Dose…

Isang dosenang lungkot

Isang dosenang paghihirap

Isang dosenang problema

Isang dosenang saya.

Dose.

Labindalawa

“Twelve” sa ingles

Numero ka lang ba?

Kung ikaw ang tatanungin ko?

Anung ibig sabihin sayo ng numerong ito?

Importante din ba sayo ito?

May halaga ba ito para sayo?

Kung ikaw ay maglilibot

Kung ikaw ay magiikot..

Lagi mo itong makikita

Kahit saang sulok ng kalsada.

Minsan sa palengke

O di kaya sa presyo ng iyong binibile

Kadalasan ginagamit din ito

Sa pagtuturo.ng matematika sa mga kabataang tulad ko.

Dose, ano ka nga ba sa akin?

Labindalawa, ano ba ang gusto mong sabihin..

Baliw na nga ba ako?

Pati numero ay pinagtritripan ko

Kung titignan mo ang oras

Labindalawang oras sa umaga

Labindalawang oras sa gabi

Pero ano ba talaga ang iyong silbi?

Ano ba ang silbi mo dose ka?

Ano nga bang halaga mo labingdalawa?

Bakit mo ako ginugulo?

Bakit ikaw ang iniisip ko?

May bigla lang pumasok sa isip ko

May biglang sumagi sa kokote ko

Naalala ko lang ang bilang ng mga disipolo

Dose din pala ang mga ito..

Ngayon alam ko na bakit?

Ikaw dose ay sobrang kulet.

Pinapaalala mo lang pala

Dapat dose ko ay mabuo ko na.

Siguro nagtatanong kayo?

Bakit kailangan dose ko ay mabuo.

Simple lang  ang sagot ko

Sila ang tutulong mabago ang mundo.

Alam ko marami pa ang di alam ito

Kaya nga pala pinaalala sa akin ito

Malay niyo matulungan ko kayo

At malay ko ba isa kayo sa magiging disipolo ko.

Sabi nga lagi sa atin ng mga matatanda

Gayahin natin ang anak ng Lumikha

Di ba dose din ang disipolo niya

Ikaw ba may dose na?

Tara, dose nati’y atin ng buuin

At sabay sabay nating bayan ay baguhin

Pag nangyari yun buo na dose ko at dose mo

Malay ba natin di lang pala bayan natin ang mabago pati buong mundo

26 responses to “Dose…

  1. Dose din ang buwan sa kalendaryo kaya mahalaga yun sa akin dahil it makes one year kasi naka one year na ako dito.

    The twelve apostles and the rest of the disciples turn the world upside down for the Gospel of Christ.

    Be blessed sir berlim!

    May ym ako add mo ako pong_lc@yahoo.com
    sa bahay kita ma-aadd kasi nasa office ako now pero pwede mo akong email mas makakreply ako ng mabilis!

  2. mag aapply ako bilang disipolo mo😀
    dose ? malungkot ako nyan . last na yan bday ko na bata pa ko
    sunod kasi teen years na . ngaun kahit teen wala na

    • BAWAL. AYOKO NGA. HAHAHA. lalake po dapat ang magiging dose ko eh. pero sa mga kapatid ko sa church na babae baka pwede ka.. pwede pa din naman ienjoy ang buhay teen ah lalo pag si GOD na ang sentro mas masaya. sabagay matanda ka na… hahahaha peace…. love…. love….. love…..

  3. di po ako manga-api geylii… mang aaway lang hahaha. peace.

  4. ayun dahil napunta ka na sa aking bahay blog…

    balik ka ulit…sana magawa mo sya ah!!

    apir!!

  5. 12? ano nga ba ang meron d2 sa number na to teka matayaan nga sa hweteng ahahaha

    napadaan lng🙂

    • welcome sphere…. salamat sa pag dalaw sa blog ko. balik ka uli ha. add mo din po ako sa blogroll mo. Godbless… uso pa pla ang jueteng….. pag nanalo ka balato ha…. .

  6. magaling ang iyong imahinasyon berl.. imagine pti dose naicp mo yun para mging entry?! isa kng henyo! ehhehe.

    o bka nman 12 ang fav no. mo kc un ang anib nyo ng gf mo or ex mo? ehehhe..
    naiicp q sa dose.. eggs lang! ehehehe

    gndng arw😉

    • ate kayedee salamat sa pag dalaw. uo dose din ang itlog… di ko kasi alam pano isisingit kaya di ko na nailagay. its more about the disciple of Christ ate.

  7. Baka naman maswerte sa iyo ang numero na dose? Siguro kaawaran mo sa darating na 12.. Yiee! Libre.

    Tayaan mo sa lotto, baka manalo. =)

    • hehehe. di na ako tumataya sa lotto ate salbehe eh sa jueteng nalang.. welcome to my blog… balik po kayo.. 9 talaga favorite number ko pero ngayon 12 na din bale silang dalawa na gusto kong numero…. hahaha

  8. 12 days of christmas ang contribution ko…
    para masaya..!
    nasa BIBLIOGRAPHY na kita..!
    nawa’y parati tayo magkita sa aking tahanan..!
    nawa’y lagi kang magbasa ng…
    The book of Daniel..!😉
    pls check the details pala sa BIBLIOGRAPHY..!
    kung may mali…
    paki message nalang sa akin..!
    see you there..;)

  9. ang tunay mong pangalan..?
    ito ay aking nakuha…
    isang simpleng…
    pamamaraan..!
    nais kong…
    hilingin sa iyo na…
    gamitin natin ang…
    buo mong pangalan..!
    dahil para sa akin…
    ang bawat pangalan ng tao ay…
    may karakter..!
    may kuwento..!
    may buhay..!
    ang iyong pangalan ay isang himig..!
    isang musika..!🙂

    • ganoon po ba ginoo. subalit, datapuwat, ngunit minsan kailangan natin irespeto ang pagkapribado ng buhay ng isang tao. Tulad ko… ayos lang naman sa akin ang ilatag ang pangalan ko sa mga bloggerong ngunit kailangan ko itong gawin upang mapanatili munang pribado ang buhay ko. sana maintindihan mo

  10. yehey… salamat bro…. may dahilan ako kasi iam working sa isang bangko… para mas maintindihan niyo po…

  11. walang ano man..!
    kung may pagkakataon at oras..,
    nais pa kitang makilala nang lubos..!😉

  12. meron pong doseng ice kendi??? joke po galing po ng pagkakasulat..kakaiba..:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s