SEASONS OF LIFE

Bawat tao ay may kanya-kanyang panahon. May kanya-kanyang pupuntahan at destinasyon. May kanya-kanyang buhay na binubuhay. Simula palang ng bata tayo laging sinasabi ng ating mga magulang na may panahon para dito at may panahaon para doon. Minsan nahihirapan tayong intindihin ang sinasabi nila kaya minsan kala natin ay hindi totoo ang sinasabi nila.

Ganyan din ang pananaw ko dati. Ako kasi yung tipo ng tao na walang ginawa kundi alamin ang mga bagay na gusto kong malaman tapos pag may  nakakaalam na matanda kesa akin eh di ko pinaniniwalaan. Pero ngayon bago na ang lahat mula ng matutunan ko ang SEASONS OF LIFE. Ano ito? Ito yung tinatawag na lebel ng buhay ng isang tao. Sige para mas maintindihan niyo ipapaliwanag ko na.

SEASONS OF LIFE

1. SEASON OF LEARNING (6-20 yrs old.)

Ang season na ito ay tungkol sa mga taong may edad anim hanggang dalawampu. Dumedepende kasi ang edad ng season na ito sa pag-aaral ng isang tao o mas kalimitan tawagin na estudyante.

Dito sinasabi na magfocus muna sa pag-aaral bago ang lahat. In short, Walang GF/BF, bawal ang DOTA, PW at RAGNAROK(di ko na kasi alam ang pinakalatest eh..), bawal ang lumiban sa klase, bawal ang pag-inom ng alak at paninigarilyo.. Maraming bawal na gawin. Ito kasi yung mga nagiging hadlang at sagabal para mapagtuunan natin ng pansin ang ating pag-aaral

Minsan ang season na ito ang pinakaayaw na lahat… tama ba ako?

2. SEASON OF EARNING (20 -30yrs old)

Ang season naman na ito ay para sa mga taong nakapagtapos na at ngayon nakikibaka sa tunay na mundo. Ito yung season na tinuturuan tayong maging masinop at magipon para sa kinabukasan natin. Ika nga sa bagong henerasyon: “YAPEE o YOUNG PROFESSIONALS”

Dito pumapasok yung season na pwede na ang gf/bf basta tama ang ginagawa niyo. Kami kasing Kristiyano dapat ang gf/bf naming ay dapat Kristiyano din. Lagi ngang pinapaalala sa aming ang mga habak ng season na ito. Ito ay ang mga sumusunod:

2.1 EARNING FOR YOURSELF

2.2 EARNING FOR YOUR FAMILY

2.3 EARNING FOR YOUR FUTURE FAMILY

2.4 EARNING TO HELP OTHER PEOPLE

Kung ako tatanungin nasa 2.1 at 2.2 palang ako. Kaya nga mas pinili ko muna ang SINGLE na buhay. Mahal kasi ang bilihin ngayon kaya ipon muna hanggang maging ayos na at di na namomoroblema sa pera..

3. SEASON OF MARRYING (25yrs –onwards depende sa tao dapat financially stable na)

Ako kasi ang limit ko 25-30yrs talaga kasi iniisip ko din na baka pag lumagpas na ako sa 30yrs mahihirapan na akong humanap. At medyo matanda na din.

Dito syempre ikakasal ka na sa babaeng/lalaking plano ng Diyos para sayo.. Ako yun ang pinapaniwalaan ko. Iba-iba ang mga naririnig natin tungkol sa kasal ng isang tao. Meron dyan kinasal ng pinilit, meron nabuntis kaya nagpasakal(este kasal pala) na, meron naman sa una lang nagtagal tapos break na, meron din yung pinagkasundo lang ng mga magulang pero dapat tayo alam natin na ang kasal ay habambuhay na pangako sa isa’t isa. Sabi nga sa wedding vow:

“I, ____, take you, ____, to be my (husband/wife). I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. I, ____, take you, ____, for my lawful (husband/wife), to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death us do part.”

Di ba ang ganda ng pangako ng mag-asawa kaya dapat pangalagaan natin habambuhay.

Para sa akin ang “SEASONS OF LIFE” pag inapply mo sa buhay mo tiyak magkakaroon ka ng magandang buhay. Simple lang ang buhay wag natin itong pahirapan at gawing komplikado. Sabi nga, komplikado na nga ang mga tao sa paligid makikisabay ka pa dito bakit kaya di ka magbago ng direksyon at itama ito.

Ikaw saang season ka na ba?

Estudyante ka pa ba? Ayusin mo ang buhay mo, mag-aral ng mabuti at magtino.

YAPEE ka ba? Magtrabaho ka at wag blog ng blog ang atupagin mo. (tiyak maraming magrereact dito hehehehe).

Married ka na ba? Dapat masaya ka na at buo na ang buhay at pamilya mo. Sabi nga nila bawal ang Kabit ha.

65 responses to “SEASONS OF LIFE

  1. WOW BASE KA NGA ATE KAYEDEE…

  2. Kailan ang Season of Love? =)

  3. It’s harvest time…

  4. 2.1 EARNING FOR YOURSELF

    2.2 EARNING FOR YOUR FAMILY

    2.3 EARNING FOR YOUR FUTURE FAMILY

    2.4 EARNING TO HELP OTHER PEOPLE

    pasok ako sa apat nato ahahaha🙂

  5. saan pumapasok sa category na ‘to si vilma santos?

    sya kasi ang star for all season eh!

