perfct na tao, kaht n minsan e nagkakaroon ng hnd pagkakaintndhan at prob eh hnd ibig sbhn na hnd na kau tunay na magkaibgan, aktwali dun nga masusukat ang tunay na pagkakaibgan dhl nkkyang magbigay ng uncondionl love sa isat isa..

    un lng! sori wla me msabi eh..ahahah

    • oo kayedee konti nga lang sinabi mo. konti lang mga more than 500 words lang naman ata yan. anyways, tama ka walang perfect frend pero makakakilala ka ng true frend balang araw. salamat sa pagdalaw. dalaw ka lagi…. GODBLESS..

  7. the best yung sinabi ni bon.

    friendship is about making your circle of life expands hanggang maabot nila yung ibang tao.pag nag overlap yung mga circle ng buhay natin,thats how we find true friends!

  8. naks bago ang pix. my kamukha kng blogger🙂

  9. hmmmm….medyo agree ako kay salbehe…may iba’t ibang klase ng kaibigan pero pwede mo naman pagsama samahin yun sa isa lang….

    Pero minsan itinuring mo ng bestfren kasi yung mga standards mo cuteberl eh ganun na yung level namin. Biglang nagbago ang lahat hanggang sa nawala na lang siya kasi napagod na rin ako. Kaya ngayon, di ko muna masyado inaattach yung sarili ko pag may bagong nakikilala, mahirap na kasi. Naniniwala ako na bigayan parin dapat, di pwdeng isa lang ang gumagawa ng paraan.

  10. Hello! Cute na cute naman ang pangalan ng blog mo: cuteberl😀

    Salamat sa pagdaan sa blog ko, ikaw ang pinakabagong bisita doon🙂

    I have live my life siguro twice or thrice ng haba ng panahong inilagi mo sa mundo😀 At masasabi kong nakatagpo na ako ng mga kaibigang napatunayan kong handang magbigay ng buhay nila para sa akin. Kaya ako ay firm believer sa konsepto ng tunay na pagkakaibigan.

    Kung sa tingin mo ay di mo pa natatagpuan ang tunay mong kaibigan sa puntong ito ng buhay mo, maaaring darating pa lang sila.

    • Salamat sa pagdalaw Ms. N. Oo naman naniniwala naman akong makakakita ako noon. Masyado lang akong emo noong pinost ko ito at siguro naging makasarili ako. I think there are lots of people na masasabi kong tunay na kaibigan ko pero sabi ko nga naging emo lang ako at masyadong naging sekf-centered. Ngayon I am finding them. And I pray mahanap ko sila…

  11. gosto ko malaman bakit kya may tunay na kaibigan at hndi tunay na kaibigan sana mag karoon ako na kaibigan na mag papatunay ng mASAYANG pag sasa ma nammin na hndi mag tatalo sa gitna ng dilim

  12. may kaibigan ako pero siniraan ako matapos ko sya isabay sa kainan masaya nag kukuwentohan sa lamesa at nag tatawan kina bukasan may nah aaway tungkol sa facebook may pumunta na lalaki bakit daw sya pinag mumura sa facebook. lumabas a ko para tingnan kung sino umu po ako tapos sinsabi saakin pomasok ako para burahin ung massege ko sa kanya pero mag kaaway kami paano niya malalaman ang ginagawa ko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s