Isa, Dalawa, Tatlo…

Isa, Dalawa, Tatlo…
BERLIM M. LIMBAUAN

Isa, dalawa, tatlo..
Ilang taon na ba ako?
Ilang taon na din ba akong ganito?
Ilang taon na din bang magulo ang buhay ko?…

Ang dami ko namang nagawa sa buhay ko
Ang dami namang award ang nakuha ko
Pero bakit parang di ako masaya?
Bakit parang may kulang pa…

Sumubok na akong uminom ng alak
Humithit ng sigarilyong sandamakmak
Nanood ng mga palabas na malaswa
Magikot sa mall hanggang sa magsawa…

Pero bakit parang walang epekto
Bakit parang walang nagbabago…
Parang lalong lumala pa
Parang lalong gumulo pa…

Kala ko din kasintahan ang solusyon
Kaya sinubukang umibig sa di tamang panahon
Pero mali pa din ako…
Parang may kulang pa din sa aking pagkatao

Sumali na din ako sa ibat ibang palakasan
Nakipaglaban sa patalinuhan sa paaralan
Minsan talo pero kadalasan panalo
Pero ganun pa din parang di pa din ako kuntento

Naging aktibo din ako sa buhay kolehiyo
Sumali sa mga organisasyon at naging pinuno.
Pati pagtatanim ng puno ginawa ko na
Para lang maibsan ang kulang na nadarama.

Isa, dalawa, tatlo…
Ano nga ba talaga ang kailangan ko?
Isa, dalawa, tatlo…
May dapat ba akong baguhin sa aking pagkatao?

Nagawa ko na ang lahat,
Pero bakit parang di pa din ito sapat…
Parang kulang pa din,
Parang may dapat pa akong hanapin.

Pero nagbago ang lahat sa buhay ko.
Naaalala ko pa paano ito nagbago.
Nagsimula ang lahat noong kolehiyo din ako…
Noong sumali ako sa grupong ito..

Sila ang tumulong para makita ko ang kulang ko
At alam mo kung ano ito?
Wala pala akong Diyos sa buhay ko
Kahit ako’y Romano Katoliko.

Laking pasasalamat ko sa kanila
Kundi dahil sa kanila di ko makikita
Ang nawawala sa buhay ko…
Ang kinakailangan ko para mabuo ang aking pagkatao.

Ilang taon din akong naging aktibo sa grupo
Umabot din sa puntong naging isang lider din ako…
Pero bakit ganun ang aking nadama
Parang may kulang pa kahit ako’y may Diyos na.

Nagtapos na ako sa kolehiyo,
Nagkaroon na din ako ng trabaho…
Naging abala sa madaming bagay,
At madaming nagbago sa aking buhay.

Hindi na ako naging aktibo sa grupo.
Minsan pupunta pero kadalasan wala ako.
Bumalik lang ako sa dating buhay ko,
Buhay na makasalanan kahit may Diyos na ako.

Naging simple nalang ang buhay ko
Sa bahay at trabaho na umiikot ang buhay ko.
Minsan pupunta sa mall para manood ng sine
O di kaya magiikot lang pero di naman bibile.

Ilang buwan din akong ganoon ang buhay
Hanggang sa nagsawa sa buhay na walang kabuhay buhay.
Namis ko din ang mga ginawa sa grupong iyon
Yun nga lang di na ako pwede doon.

Di na pwede kasi may trabaho na ako
Di na pwede kasi para sa mga estudyante lang yun
Kaya napilitan na akong tumalon
Sa grupo kung saan puro nagtratrabaho ang nandoon

Hindi ako gaano nakakasama sa kanila
Kasi minsan madami ngang ginagawa sa opisina
Bibihira din nga ako dumalo sa mga salo-salo
Minsan pinipili ko nalang matulog at wag ng dumalo.

Halos tamarin na din ako.
Di na din ako nagpaparamdam sa mga kakilala ko
Hinahanap nila ako.
Pero minsan umiiwas at nagtatago ako.

Di muna ako nagpakita sa kanila.
Mas pinili muna ang mag-isa.
Nagsimula uli ako sa pagbabasa ng bibliya,
Hanggang sa may dumating sa buhay ko na kakaiba.

Nagsimula ang lahat ng may dumating na bago
Bagong karoomate sa dorm na tinutuluyan ko
Noong una medyo ilag sa isat isa
Hanggang sa nakabonding at nagkakilala.