  6. waaaa. 28 nko in 2 days pero bkit hnd ko ma fil dun sa season mo?! ahaha. filing q nandun p rin aq sa season of being kid. makulit, immature,magulo kausp at adik na lge nla cnsb! ahaha. pero pag tuntong ko ng 28 i will try 2 change😉

    pag dating nman sa pag aasawa eh. wla yan sa season bsta kung keln dumating ang para syo,, e panu kung na trafic sa edsa hanggang 40 yrs old ka. my mggwa kb? wla db kundi mag antay! ehhee… sb ko nuon 25 aq mag aaswa. eh nung 25 aq prang 12 pa rin ang utak ko pano ako mag aaswa nun?! ahahaa…

    napansin ko sa blogroll mo ate kayedee. waaaa ikw lang ang nag lagay ng ate kayedee sa blogroll ahaaha.

  7. naku nasa 2 at 3 na pala ko. hahaha!
    wala lang tlga magawa sa ofc kaya ko pakalat kalat sa blog. mas nakakapagod magpanggap na busy kesa maging busy. buti na lang may blog. hehehe

  8. gusto ko ang season1 kasi kahit madaming bawal nagawa ko na din naman sa season na un, hahaha

    pero maganda din ang season 2, mabibili mo ung gusto mo nang hindi ka nanghihingi (aun ay kung kaya ng bulsa at ng salary mo)hehe

    napadaan lang po!😀

  9. Opo, Kuya, mag-aaral po me.

    Xoxo

  10. Young Prof palang ako kahit hindi prof.
    hmmmmm
    mas maganda kapag nag-asawa ay tung perfect time na ibinigay ni God maging idaan sa panalangin ang lahat bago magdesisyon lalo na ang mga desisyong gagawin ay mahahalaga

    Fire Drill kami nito balik ako!

  11. Uo naman kuya dapat ganuon nga…. namis ko ang pagdalaw mo sa blog ko…. kelan balik mo dito?

  12. Tapos na fire drill
    pasensya na kung hindi ako gaanoong nakakadalaw busy kasi at pasulpot sulpot lamang ako magblog hop

    kumusta ka naman sir berl?
    mabuti naman dito sa disyerto.
    ako din after 4 years ang taning ko para mag-asawa pero syempre si Lord pa rin ang bahala!

    • ayos naman. pauwi na din ako. maaga dismissal namin ngayon. uo naman kung di pa balak ni GOD na 30YRS old ako magasawa ayos lang sakin basta plano niya ang masusunod….

  13. @ Cuteberl..!
    para na itong…
    maslov’s heirarchy of needs..?😉

  14. THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

  15. kelan kaya panahon ko para makapag asawa?? ahahaa, ayokong hintayin.. baka maantala pa.. hehe

  16. berlim musta? d2 ako.. db sb mo s msg mo. dalaw ako sa blog nya at dalaw din xa sa blog ko.! bwahaha..la lang. prang c tapa lng nagkakalat lng dn me now kc day off q wlang mgawa! ahah.kso nman madaling arw jan now😦

    @len-sis len wag k ng mag antay! magmini maynimo ka nlng sa mga nkapila sa pinto mo! nyahha.. kung ask moko sa my initial na KP. ahaaa.hulaan lolz..

  17. hisnameisdencios

    ahaha. yuppie ako pero blog ng blog. wala naman masama berl ah?! ahahaha

  18. wala ka pa rin palang haydate hehehe

  19. Dude malayo pa ako sa season of marrying and start a family life…. Hay limited time na to prepare so kelangan magdouble time. Earning pa lang din kasi ako…. Nice article bro, nakaka enlighting para sa mga young professionals like us.

  20. thanks bro… i am blessed na nagustuhan mo po. galing lang po yung teaching ng pastor namin share ko para marami ang maitama ang season ng buhay nila…. thanks po sa pagdalaw… BE A BLESSING AND BE BLESSED… GODBLESS.

  21. Dumadaan lamang. Kamusta?

  22. hahays! seasons of life bigla naman akong natigatig dyan haha nasa 25-30 nako waaaaaa! seasons of marrying na yahooo pede na pakasal!!! haha

    salamat po sa pagdaan sa taragis.com!!

  23. Perstaym ko dito Berl. Kape nga diyan habang nagbabasa ako. Hehe.

    Yung studies kasi eh in general yan, kung ano yung kalimitang nangyayari sa karamihan. Puwede mo namang i-bend. Kung puwede nga lang nung 12 y/o ako eh nagtayo na ko ng business ko para maagang retirement, hahaha. Mag-asawa ka na Berl! Ring bearer ako!

  24. Hehehe saka na yin. dahil perstaym mo congrats at bahagi ka na ng world ko. dalaw ka uli ha,,,,,,,

  25. hi cuteberl!

    oo at isa ako sa magre-react na blog ng blog. hehehe! pero i don’t think naman na sobrang addict na ako. ano naman kasi ang iba-blog mo di ba kung wala kang maisip at na-experience na worth i-blog.

    nasa same stage tayo and medyo same din ang thinking natin when it comes to marriage. but i think ilang factors na nakaka-affect sa akin why i’m still single is yong family background ko and lifestyle. kasi same naman kami ng lifestyle ni vajarl, if you know him. hehehe

    yeah live life to the fullest and value the time. because definitely time is gold. aru!

  26. vajarl? parang familiar. parang dumaan na cya sa mga poste ko. Bread winner ka din ba?

  27. naku parang narinig ko ito sa isang friend kailan lang ah. hehehe

    tama maximize you potential ika nga. mabuhay!

  28. hello! isa ito sa mga Christian teachings na mejo late ko nang na22nan pero di pa naman masyadong huli lol.
    nakatulong tong blog mo sa project ng kapatid ko about problems ng mga students hehe nagpapatulong sakin. alam ko na to kso im not sure of the exact words na ginamit. thank you Godbless..n_n

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s