Sa isang kolehiyo sa taft siya nagaaral
Sa isang paaralan kung saan dati balak ko din doon magaral.
Mas bata siya sa akin..
Sobrang kulit niya kung tutuusin.

Di naglaon kami’y naging magkaibigan
Halos magkapatid na din ang aming turingan.
Binalak ko siyang yayain doon sa grupo,
Sa grupong dating kinabibilangan ko.

Sabi niya sige daw sasama siya
Pero may kondisyon din siya
Meron din daw siyang pinupunta sa masagana
WILDSONS daw ang sabi niya…

Nauna niya akong naisama sa pinupuntahan niya
At di nagtagal sa kanila na din ako sumasama.
Salamat sa kaniya kasi ngayon nalaman ko,
Ang totoong kulang ko sa aking buong pagkatao.

Ngayon alam ko na kung bakit ako nandito sa mundo
Alam ko na bakit ako tinawag na Diyos para magbago
Wala pala akong tunay na relasyon sa KANYA.
Kahit sinasabi kong kilala ko na SIYA.

Hindi din pala yan sa relihiyon mo
Hindi din pala yan dahil sa sarili mo
Ang dahilan ng iyong pagbabago
Kasi tinanggap mo ang Diyos na tagapagligtas mo.

Marami sa akin ang hindi naniniwala
Madami din ang nagsabing “nagbago ka na.”
Meron din nagsabing binago ko daw ang relihiyon ko
May nagtanong din kung naging Kristiyano na daw ako.

Noon at ngayon, Kristiyano na talaga ako
Ngunit ang pinagkaiba lang nito
Noon nakabase ako sa relihiyong pinaniniwalaan ko
Ngayon nakabase ako sa relasyon ko kay HESUKRISTO.

Isa, dalawa, tatlo…
Dalawamput dalawang taon na pala ako.
Dalawamput dalawang taon sa kawalan
Dalawamput dalawang taon na di alam ang patutunguhan

Isa, dalawa, tatlo…
Alam ko na ngayon kung bakit ako nandito sa mundo.
Una, Mahalin ko Diyos ng higit sa lahat
Pangalawa, Mahalin ko ang tao ng buong tapat.

Isa, dalawa, tatlo…
Alam ko maraming pang mangyayari sa buhay ko
Umpisa palang ito ng tunay na pagbabago.
Pero nakanda ako sa plano ng Diyos sa buhay ko.

Isa, dalawa, tatlo…
Umpisa lang din ito ng bagong yugto ng buhay ko
Umpisa ng bagong pahina ng libro ko
Umpisa ng bagong istorya ng bagong ako.

Isa, dalawa, tatlo…
Di ko na alam ang susunod dito
Siguro hanggang dito nalang muna ito
Kwento ko nalang ang susunod na yugto sa inyo.

19 responses to “Isa, Dalawa, Tatlo…

  1. may apat, lima, anim pa ba ito? God bless!

  2. sige, abangan ko na lang, tapos may part 3 pa?

  3. Isa, dalawa, tatlo…
    Ang haba ng sinulat mo..
    Pero maraming salamat dito
    Dahil kahit papano…
    nagkaroon ng sagot
    ang mga katanungan ko…

    Hehehe. Ang gandang bkgd song dito yung kanta ng Yano na Esem. Alam mo yun? Ingat ka lage at GOdbless!

  4. Magpatuloy ka lamang palawakin ang magandang relasyon mo sa iyong Lumikha.

    Kamusta ka na?

  5. wala ng hihigit pa kapag nasa piling niya
    isa, dalawa, tatlo

  6. kuya pong namis kita….. musta?

  7. Si Gaylee hindi mo namimiss Berlimmmmmmm?

  8. isa, dalawa, tatlo
    patambay ako dito
    isa, dalawa, tatlo
    natuwa ako sa poste mo
    isa, dalawa, tatlo
    ipagpatuloy mo ang relasyon mo kay God
    isa, dalawa , tatlo
    wag sanang maging isa, dalawa tatlo takbo palayo sa kanya. .

    God bless..

  9. Bro member ka ba ng singles for christ sa nababasa ko kasi parang kasali ka rin dun.ako member din ng group na yun.inactive na ko..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s